Prologue

1.8K 64 15
                                    

Sa isang kwartong ito ay may isang scientist ang nag-iimbento ng malubhang sakit na ikakalat niya sa mga tao sa pamamagitan ng hayop at tanging sa kaniya lamang makikita ang lunas sa sakit na ito. Ang antidote ay sa kaniya lamang matatagpuan kaya sa kaniya bibili ang mga ospital na gagamot sa pinakalat niyang sakit na madidiskubre ng mga ekspertong doktor. Nasa isang malaking laboratoryo siya sa isang Factory.

Nakangiti siyang tinapos ang ginagawa niya. Kumuha siya ng injection na naglalaman ng virus na naimbento niya. Tinusok ito sa nakakulong na daga. Plano niyang bigyan ng sakit ang daga at plano din niyang alisin ang lason dito sa pamamagitan ng kaniyang antivirus. Naparami ang lagay niya kaya namula ang mata ng nakakulong na daga. "Medyo marami siya. Kailangang parang lagnat lang." Sabi niya habang nakatingin sa nagwawalang daga. Tinarakan niya ito ng antivirus at bigla itong kumalma.

"Tagumpay!" Tinignan niya ang laman ng isang tube na kulay violet at ang antidote naman ay kulay green. Plano niya itong itimpla sa mas matabang pa para makumpleto na ang virus.

Sinubukan niya uli na kumuha sa pamamagitan ng injection. Pinasok ang injection sa kulungan ng daga at muli niya itong tinusok. Sa pamamagitan nito ay makikita niya kung gaano kalaki ang ibabawas sa timpla. Hinayaan niya muna na mamula ang mata ng daga. Nagpunta siya sa ibang tube na nasa gilid. Hindi niya napansin na malapit na pala siya sa kulungan. "Aaaaaaaah!" Natabig niya ang ilang tube na naglalaman ng poison. Kinagat kasi siya ng daga. Bigla siyang nagpanic at natabig ang kulungan. Nalalag ito at bumukas. Napansin niya na tumakbo ang daga papalabas ng laboratoryo niya. "Aaah!" Masakit ang pagkakakagat sa kaniya. Tinawagan niya ang ilan niyang tauhan. "Hello." Wala siyang naramdaman na kakaiba maliban sa sakit. Nag-alala lang siya sa daga. "Hulihin niyo ang daga na kalalabas lang ng laboratoryo." Utos niya sa mga tauhan niya.

Hindi pa kasi oras para kumalat ito lalo pa't hindi pa niya natitimplahan ng maayos. Maya maya lang matapos niyang ibulsa ang cellphone ay nakaramdam siya ng panunuyot ng lalamunan. Uhaw na uhaw siya. Nagbago ang pakiramdam niya at nanlabo ang paningin. Dali dali niyang inenject sa kaniya ang antivirus. Napayuko siya dahil nanlalambot siya. Tinukod niya ang kamay niya sa sahig at hinihintay niyang mawala ang lason sa katawan niya. Alam niyang nahawa siya dahil sa pagkagat sa kaniya ng daga.

Naalala niya na kung magtatagumpay siya ay kikita siya ng malaki nang walang kahirap-hirap.

Virus: Saving RaquelWhere stories live. Discover now