Chapter 56

16.5K 294 52
                                    



Alas kwatro pa lang ng madaling araw, gising na ang mag-asawang Trinidad. They always love the peace of an early morning breeze. Ginhawang pag-asa at kapayapaan ang hatid nito sa kanila. Ganyan nga ata talaga ang nagagawa ng edad. Habang tumatanda, paliit ng paliit ang mga bagay na naappreciate mo sa buhay.

"Ang bango naman niyan! Ano ba yang niluluto niyo?" Pagbungad ni Elena sa mga kasamahan ng Kapitan Nanding na nagluluto sa kusina ng baranggay.

"Magandang umaga po Senyor at Senyora." Sabay-sabay na pagbati ng mga ito matapos mapansin ang mag-asawa. "Kumakain po ba kayo ng arroz caldo at bibingka?" Sagot ng dalaga habang naghahalo sa kaldero.

"Ay naku ang sarap niyan!" Excited na sagot ni Alejandro. Umupo ito sa tabi ni Elena na masaya rin katulad niya.

"Kamusta ho? Nakatulog po ba kayo ng maayos?" Tanong ni Kapitan Nanding na abala rin sa pagluluto.

"Natanong mo pa Nanding. Ang sarap ng tulog namin lalo na itong si Alejandro. Ang lakas humilik." Natawa ang lahat sa sinabi ng Ginang. Humahalakhak naman sa pagtawa ang Ginoo sa panlalaglag ni Elena.

"Ang dalawang bata kaya? Nakatulog kaya sila ng maayos? Mukhang hindi sanay ang mga 'yon sa buhay probinsya." Dagdag ni Kapitan Nanding.

"Wag kang mag-alala, Nanding. Mukhang masaya naman ang mga 'yon. Naniniwala akong may dahilan kung bakit nangyari lahat ng ito." Saad ni Elena at ngumiti ng matamis sa Kapitan.





~•~



"Hmmmm" nagising si Keith nang maramdamang may humihila sa kanyang kumot. Idinilat niya ang mga mata at ang magandang asawa niya ang bumungad sa kanya. Nanginginig ito sa lamig.

"Ang la-lamig..." Saad ni Sandra. Wala itong suot maliban sa kumot na hindi sapat upang makapagbigay sa kanya ng init. Naramdaman niya ang pagyakap ni Keith mula sa kanyang likuran.

"Keith..." She was trying to stop him. Hindi man niya kayang aminin, ngunit nagustuhan niya ang init na hatid sa kanya ng katawan ng asawa.

"Let me warm you." Ramdam niya rin ang init ng hininga nito sa kanyang leeg matapos ibulong ang mga salitang 'yon.

"Keith, I think we need to get up." Wala na siyang maisip na rason para lang matigil itong nararamdaman niya. She's feeling the touch of his skin on her beneath their blanket naked. She can even feel his manhood down there. Ang lamig na nararamdaman niya kanina ay dahan-dahang napalitan ng init. Nagwawala na naman ang kanyang puso. Kung hindi ito titigil konting-konti nalang mababaliw na siya.

"Let's stay like this for awhile..." Mahinang sagot ni Keith. Sandra turned her body to face him. "Please..." Pagmamakaawa ng huli. Keith replied by putting a tiny smile on his face. Hinawi niya ang nakaharang na buhok ng asawa at hinalikan ang noo nito. "Okay."

Pagkatapos mag-ayos ng dalawa, lumabas ang mga ito ng kwarto. Sinundan nila kung saan nanggaling ang ingay na nasa malapit lang na Barangay. Naabutan nila na tumutulong sa paghanda ng pagkain si Elena na nilalapag ang nga plato sa mahaba na mesa habang masayang nakikipagkwentuhan sa mga katulong.

"Pwede po ba akong tumulong?" Bungad ni Sandra sa kanila pagpasok nito ng kusina. Masaya na tinawag siya ng Ginang.

"Mukhang ang saya ng pinag-uusapan niyo ha." Lumapit si Sandra sa kanila at tinulongan ang Ginang sa paglalagay ng mga plato at paghahanda ng mga pagkain sa mesa.

The Desperate WifeWhere stories live. Discover now