Once Mine, Always Mine -- Chapter 25

Mulai dari awal
                                    

Isa't kalahating oras bago ako nakarating dito sa Tagaytay. Wala pang traffic nyan. Nadatnan kong busy ang lahat ngayon. Saan nga ba ako magsisimulang mag-inspect? Parang umutrong ang paa ko ngayon. Bigla akong tinamaan ng katamaran.

 Aalis na sana ako ng makita ko si Mark. Hindi lang siya mag-isa pero may kasama pa siya. Bumaba na ako sa sasakyan at nilapitan sila. Hindi pa ako nakakalayo ay narinig ko na ang boses niya.

Bigla naman nagpantinf ang tenga ko ng magsalita si Mark. "Ayos Ma'am, pwede ba kayong ligawan."

Kung hindi ko lang pagkakatiwalaan 'to kanina ko pa pinutulan ng leeg ang lalaking 'to. Kaya sumingit na ako bago pa ako mawalan ng pasensiya sa lalaking 'to.

"Wala siyang boyfriend kasi may asawa na siya. Kung ayaw mo pang mawala ng trabaho bumalik ka na doon at tignan mo sila, hindi yung nandito ka nagpapa-cute sa asawa ko."

Akala niya huh. Lokong Mark 'yun. Lumapit na ako kay Rebecca at niyakap siya. Ang sarap talagang yakapin ang taong mahal mo. Kahit kahapon ay sobrang nasaktan ako, mayakap ko lang siya nawala na ang galit ko. Ang bango niya talaga.

Alam kong nagulat siya. At lumayo sa akin. Hindi ko pinansin ang mga paghahampas niya sa akin. Para sa akin ay wala lang ang mga 'yun, ang sarap pa nga sa pakiram na hinahawakan niya ng dibdib ko. Ang sarap din sabihin ang MeLoves. Sa kanya ko lang talaga itatawag ang salitang 'to.

Tignan mo nga naman ang pagkakataon, maswerte talaga ako ngayong araw na 'to. Siya pa pala ang may-ari ng pinaghirapan ko. Kung eto na nga ang pagkakataon lulubos lubusin ko na. Kesa mawala pa. Sana hindi panaginip ang lahat ng mga 'to.

Hinila ko na siya kahit alam kong napipilitan lang siya sa ginagaw ko. Saan ko nga ba siya dadalhin ngayon? Bahala na basta makasama ko lang siya.

Para kaming sira, titingin sa isa pero iiwas din bigla. Hindi ko talaga maiwasan, sobrang nakaka-miss lang talaga. Ang laki ng ngiti ko sa labi tuwing napapatingin siya sa akin.

Nang nakarating na kami sa isang restaurant ay bumaba na ako sa sasakyan at pinagbuksan ng pinto si Rebecca. Pagpasok pa lang naming sa loob ng restaurant ay pinagtitinginan na kami particular na kay Rebecca. Pero ng tignan ko siya parang wala lang sa kanya. Urgh! Kung sa kanya balewala, sa akin ang laking epekto 'nun. Mga lokong lalaking 'to ang sarap gitilan sa leeg wag lang makatingin kay Rebecca.

Matapos kong bigyan ng bulaklak na tissue si Rebecca ay hindi ko namalayan na naiwan ko pala siya sa loob ng restaurant. Hindi ko kasi maiwasang maging masaya dahil nakita ko na naman ang pamilyar na pagiging pula ng pisngi niya tuwing gumagawa ako ng masayang bagay.

Ilang minuto lang kaming nakakabyahe ay naka-idlip na siya sa sa passenger seat dito sa kotse ko. Tanong siya ng tanong kung saan kami pupunta prto kahit ako ay hindi ko din alam kung saan.  Saan ko na naman ba dadalhin si Rebecca ngayon? Para kasing ayaw ko nang matapos ang araw na 'to. Yung araw na walang problema na parang wala lang nangyari kahapon at nung nakaraang dalawang taon.

Paikot-ikot lang ako dito sa Tagaytay ng may makita akong isang malaking gate. Gate na kahoy. Wala naman nakalagay na masamang dumaan kaya pumasok na ako. Kung may mangyari man ay hindi ko hahayaan 'yun lalo na at kasama ako ang taong mahalaga sa akin.

