Scenario no.204: #JUNGRICE Adventures.

6.7K 327 120
                                    

Scenario no.204: #JUNGRICE Adventures.

Isang magandang umaga para asawa nang ating pambansang ilong na si Clarice. naglalakad sya papunta sa dance studio kung saan kasalukuyang nageensayo ang BTS. Gumawa sya ng almusal para sa kanilang lahat.

Mapayapa naman syang nakarating sa practice room.. Kaso..

V: Uy! Clarice!!

Jhope: Uyy nanjan palaka! Bat di ka kumokak!

Clarice: Namo Jhope! Nasan si Jungkook?

Rapmon: He's not here, sabi nya susunduin ka daw nya..

Bigla namang nagpanting yung tenga ni Clarice, panong susunduin? Wala naman silang pinag usapan na susunduin sya ni Jungkook. Aba aba.

Clarice: Ah ganun ba, baka may pinuntahan lang. Eto oh, kumain na kayo, nagdala ko ng breakfast.

Jimin: Ayos ka lang? Nawala ka ata sa mood?

Jin: Eh panong hindi mawawala sa mood! Mukhang may ibang baba--

Suga: Wag mo nang ituloy hyung! Oh ayan /sinalaksakan ng pagkain si Jin sa bunganga nito/ kumain ka na lang!

Balisa pa din si Clarice habang nag aalmusal ang BTS, iniisip nya kung san nga kaya posibleng nagpunta si Jungkook.

Inaalok nila si Clarice ng makakain pero ayaw nya.

Maya maya pa, pumasok si Jungkook mula sa labas na ang saya saya at may pasipol sipol pa.

Jungkook: Uyyy baby! Nandito ka pal--

Clarice: Jimin ano nga yung sinasabi mo kanina? Yung magandang park sa Busan? Hindi pa ko nakakarating dun! Samahan mo kooo!!

Jimin: Ahh may sinabi ba kong ganun? Pero sige sasamahan kita :)

Jungkook: Bat si Jimin hyung pa! Pwede naman ak-

Clarice: Tsaka may alam din akong coffee shop, ang sarap nung garlic cake nila!

Jimin: Hahaha mukhang masarap nga, sige puntahan natin minsan.

Jungkook: /lumapit kay V/ Anong meron? Bat ayaw akong pansinin ni Clarice? Tsaka bat parang close na close sila ni Jimin hyung ngayon?

V: Nagtatampo ata si Clarice, dinalhan nya kasi tayo ng breakfast tapos sabi mo samin susunduin mo sya, bat nauna pa sya sayo?

Jin: Ayan tuloy, akala siguro may ibang babae kang tinagpo.

Rapmon: San ka ba talaga galing?

Jungkook: Susunduin ko nga sana sya, sosorpresahin ko sana kasi kagabi pa nya inihahanda yung mga pagkain para lutuin. Eh bumili pa kasi ako ng lamb skewers kaya sya siguro nauna dito.

Suga: Lamb skewers pa! Ayan nagtampo si kumander.

Nakatingin lang si Jungkook kay Jimin at Clarice na ang saya saya habang nag uusap. Selos na selos na ang ilong nating lingkod.

Maya maya pa, pumasok si Mr. Son at pinatawag si Jimin, sumunod naman yung iba kaya ang natira na lang ay si Clarice at Jungkook.

AWKWARD!!!!

Clarice: Uwi na ko, maglilinis pa kasi ako ng bahay.

Jungkook: /hinawakan sa braso si Clarice/ Teka? Galit ka ba?

Clarice: Hindi ah bat naman ako magagalit.

Jungkook: Bat di mo ko pinapansin? Parang close na close pa kayo ni Jimin hyung.. Nagseselos kaya ako. .

Clarice: Alam mo pala yung salitang selos no? Ako kasi kota na dun eh. Lagi na lang..

Jungkook: nagseselos ka sa lamb skewers?

Clarice: ANONG LAMB SKEWERS SINASABI MO JAN!

Jungkook: Bumili pa kasi ako nun bago kita sana sunduin, kaso napatagal ako kaya nauna ka na dito. Wag ka nang magtampo..

Clarice: /napaisip na adik nga pala sa lamb skewers tong asawa nya/ Ah-h t-alaga ba?

Jungkook: Oo nga, wala naman akong ibang babae, ikaw lang..

Clarice: Lol! Tigilan mo ko ilong! Nagtatampo pa din ako!

Jungkook: /lumapit pa nang mas malapit kay Clarice/ Matitiis mo ba ko?

Clarice: Enebe jengkeek weg dete!!

V:Nagpa reserve na ko ng kwarto sa isang hotel, pwedeng dun na kayo? Practice room kasi to eh no.

Jin: Lantod oh! Mag aaway tapos konting da moves lang ni Jungkook bati na!

Jungkook: Ganun talaga hyung, mahal ako neto eh. Diba?

Clarice: Naman! Lalo na yang ilong mo! Sige na, aalis na ko, pagpatuloy nyo na yung practice nyo.

Jungkook: Sige, hatid na kita baka mapano ka pa.

Suga: Susss! Lumayas na nga kayo!

Jhope: Ingat Clarice! Tanga ka pa naman!

Clarice: Namo talaga Jhope! Bye bye!

••

BTS ScenariosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon