30 *medyo spg*

8.4K 301 55
                                    

A/N

Medyo may pagka spg po ang chapter na to medyo lang naman. XD

-beberose

*********************

Yhnna's POV

"Ang daya mo!" Sabi ko kay Stephen habang binato sa kanya ang mga playing cards na hawak ko. Tinuruan niya kasi akong mag puso'y madali ko naman natutunan pero lagi naman akong talo.

"Mag tong hits nalang tayo! Pero huwag na huwag mo akong dadayain!" Sabi ko na kinuha ulit ang mga baraha at binalasa iyon.

"Kunwari kapa win/win ka pa rin sa akin kahit ako ang na nanalo, iniisip ko nga na baka sinasadya mong magpatalo" naka ka lokong sabi nito habang naka ngisi.

"Hoy! Ang kapal talaga ng mukha mo na unggoy ka no?! Parang ang sarap sarap mo namang humalik eh no?! FYI lang po mas gusto kong ma halikan ni Lucas kaysa sayo no!" Sabi ko. Lumapit naman ito sa akin at tinitigan ng masama

"At sino naman si Lucas?" Tanong niya. Alam kong nagseselos siya kaya ngumiti ako ng matamis sa kanya.

"Baby ko, bakit?" Gustong gusto ko talagang nakikita siya na nagseselos kaya kung sino sino ang sinasabi ko na pangalan sa kanya. Noong una ay si V ng bts tapos si Jimin, tapos si Jeonghan tapos ngayon si Lucas ng descendants of the sun. Hihihi

"Wala akong pake" sabi niya na inalis ang tingin sa akin at sumandal sa sofa

"Okay" sabi ko na tumayo at pumunta sa may kusina para kumuha ng tubig, ramdam ko naman ang mga titig niya sa likuran ko habang naglalakad.

"Bessy!!!" Eskandalosang sigaw ni Samantha. Patakbo itong lumapit sa akin habang kausap naman ni Gio si Stephen sa sofa. Magkasabay namang pumasok si Luke at Anthony.

"Ang hyper mo na naman, kasabay mo silang nag lunch?" Tanong ko kay bessy at nginuso ang mga kasama niyang bagong dating.

"Kaming dalawa lang ni Gio tapos sumulpot nalang ang dalawang yan out of nowhere" sabi niya na pina ikot ang eyeballs

"Kailan mo balak sagutin si Gio?" Tanong ko

"Aba! Nagmamadali ka bessy? Excited?" Tanong niya sa akin

"Kasi naman masyado mong pinahihirapan yung tao naaawa na nga ako sa kanya minsan" sabi ko

"Worth it naman pag hihirap niya pag sinagot ko siya kaya bessy huwag mo naman akong i pressure" sabi pa niya.

"Ikaw bahala sige, pero baka magsawa yan sayo at sumuko na sa panliligaw" panakot ko sa kanya habang naglalakad ako pabalik sa may sala.

"Okay lang hindi naman siya kawalan, may Shawn Mendes pa naman ako" sabi niya na umupo sa tabi ko.

"Tama ka bessy! Sayo na si Shawn at akin naman si Baby Lucas ko" sabi ko na sinadya talagang iparinig sa dalawang katabi namin ang sinabi ko. Mukhang naka halata naman si bessy kaya sinakyan ako.

"Oo nga bessy, ang ganda ganda ng boses ni Shawn magaling din siyang mag gitara at piano pag kinakantahan niya ako para akong nasa cloud 9" sabi ni bessy na namumungay naman ang mata.

"Tapos bessy si Lucas ko grabe ang katawan! Nakita mo ba nung nag jogging sila tapos walang damit pang itaas? Literal kayang tumulo ang laway ko jusko!" Sabi ko naman. Naramdaman ko naman ang pag yakap ng isang kamay ni Stephen sa akin pero hindi ko nalang pinansin.

"Alam mo ba bessy yung feeling na kinakantahan ka ng taong mahal mo na napaka ganda ng boses tapos sayo lang siya nakatingin habang nag pa piano? And plus the fact na sobrang gwapo niya! Grabe gusto kong himatayin sa kilig!" Sabi pa ni bessy na nag ningning ang mga mata habang nag kukwento.

Ang Boyfriend Kong Manyak (COMPLETED)Onde histórias criam vida. Descubra agora