Hindi na akong nag-atubiling gisingin siya. Mukhang pagod na pagod siya ngayon. Kaya bumaba na ako ng sasakyan at dumiretso sa may malaking puno sa bandang kanan ng sasakyan. Tumabi ako doon at tinignan ang paligid nasa isang mataas na lugar pala kami.

Kitang-kita ang magagandang halaman dito sa taas. ang payapa ng atmosphere. Ang lamig pa ng simoy ng hanign dito.

Sana ganito na lang kami, yung payapa at walang mang-gugulo. Kung itanan ko na lang kay siya? Wag! Bakit ko pa siya itatanan kung pwede ko naman siyang pakasalan. Kaso ako lang ang may gustong bumalik sa buhay niya. Siya ba natanong ko na ba na gusto niya akong maging paret ulit ng buhay niya? Pero natatakot akong harapin ang katotohanan na magpapasakit lang ulit sa aking puso.

Kaya gagawa ako ng paraan para mapa-ibig ko ulit ang siya. Hindi tulad ng dati na dinaan ko sa isang pagka-torpehan. Ngayon ipapakita ko sa kanya at ipapadama kung gaano ko siya kamahal. At hindi ko hahayaang masira ulit ang tiwalang ibibigay niya sa akin kung nagkataon.

Pag-uwi ko ay kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Maverick. Sa kanya ako hihingi ng tulong. Sa kanya ko kukunin ang number ni Rebecca. Dahil magkaibigan naman ng mapapangasawa ni Maverick si Rebecca ay hindi malayong wala siyang number noon.

Ilang minuto lang ang nakakalipas ay isang mensahe ang dumating sa akin. Ang galing mo talaga Denzel. 1 point for that. Next step ay babati ako ng magandang umaga sa kanya.

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako na may ngiti sa labi. Eto na ang oras na mapapasa-akin ka na talaga Rebecca.

Tunog ng alarm clock ang gumising sa akin. Hindi ko alam kung ano ang una kong gagawin kung tatawag na ba agad ako kay Rebecca o tatayo muna ako para maghilamos. Sige uunahin ko na ang paghihilamos at pagmumumog para maging maganda ang boses ko pag narinig niya.

Pagtapos ko ay kinuha ko na ang cellphone ko at tinawagan si Rebecca. Hindi na naman maalis sa labi ko ang ngiti. Minsan lang akong buhayan ng loob kaya lulubos-lubusin ko na. Gagawin ko ulit ang mga dati kong ginagawa sa kanya noong kami pa. Marinig ko pa lang ang boses niya noon ay sobrang ganda na ng bungad ng umaga ko.

Ilang dial na ako pero hindi niya pa rin sinasagot ang tawag ko. Baka naman hindi pa siya gising. Pero anong oras na.

Ibababa ko na sana ang cellphone ko ng sagutn niya. "H-hello." Sai niya. Bakit hinihingal siya?  Binalewala ko yun at bumati sa kanya ng magandang umaga.

"--awww Sean stop it!" Yun ang narinig ko sa kabilang linya na may tumatawang iba. Biglang nawala ng ilang segundo at narinig ang boses niya na nagpagalit sa akin. "Maghubad na kayo jan. Hintayin niyo ako may kausap lang ako."

Sobrang galit ako ngayon. Bakit kailangan ko pang marinig ang mga 'yun galing sa kanya. Nahuli na ba ako at nakahanap na siya ng iba bukod sa akin? Urgh. Dapat sa akin niya lang sinasabi ang mga 'yun hindi sa lalaking kasama niya ngayon. Kaya ko naman maghubad kahit hindi niya sabihin sa akin. Kaya kong ibigay ang katawan ko.

Magkasama lang kami kahapon pero talo pa din ako kasi may lalaking naghihintay sa kanya at makakasama ng ilang araw, gabi. Ako? Ilang oras lang ang tinagal ng pagsama namin ni Rebecca. Ilang taon na ba sila? Ilang buwan? Ilang linggo? Ilang araw.

Urgh! Sumsakit ang dibdib ko pag naaalala ko na may iba siyang kasama bukod sa akin. Kung sana naging malakas ang loob ko noon eh di sana kami pa rin hanggang ngayon at sana wala siyang ibang kasamang lalaki bukod sa akin at sa Daddy niya.

Once Mine, Always MineTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang