Bigla akong nanigas sa kinatatayuan ko.

"Tss. Fine. I'll bring these."

Bakit ba kasi kailangan pang banggitin ni Finley si Saint? Masyado pa kasi siyang bata kaya hindi niya naiintindihan na hindi friends si Kuya at Saint... Tapos naiipit na talaga ako sa gitna. Kahit hindi naman dapat kasi kapatid ko si Kuya tapos gusto ko si Saint. Hindi ba pwede na pareho na lang? Bakit kailangan na may aalis pa? O bakit kailangan na may iiwasan ako para may hindi umalis?

Ang hirap naman.

Kaya imbes na lumapit ako kay Kuya, tumalikod na lang ako at saka pumasok sa kwarto ko. I didn't think I had the guts to face him. Nanliliit kasi ako sa sarili ko dahil pakiramdam ko tama siya. Na mas inuuna ko pa si Saint kaysa sa kanya na kapatid ko.

Na baka traydor nga ako.

--

Buong araw lang akong nasa loob ng kwarto. I didn't even bother opening my phone dahil baka may message doon si Saint. I just wanted today to be about Kuya. Kahit hindi niya alam, ganoon pa rin iyong ginawa ko. I was beginning to feel guilty for spending so much time with Saint. Kung sana hindi si Saint ang kasama ko halos araw-araw, baka hindi kami nauwi sa ganito ni Kuya.

When I heard some noises, I stood up from the bed. I had been moping for hours kahit na sa totoo lang ay gusto kong lumabas para kausapin si Kuya. Bakit ba kasi ganito ako? I didn't have the guts. I never had. Palagi na lang mahina ang loob ko. If I had half of Mom's guts, e 'di sana kausap ko na si Kuya ngayon. Bakit ba kasi kay Papa lang ako nagmana.

Binuksan ko ng kaunti iyong pintuan at nakita ko si Kuya na nilalagay na sa labas iyong mga box. Si Manong naman ay binababa na iyong boxes.

"Are you sure about this?" Papa asked Kuya. Wala si Mama. Kagaya ko kasi ay hindi rin siya pinapansin ni Kuya.

Kuya nodded.

"You really don't want to tell them?"

Kuya shook his head. Ayaw niya talagang sabihin sa amin? Ganito ba talaga ka-galit si Kuya para kahit man lang address ng lilipatan niya ay malaman namin? The thought made me really sad. Buong buhay ko kasama ko si Kuya tapos... ganito na lang. Biglang aalis na siya. Tapos ni hindi man lang niya ako kinakausap.

"At saka na, Papa. I'll fix it first then I'll tell them."

Papa sighed... and that made me wonder about what they're talking about. Tungkol pa rin ba 'to sa pag-alis ni Kuya? Kasi parang iba na iyong pinag-uusapan nila.

"Alright. Samahan na kita."

Umiling si Kuya.

"I'll just call you when I get there," he said.

"Sige... Ingat ka."

Pinanood ko si Kuya hanggang sa makababa siya sa hagdan. Tears were swarming on my eyes. I didn't want to cry but I couldn't help it. It felt like he just walked out from my life. And I couldn't do anything about it because in some ways, maybe I asked for this. Baka nga kasi tama iyong sinasabi nila na you can't have it all...

Pumasok ako sa kwarto at saka nagkulong buong araw.

...and that was how I spent most of my sembreak.

--

Nung limang araw na lang ang natitira sa sembreak ko, habang kumakain kami, tinanong ko si Papa. Hindi na kasi ako nakatiis pa talaga. For the past days, I tried my best not to ask him anything. I didn't want to put Papa in the middle of this drift. Masama na nga na hindi kami nag-uusap ni Kuya at ayoko na madamay pa doon si Papa. Ano na lang ang mangyayari kay Kuya kung pati si Papa ay hindi na niya kakausapin?

Just The Strings (COMPLETED)Where stories live. Discover now