Fangirls and Friendships

Magsimula sa umpisa
                                    

 *Sigh* Kung alam lang nya na nahirapan akong magpaalam sa trabaho.

 I didn’t even know kung aarte ba ako na masakit ang ngipin o ulo. Naubusan na ko ng dahilan. Halos umabot na sa punto na magsabi ako ng totoo.

“May concert kasi sina Sarah at Bamboo sa Araneta at 8pm. 7pm magpapasok pero dahil member ako ng fan club nila, may meeting kami ng 5pm kasama ang ibang groups. Tapos Friday pa, matraffic kaya kailangan na maaga ako umalis”.

 Pero syempre, hindi yun ang sinabi ko.

Ang kapal naman ng mukha ko. Ang lakas naman ng loob ko. Pano ko yun sasabihin sa boss ko?

Kaya pagdating ko pa lang sa office, nagsakitsakitan na ko. Matamlay at halos di makausap. Paroon at parito sa CR. Ang dahilan? Sira ang tyan.

Actually, di ko na maalala kung nagawa ko na ba tong dahilan na to dati. Sa daming beses na nagdahilan akong maghalf-day or undertime, ni hindi ko na kayang tumingin ng derestso sa mata ng boss ko.

 Ang hirap umarte lalo na kapag kelangan kong tapusin ang trabaho ko sa loob ng ilang oras na good for one day. At kakaiba ang one day namin sa opisina. Kung sa iba 8 to 9 hours, dito sa amin, tamad ka kapag umuwi ka ng di ka pa nakaka 12 hours.

Masyadong madaming kailangang gawin. Hindi ko alam kung may ginagawa pa ang counterpart naming sa HongKong at padami ng padami ang trabaho namin araw-araw.

Kaya kahit sinungaling ako, alam ko na ako lang ang makakatapos ng trabaho ko. Alam ko din na dapat walang mabibitin na clients at hindi matataranta ang staff ko kapag umalis ako.

Naplano ko ng lahat. Alam ko ang schedules ngayong araw. Alam ko na wala akong meetings dahil I made sure of that. Pero may mga daily routines that I have to give close attention to.

Dahil planado nang lahat sa utak ko ang araw na ito, din a ko nagpatumpik tumpik pa nang dumating ang boss ko. Derecho na ko sa office nya.

“Lani, sorry but just to give you a heads up, I need to leave a little after lunch. Masama pakiramdam ko eh.”

“Why?”

“I don’t know. I just woke up with an upset stomach. But I have a lot to do today so nagdecide ako to still come to work”

Of course, I had to say that. Dapat maramdaman ng boss ko na importante ang work ko kaya kahit namumutla na ko (hindi ako nagapply ng lipstick) ay pumasok pa din ako.

“Oh, may papagawa pa naman sana ako sayo,” biglang sabi ni Lani.

Oopps, ako yata ang naguilty bigla.

“But sige, this can wait til Monday naman, “ ang mabilis na pagkabig ni Lani.

At di ko alam kung narinig nya ang pagbuntung hininga ko dahil I was so relieved. Di ko napigilan ang sarili ko.

“Thank you, Lans.”

Sabay labas at derecho sa table ko.  Shocks! Sana hindi nya nahalata na sumigla ako don ng slight.

Yes! Tuloy ang plano.

 “Kaya ko to.” Yan ang sabi ko sa sarili ko.

 Lahat ng tao sa office, alam na maaga kong aalis. Usually, I leave the office at around 8 to 9pm. Pero ngayon dahil sa “masama ang pakiramdam” ko ay uuwi ako “a little after lunch”. 

Lumipas na ang lunch. Nagpabili na lang ako ng sandwich. Gutom ako pero dahil sa sinabi kong sira ang tyan ko dapat hindi ako makita ng mga tao na mukhang patay gutom na kumakain sa table ko.

Ang hirap umarte.

Pinanindigan ko.  2:30 pm, nasa opisina pa din ako.

May mga transactions pang kelangan i-approve. May mga emails na kailangan sagutin. Sabado bukas, ayokong mag-overtime kaya pinipilit kong matapos ang mga pang-isang araw kong gawain.

A Fangirl in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon