"Te-teka by, sandali--" at ni-end nya na yung call. Nako pano ba 'to eh nagdadrama si Camille at si Cienne ngayon. Hay bahala na nga 

Dumiretso na ako sa sala at kung anong pwesto nila nung umalis ako ay syang pwesto din nila ngayon. Nakatingin sa kawalan si Cienne tas si Camille naman ay nakatungo sa coffee table. 

"Pano ba mag ka second chance Mikang?" Camille asked me out of nowhere. Sigurado naman akong yung sa kanila ni Carol ang tinutukoy nya. Nagkibit balikat ako at saka uminom ng kape. Hindi ko naman kasi talaga alam eh. Yung amin kasi ni Vic biglaan ding nangyari.

"Maybe when you least expect it" 

"Magkakaroon na ba kami ng second chance ngayong hindi na ako naasang magkakabalikan pa kami?" walang kabuhay-buhay nyang sabi. 

Looking at her parang last week lang silang naghiwalay. Di mo maiisip na almost 6 years na pala ang nakakalipas since nawala ang CamVeza. Katulad ni Carol, wala kaming narinig ni isa kay Camille after their breakup. 

"Care to share?" napatingin ako kay Cienne. Kahit kasi si Cienne hindi nya alam kung ano ba talaga ang nangyari. 

Umayos ng upo si Camille at saka uminom ng kape. Parehas kaming nagiintay ng sagot ni Cams. 

"She thought that I fell out of love" panimula nya. Well that's true dahil yun din ang narinig ko kay Carol nung kausap nya si Vic 

"She thought that I left her hanging" 

"Hindi nya alam na ginawa ko yun kasi duwag ako" nakikinig lang kami sa kanya habang unti unti ng bumabagsak ang luha nya 

"Hindi naman kasi ako kasing tapang nyo eh" sabay tingin sa amin  "Hindi ko naman kasi kaya na humarap sa pamilya natin at ipakilala siya ng hindi nila ako titingnan ng masama" sabi nya kay Cienne. 

"Kaya nyo kasing panindigan eh. Eh ako? Duwag na nga ako wala pa akong paninindigan sa taong mahal na mahal ko" tuloy-tuloy lang ang pagbagsak ng luha nya kaya naman agad na ding tumayo si Cienne at niyakap sya 

Naiintindihan ko si Cams, alam ko ang pinagdadaanan nya. Minsan na rin kaming dumaan sa ganun ni Ara. Yung takot sa tingin ng iba, takot sa magulang, at takot sa mga desisyon namin. Walang kasiguruduhan kung ano mang magiging kinabukasan namin lalo na at hindi naman normal sa tingin ng iba ang relasyong meron kami. 

Siguro dahil na rin sa pagmamahal ni Ara kaya ko na kaya lahat ng batikos ng iba noon. Laking pasasalamat ko na din sa mga magulang ko na tumanggap sakin pati na rin sa mga fans na walang sawang sumuporta. 

"Im sorry Kambal" naiiyak na sabi ni Cienne "Hindi mo kailangan mag sorry Kambal. Hanga nga ako sa inyo ni Kimmy eh. Biruin mo yung hinarap niyo noon." hindi rin naman kasi naging madali ang pag amin nina Cienne at Kim noon kahit na wala naman itong problema kay Ate Cha. Iba parin kasi pag sa magulang na. 

"Nakakatawa noh, umiiyak ako dito kasi nakita ko na may kasamang iba yung taong mahal ko, pero ako din naman ang nagtaboy sa kanya. Ako din naman ang nagbigay sa kanya ng pagkakataong humanap ng iba. Ako yung umiiyak pero ako yung nanakit" basag na ang pagsasalita ni Camille ngayon ng dahil na rin sa pagiyak. 

Nilapitan ko na din sila at niyakap. Parang magbbreakdown si Cams sa nakikita ko ngayon. Iyak sya ng iyak at halos kapusin na sya ng hininga. 

"Cams huminahon ka" sabi ko sa kanya at dali dali ako kumuha ng tubig habang si Cienne naman ay pinapatahan ito. 

Nang makainom ay medyo kumalma sya ng konti kahit na may butil pa din ng luha na lumalabas sa kanyang mata.  

"Teka nga, pano ba kayo nakakasiguro na nambababae nga ang dalawang yun, ha Ciennang?" frustrated na din kasi ako

Chances (KaRa)Where stories live. Discover now