Chapter 53

17.7K 266 27
                                    



Isang lalaking nakabarong ang lumapit at binuksan ang pintuan ng sinasakyan naming van. Matatandaang isa ito sa mga bodyguard ng mga Trinidad na nakasunod sa amin mula pa kanina. Ito rin ang umaalalay sa amin pababa ng sasakyan. Sinalubong naman kami ng malalawak na mga ngiti at mainit na pagbati mula sa mga staff ng hotel.

Habang kinukuha ng ibang mga tauhan ang aming mga dalang gamit mula sa kabilang sasakyan, ang iba ay umalalay sa amin patungo sa lobby. Mabagal ang aming paghakbang sa hagdanan dahil nakasunod kami sa matandang mag-asawa. Naramdaman ko ang kamay ng aking asawa na sumuporta sa aking likuran. I lifted my gaze to see him. He smiled sweetly at me as soon as our eyes met. Nauna itong magbitiw ng tingin at tumingin ulit sa harapan habang naiwan akong nakatingin pa rin sa kanya. Of course I know that this was just for the show, ngunit dahan-dahan pang nagsisink-in sa akin ang nangyari while recalling a memory of him smiling at me back then. But I failed. Mas malinaw sa aking ala-ala ang mga nakabusangot nitong mukha at mga nakakunot na noo. Binalik ko ang mga mata sa mga trinidad, at tipid na ngumiti sa ala-ala noon. I never made him happy and I never will.

Nagtungo kami sa malapit na VIP lounge at naupo kami roon. Katabi ko ang aking asawa habang nasa harapan namin ang Ginoo at Ginang na katabi ng isang manager ata ng hotel. Nag-uusap sila habang nakikinig lang si Keith sa kanilang usapan. Wala na akong maintindihan sa  diskusyon nila o sadyang naagaw lang talaga ang aking atensyon ng mga pagkaing inihanda ngayon sa mesa. Inabot ko ang isang piraso ng tortilla at tinikman ito habang lihim na nagmamasid sa paligid.

Hmmm... tasty.

The lounge had this huge glass walls that gives us the view outside. Tingin palang tila naaamoy at nararamdaman ko na ang sariwa ng hangin mula sa dagat. It was a fogless morning kaya malinaw kung gaano kaganda at kaaliwalas ang lugar. Makikita mo rin mula dito ang mga nakapalibot na mga villas, which for sure were lavish and expensive. This whole place is heavenly, I can't wait for them to tour us around!

Napalingon ang lahat sa pintuan nang may kumatok. Pumasok ang isang lalaking nakabarong at humakbang ito papalapit sa amin. "Handa na po ang mga bangka, Senyorito." Anunsyo nito habang nakatingin sa mga Trinidad.

"Really?!" Ramdam ko ang excitement sa sagot ni Mrs. Elena.

"Opo, Senyorita."

"That's good! Akala ko matatagalan pa." Komento naman ni Mr. Alejandro.

"Handa na ba kayo, ijo, ija?" Lumingon ang Ginang sa amin. Tumango lang kami ni Keith bilang sagot sa kanya.





NAKAHAWAK ako sa braso ni Keith bilang suporta dahil natatangay ng lakas ng himpapawid ang suot kong bestida habang tinutungo namin ang mga bangkang nakaantabay sa dalampasigan. We scooted off on our boat and headed our way to I didn't even know where.

"Okay lang ba kayo diyan?" Pangangamusta ni Ma'am Elena sa amin. Syempre magkatabi sila ni Mr. Alejandro na nakapatong ang braso sa balikat ng Ginang. Nag-eenjoy ito sa hampas ng hangin na tumatama sa kanyang mukha. Lumingon ito sa amin, matapos magtanong ni Elena.

"Yes po."

"O-opo." Nasasabik na sagot ni Keith habang nanginginig ako sa lamig at takot. Deep inside, I was a bit anxious. I'm a city girl bago ito na experience sa akin. And I bet, ganoon din si Keith. But unlike me, he seemed enjoying the experience.

The Desperate WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon