12 - Lunch

6.6K 306 27
                                    

Yhnna's POV

Ikaw si Sesa... ikaw ang prinsesa ko

Ikaw si Sesa... ikaw ang prinsesa ko

Ikaw si Sesa... ikaw ang prinsesa ko

Ikaw si Sesa... ikaw ang prinsesa ko

Ikaw si Sesa... ikaw ang prinsesa ko

"Waaahhh!!!" Sigaw ko sa utak ko

Paulit ulit na bumabalik ang mga salitang binitawan sa akin kanina ni Stephen. Mula kaninang umalis siya hanggang ngayon na nagka klase kami yun at yun pa rin ang tumatakbo sa utak ko. Na kahit anong gawin kong konsentrasyon sa pakikinig kay Mrs.Sarmiento walang pumapasok sa utak ko pilit kumakawala ang boses ni Stephen doon at yung seryosong tingin niya kanina.

Seryoso kaya siya? Tanong ko sa sarili ko

"Who's serious Ms.Lopez?" Tanong ni Mrs.Sarmiento

"Po? Wala po maam" nahihiyang sabi ko, akala ko sa sarili ko lang nasabi yon. Haizt! Nakakahiya tuloy.

"Baka po iniisip niya si Stephen" sabi ni Nicole na tumayo pa sa upuan niya at tinignan ako. Nagtawanan naman ang lahat maliban sa akin at kay Mrs.Sarmiento.

"Okay class enough" sabi ni Mrs.Sarmiento at ngumiti sa akin

"I think he's serious Ms.Lopez" sabi niya na pigil tawa na ikinasimangot ko

Tawanan ulit ang buong klase at ako lang ang naging paksa nila buti nalang at natapos na ang klase namin kaya tumigil na sila sa panunukso.

"Hi Yhnna biro lang yung kanina ha?" Sabi ni Nicole

"Okay lang" tipid kong sagot at bahagyang ngumiti

"Hala natakot si Nicole" sabi naman ni Rica na nasa harapan namin

"Of course not! Bakit naman ako matatakot? Joke lang kaya yon diba Yhnna?" - Nicole

"Oo naman" sabi ko ulit. Bakit naman sila matatakot sa akin? Weird. Sabi ko sa sarili ko

Siya namang pagpasok ni Stephen sa classroom namin na naka pamulsa.

"Akala ko tinakasan mo na naman ako" sabi ni Stephen na nasa harapan ko na ngayon. Hinawakan niya kamay ko at kinuha ang bag ko.

"Hi Stephen!" Sabi ni Nicole na kumaway pa sa kanya. Itong manyak naman na to ni hindi man lang tinapunan ng tingin si Nicole. Hinila ko ang kamay niya at kinunutan ng noo.

"Why?" Tanong niya at pilit na hinihila ako. Tumingin naman ako kay Nicole na hanggang ngayon ay nakangiti sa amin ni Stephen. Hinila ko naman ang dulo ng damit niya at bumulong sa kanya na mag hello kina Nicole at Rica. Kumunot naman ang noo niya na tumingin sa akin bago tumingin sa mga babaeng nakatayo sa di kalayuan sa amin.

"Una na kami" malamig na tonong sabi niya kina Nicole bago ako hilahin palabas.

"Saglit lang" sabi ko sabay hila sa kamay ko.

"Ano nanaman ba? Gusto mo bang buhatin pa kita?" Naiiritang sabi niya. Pinalo ko naman ang dibdib niya at tinignan ng masama.

"Nasa loob pa ang lunch box ko" hinila ko ang kamay ko at pumasok sa loob para kuhanin ang pack lunch ko.

"OMG Yhnna ang haba ng hair mo! Biruin mo ikaw palang ang nakagawa non kay Stephen" sabi ni Nicole na tuwang tuwa sa akin na kulang nalang ay magtatatalon habang hawak ang kamay ko.

"Bakit? Ano bang ginawa ko?" Nalilitong tanong ko

"Matagal ka pa ba?" Sabi ni Stephen na dumungaw mula sa pintuan

Ang Boyfriend Kong Manyak (COMPLETED)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum