2nd call

"Please try again later"

3rd

"Please try again later"

Ba't ayaw nyang sagutin?

Sinubukan ko ulit syang tawagan hanggang sa naka10 missed calls na yata ako  saka nya sinagot

"Hello?"

"Nasan ka? ba't ka umalis?"

Narinig ko syang suminghot.

"Nakakatakot kasi yung movie eh baka magkanightmare ako dahil don ahehe"

Parang may kakaiba sa boses nya.....para syang ngongo kung magsalita ngayon.

"Nasan ka ngayon?" tanong ko.

"nasa foodcourt lang ako. Umiinom ng--"

"Dyan ka lang! Wag kang aalis!"

binaba ko na agad ang call at nagmadaling pumunta sa 3rd floor.

Doon kasi yung sinasabi nyang food court.

Pagdating ko nakita ko syang umiinom nh krushers at mag isang nakaupo.

"Ang bilis mo ah!" sabi nya ng nakangiti.

Napatingin ako sa mata nya.

parang namamaga tapos ang ilong nya namumula.

Kung hindi ako nagkakamali umiyak sya... pero bakit?

Umupi ako sa harap nya.

"tapos na ba yung movie? gusto mo bs ng ganto? alam mo ba favorite ko to! wait ibibili kita" sabi nya sabay higop.

Tatayo na sana sya pero pinigilan ko sya.

"Sabihin mo nga sakin. Umiyak ka ba?"

Napatigil sya sa pag inom tapos suminghot.

"Ha? Hindi ah! Anong pinagsasabi mo dyan? porke may sipon? Nilamig lang ako sa sinehan kaya siguro nagkasipon ako" palusot nya.

Halata talaga sya sa lahat ng bagay.

Isa lang ang tanong ko ang dami nya ng sinabi..

Tinigan ko sya ng parang tinatamad na tingin.

"pero umiinom ka pa din nyan kahit na sinisipon ka?" sabi ko.

Napatingin sya sa mesa at nagbuntung hininga.

Bigla kong naalala yung bilin ni Steven sakin.

"Wait itetext ko si Steven na nakita na kita"

"WAG!" pinigilan nya ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya.

Nabigla ako nang may tumulong luha sa mata nya.

"Please wag muna Ray" sabi nya hanggang sa nagtuluy tuloy na ang pagbagsak ng luha nya.

Napabuntung hininga na lang ako at tumango.

Kahinaan ko talaga ang babaeng umiiyak.

*****

*THANIA'S P.O.V.*

Bwiset naman tong luhang to!

Sa harap pa ni Ray! ARGH! Huling huli nya na ako! Hindi ko kasi talaga mapigilan pa ang luha ko lalo na't binanggit nya ang pangalan ni Steven!

MY WRONG MATCHWhere stories live. Discover now