Prologo

4.1K 117 2
                                    


She woke up in a very unfamiliar place. Masakit ang kanyang ulo at lahat ng parte ng kanyang katawan. Pinilit niyang bumangon sa kabila ng mga nararamdaman niyang sakit.


Nagulat siya nang mapansing nasa kakaiba siyang silid. Hindi niya alam kung paano siya napunta doon. Mabilis siyang lumapit sa glass wall. Hinawi niya ang kurtina at saglit na napasinghap when she glanced outside. She was very close to nature. Malalaki at nagtatayugang mga puno ng pino ang kanyang nakikita. Luntian ang buong paligid.


Then she felt that unusual chill over her body. The temperature in that place is very cool. Nasaan siya?


After considering the thought, she was bewildered by some incoming questions in her minds. Where was she? What was she doing in that place? Who is she?


Before anything could process all on her mind, she heard some incoming footsteps and some conversations. Tumigil ang pag-uusap at biglang bumukas ang pintuan. Bumungad sa kanya ang isang may katandaang babae at isang makisig na mestiso. Parehong gulat ang rumihestro sa mukha ng dalawa.


Mabilis na lumapit sa kanya ang babae at ngumiti. "Buti at nagising ka na. Kumusta ang pakiramdam mo?"


Bigla siyang nakaramdam ng takot. Napaatras siya. She looked beyond the woman's shoulder. Her eyes caught the wrinkled forehead of the younger person. Surprise was still on his face.


"W-who are you?" she whispered delicately.


Maunawaing ngumiti ang matandang babae. "Ako si Judith. Ako ang namamahala ng pamamahay na ito." Nilingon nito ang lalaki na hindi pa rin umiimik. "Siya ang pamangkin kong si Harry. He owns this place."


Hindi na siya muling umimik. Palipat-lipat lang ang kanyang tingin sa dalawang taong nasa kanyang harapan. Then she heard Judith talk once more.


"Anong pangalan mo hija?"


Doon ay biglang bumalik ang mga katanungan sa kanyang isip kanina. Pilit niyang hinanap sa kanyang isip kung ano ang sagot sa tanong nito. Biglang umikot ang kanyang paningin at mas lalong sumakit ang kanyang ulo.


"I don't know who am I?" she cried. Mabilis na lumapit sa kanya ang matandang babae at niyakap siya ng mahigpit. 

 Yours Forever (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon