15 - Meet the parents (1)

6.1K 254 13
                                    

Samantha's POV

Maabilis kong hinila si bessy palabas ng classroom ng makita ko siya isasama ko kasi siya sa Tagaytay birthday kasi ng anak ng pinsan ko.

"Bessy dahan dahan naman" sabi niya

"Sorry naman excited kasi ako" sabi ko naman

"Excited kang makita yung mag bi birthday?" Kunot noong tanong niya.

"Well, isa na din yon pero mas excited akong makita yung kapatid ng asawa ng pinsan ko!" Excited na sabi ko

"Grabe, at isasama mo pa ako para gawing taga hampas mo lang kapag nasisilayan mo siya ganon ba?" Sabi niya

"Grabe ka naman sakin bessy, isasama kita kasi gusto kitang isama no" naka simangot na sabi ko

"Heto talaga hindi mabiro" sabi naman niya at sinundot tagiliran ko

Napansin kong napatigil si bessy sa paglalakad nang malapit na kami sa parking lot, tinignan ko kung saan siya naka tingin at nakita ko nga na nakatingin siya kay kuya Stephen na nakaupo sa BMW i8 niya na binili pa niya sa ibang bansa habang kausap si Gio at ilan pang kaibigan nila.

"Tara na bessy" sabi ko na ikinagulat niya at napa tango nalang. Kanina pa naroon ang driver ko pero minabuti kong lumapit muna kina kuya habang hila hila si bessy. Alam kong may something sa kanila tsaka nag confess na kaya si kuya sa akin and good boy naman talaga si kuya at gusto ko siya para sa bessy ko.

"Hi kuya!" Masiglang sabi ko habang papalapit kami ni bessy sa kotse niya. Naka ngiti itong tumingin sa akin at nabigla kung sino ang kasama ko. Agad itong lumabas sa kotse niya at tumayo ng maayos halos madapa pa nga ito noong tumayo siya. Tumingin naman ako kay bessy na nag iwas ng tingin kina kuya.

"Hello Sam" sabi naman ng mga kaibigan niya sa amin.

"Kumain na ba kayo?" Tanong ko sa kanila.

"Hindi pa nga eh, kayo ba kumain na?" Tanong naman ni Luke na nagkakamot ng pisngi. Si kuya naman ay tulala kay Yhnna na parang si Yhnna lang ang tao na kasama niya, samantala heto namang bessy ko feeling ko magkaka stiff neck na dahil sa pag iwas ng tingin kay kuya.

"Hindi pa din eh, balak ko sanang sa bahay nalang nina bessy ako kakain ng lunch masarap kasi magluto yung mama niya" masayang sabi ko. Hinila naman ni bessy ang laylayan ng damit ko pero hindi ko siya tinignan.

"Nakakahiya naman kay Yhnna na pupunta nalang tayo sa kanila ng walang abiso" sabi naman ni Anthony

"Sigurado okay lang kay tita Yolly yon no! May mini restaurant kasi sila sa harapan ng bahay nila at syempre bawal ang libre doon kaya ibig sabihin magbabayad kayo kung ano man ang kakainin niyo" Masiglang sabi ko

"Orayt!" Sigaw naman ng iba. Tumingin naman ako kay kuya na naka tingin sa akin ngayon at kinindatan siya ngumiti naman ito at napapa iling.

Binigay ko ang address sa kanila sa kaling mawala kami sa paningin nila. Nag sakayan naman sila sa mga kotseng dala nila at hinila ko na din si bessy pa sakay ng kotse namin.

"Ano ka ba! Bat mo ginawa yon? Nakakahiya tuloy" sabi niya

"Bakit ba? Alin ang nakakahiya?" Sabi ko bago ko inutusan ang driver na umalis na

"Baka kasi iniisip nila na mayaman kami at nag e expect na restaurant nga dadasnan nila sa bahay eh turo turo lang kaya yon" sabi pa niya

"Hindi matapobre si kuya at ang mga kaibigan niya ano ka ba, relax ka nga lang at tsaka masarap naman talaga luto ng mama mo sigurado ako ma gugustuhan nila yon kaya chill ka lang okay? " sabi ko 

Ang Boyfriend Kong Manyak (COMPLETED)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum