10- Si Katabi

Beginne am Anfang
                                    

“ha?”

mr. ha, sabi ko, Li ang itawag mo sakin, Li” habang nakatingin sya sa mata ko. Walang halong inis o yung usual walang paki emotion nya. Basta iba, more of a sincere or serious side of her. Which I found nice to look at. Tapos tumayo na sya… 

“push ups”

“sabi ni sir, ok lang daw sa girls na hindi magtry ng push ups, understood na rin naman daw”

“hay, parte ‘to ng test, kaya mo o hindi, you should at least do it” nauna nanaman syang pumwesto. And guess kung nakailan sya?

17.

Nung ako naman, naka 31 lang ako. Pero hindi na rin masama… 

Partial curl ups. Pinauna nya ako this time, syempre, hinawakan nya yung paa ako. Nakaindian seat sya sa harap ko tapos yung dalawang kamay nya yung nagfifirm ng dalawang tuhod ko sa ganung posisyon.

“kaya mo kayang humawak ng ganyan?”

“eh kung mag simula ka nalang kaya dyan?” taray!

So yun na nga, nagcurl ups na ako, hindi na rin naman mahirap sakin kasi madalas akong magganito sa kama ko..

Nung turn na nya, agad nyang sinabi saking na gayahin ko yung ginawa nya kanina, umiwas na matsansingan, as if naman

Nung humiga na sya, medyo nagulo yung magulong pagkakatali ng buhok nya, in short mas magulo na yung buhok nya kesa sa kung gaano kagulo kanina.. naguguluhan ba kayo? Ako rin eh..

Parang walang effort syang nagcurl ups. Tinitignan ko nga kung nandadaya sya pero hindi naman.. mangkukulam nga!!

40.. 41.. 42.. whoa! Itong babaeng ito! Ay grabe sa abdominal power..

May abs kaya sya? Aysh Cedie. Erase!

“o sige, 45 nalang tapos tumayo na sya.. sya pa talagang pumili kung hanggang ilan lang ang gagawin nya ha..

“ilan nga ulit yung sakin?” tanong ko sa kanya, pero hindi sya sumagot.. tinignan ko naman sya, medyo naloose yung tali nya, diba kasi lagi syang nakapusod in a messy way? This time, yung tipong matatanggal na yung tali nya.. malulugay na yung buhok nya.. hilain ko kaya? *evil grin here*

“anong tinitingin-tingin mo?” woopss.. baka masapak ako.. ginawa nya eh tinanggal nya yung tali nya, pero hawak nya pa rin yung buhok nya, meaning hindi nalugay, tapos tinali nya ulit. Back in nakapusod in usual messy way.

“naiinggit ka sa buhok ko?” tss. Kapal din!

“arm span na”

Nauna na ako, lahat ng dingding occupied na talaga ng mga kaklase namin, so no other choice kami kundi hawakan nalang sabay measure.

Ginawa nya, tumayo sya sa harap ko, we are inches apart, walang malisya, tapos inextend ko na yung kamay ko na parang ipapako sa krus.. yung imemeasure kasi eh yung length ng mula sa tip ng left middle finger ko hanggang sa tip ng right middle finger ko.

“make it straight!” sabi nya.. ako naman, parang sundalong sumunod. “alright” pero poker face lang sya..

Dahil nga mahirap yung nakatayo ka lang at walang pader na sinasandalan, tapos nangangalay ka kasi ang bagal magmeasure ng partner mo, may nabubuong ideang gaganti ka later. Humanda ka lang..  

Nung nasa harap ko lang sya at inaayos yung tape measure, hindi ko sinasadyang mapatingin sa mukha nya, I mean, never pa akong naging ganito kalapit sa mukha ng isang babae, except sa kapatid ko, pero iba naman yun, dun ko lang napansin na makinis pala yung mukha nya, hindi kasi talaga pansinin sa malayo, sino naman kasing titingin ng matagal sa babaeng laging mukhang messy? 

For a second, napansin ko rin yung mata nya, ewan ko nga rin pero may something sa mata nya na hindi mo macompare sa iba, oo, maganda talaga yung mata ni Angel, isa yun sa mga attractive sa kanya, pero iba yung kay Li, sa hindi ko malamang dahilan...

Seems like there is something bothering her? 

Or am I being paranoid?  

“o?” nagulat nalang ako.. 

“ha?”

“hindi ka pa ngalay? Tapos ka na, ako na”

“a-aw” tapos sya naman, ganun rin syempre yung ginawa ko, sya naman nakatingin sa kawalan lang, walang pakialam, napatingin ulit ako sa kanya.. 

“uupakan kita, nangangalay na ako!” ayan, cedie, umayos ka nga…

Parang kanina hindi ako nangalay ha..

“o ayan, tapos na”

So tapos na rin kami sa lahat ng tests, pwede nang umuwi hahah!

Naunang umalis si Li. (oha! Nag eenjoy na akong tawagin sa pangalan nya si katabi..) pero nasa kanya yung ballpen ko at wala pa akong pangalan sa form ko..

hey, ballpen ko” pero diretso lang syang naglalakad pabalik sa room

“oi. Ballpen ko” diretso pa rin… 

“ano, ballpen ko” ignore.. batuhin ko kaya? Lilingon kaya sya? 

“ah..Li, yung ballpen ko” saka sya humarap. YUN YON EH! Choosy! Nagpapatawag lang pala sa pangalan nya.. “ballpen ko” inulit ko..

Inabot nya naman saka nagsalita “sabi ko kasi Li na itawag mo sakin” saka sya tumalikod at tuloy nang umalis…

Ok po. Masusunod! 

***

Dumiretso ako sa kwarto ko pagdating ko sa bahay. Nakulam ako eh… 

Pero joke lang… parang ang awkward nang magbitiw ng “witch jokes” tungkol sa kanya…

I still can’t get rid of that eyes kasi. Yung tipong you are so much used of seeing fierce in her na parang hindi ka makaget over kapag ibang expression na yung nanonotice mo? yung biglang attack ng curiosity sayo?

For a time, parang biglang nalinawan ako tungkol sa dalawang bagay:

1. Na parang nakaramdam ako ng something on her, hindi ko marecognize pero parang it’s me feeling a little drop of pity on herin some reasons na hindi ko naman maipaliwanag;

2. and at this very moment, I knew she’s not a witch… 

and can never be.

sorry sa sobrang late na update! Merry Christmas! Happy birthday, Jesus! Keep safe everyone! have a nice holiday!! :) PAKISS!

She's Not Ideally Ideal (Completed)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt