Chapter 50: Please..

Start from the beginning
                                    

Lumabas kaagad ako ng kwarto para tingnan kung bihis na si Denden at tingnan kung ano na yung itsura niya. Pareho kami ng color ng damit eh. I'm wearing blue and silver strapless gown.. tapos may beads, tapos hindi ko na alam kung paano pa idescribe ito because I'm in love with this dress!!! It's so unexplainable!

Dahan dahan akong lumapit kay Denden pero nakita ko siyang nakabra palang at isusuot palang yung dress niya. O_O

Kahit na mag-one year na kaming nagsasama sa isang bahay hindi ko pa rin mapigilan mapasmile tuwing nakikita ko yung katawan niya.. I feel like I'm a pervert.

Pinapanood ko siyang magsuot ng dress niya. At syempre nahihirapan siyang isarado yung sa likod. Kaya nilapitan ko siya at ako na ang nag-ayos.

Nung natapos ko ayusin bigla siyang humarap sakin at bigla niya akong niyakap, "Hindi ko talaga alam gagawin ko pag wala ka sa tabi ko.."

Nagdrama na naman ang magaling kong Denden.

"Para kang sira! Parang yan lang eh. Tara na. Malelate na kaya tayo! Mom and Dad already went to the church. Sumunod na lang daw tayo." Nakatingin pa rin siya sa akin,"Baby?"

"Ang ganda mo ngayon.." tapos nag smile siya, "Baka ma-in love nanaman sayo si mika.."

Bumulong ba siya? Bakit parang hindi masyadong malinaw yung pagkasabi niya? Pero parang narinig ko yung pangalan ni Mika.. Ano meron kay Mika?

"May sinabi ka ba?"

Umiling lang siya tapos hinawakan yung kamay ko, "Tara na papamake-up lang ako saglit."

Nagpunta na kami sa kabilang kwarto tapos nagpamake-up siya. Inayos lang din ng konti yung buhok niya at mabilis lang ginawa yun dahil malelate na kami.

Ang ganda niya talaga. Yun lang masasabi ko.

After nya ayusan lumabas na kami ng kwarto tapos bumaba na sa may lobby. Nakita namin yung driver nila sa may labas ng hotel. Hinatid niya kami sa may church kung saan gaganapin yung kasal. Ang dami ng tao. Nakita ko na yung family ko kaya sa kanila ako dumiretso.

"Aly I missed you.." tapos niyakap ako ng mom ko, "You look so pretty today!"

"Mom.. Thank you.."

"For what?"

"For everything.. for making me stay with Denden.. for treating me as your own daughter.."

Tapos nag drama na rin si Mommy. Umiyak pa!

"Hey! You're not the one who's gonna get married!!!" napatingin ako kay Rex at Kuya.

"Kuya.. Rex.." Tapos tumawa silang lahat.

Tuwing nakikita ko kasi parents ko hindi ko mapigilang magdrama! Ang dami nilang ginawa para sakin! Tapos ako simpleng request lang nila hindi ko pa magawa!!

"Alyssa, lagi mong ingatan sarili mo, ok? Sumunod ka kay Denden. Sinabi ko sa kanya yung mga dapat at hindi dapat kaya ikaw, wag kang pasaway."

Niyakap ko yung dad ko. Alam kong kahit ayaw niya yung pagsasama namin ni Denden sa iisang bahay, pumayag pa rin siya. Alam daw kasi niyang mabait si Denden at alam niyang hindi niya ako pababayaan.

I hate her because I love her (AlyDen)Where stories live. Discover now