Chapter 49: Birthday gift

Magsimula sa umpisa
                                    

Umupo ako sa tabi nung dalawa. Tapos binatukan ko sila.

"ARAY!/Ano ba!" sabay nilang sinabi tapos nag sigh lang ako.

Lumipat silang dalawa ng pwesto.

Nagring bigla yung phone tapos tumingin silang dalawa sa akin, "Sagutin mo. Para sayo ulit yan." sabay na naman nilang sinabi.

Ano ba to! Magkapatid na ba talaga sila?

Dahan dahan kong inangat yung phone,"Hello?"

"Aly? Si Mika to.."

"Oh bakit?"

"Kasi.. si Justine.. Pupuntahan ka ata dyan. Kanina pa yun eh.. siguro nandyan na siya ngayon."

"NOW?!"

"Oo. Tatawagan ka daw niya pag nandyan na siya."

"Okay.. sige.. hintyain ko nalang tawag niya.. thanks.."

"Umm.. miss na kit-miss ka na namin. Umuwi ka na, okay?"

"Bahala na.. Sige, bye.."

"Who's that?" kuya asked.

Tumingin lang ako sa kanya then binaba ko na yung phone tapos pumunta ng kwarto. Ni-lock ko yung door tapos humiga sa kama.

Lahat ng kakilala ko gumagastos para lang macontact ako. Eto naman iba na.. pumunta pa ng New York si Justine para lang kausapin ako.. ganun din ung ginawa ni Denden eh.

Hindi ko na alam ang dapat kong gawin. Mali ba ako? Mali ba yung desisyon kong pumunta dito?

After an hour nag ring na yung cell phone ko. Number lang yung lumabas so malaki ang possibility na si Justine na nga yun.

Sinagot ko yung tawag niya. Nung narinig ko na yung boses niya kinabahan ako bigla. Gusto niya raw kami magmeet sa Valy Hotel.. bakit dun pa?

Nagbihis na ako ng pang-alis at nagpahatid na ko sa hotel. On the way pa lang iniisip ko na yung mga itatanong niya sakin.

Si Denden kasi walang laban kay Justine minsan, ano pa kaya ako? Pati tuloy ako natatakot na.

Ayoko na tuloy pumunta dun. Kinakain ako ng kaba at takot. Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin, paano ko siya kakausapin..

Pagkadating ko sa hotel nakita ko na kaagad siya sa may lobby. Tumayo siya once na nakita niya ako. Tinanggal niya yung suot niyang shades tapos nagsmile sakin. Kamukha niya si Denden..

Lumapit siya sa akin tapos nagsmile. Sa may coffee shop lang kami ng hotel mag-uusap. Nakaupo lang siya habang iniinom yung tea na inorder niya.

"I must say that your hotel is one of the best hotels here in New York."

"Thank you.."

Pano niya nalaman na samin yung hotel? Wala nga akong sinasabihan masyado tungkol sa sarili ko eh. Kahit kay Denden hindi ko nasabi yun. Yung mga ginawa ko dati, kung ano ung status ko dito sa New york at yung family background ko. As much as possible, gusto kong maging low profile.

I hate her because I love her (AlyDen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon