Chapter 33

21.2K 311 31
                                    




"I'm sorry." Paghihingi ko ng paumanhin sa taong nabangga ko ng hindi bumabaling dito. Hindi ko ito napansin dahil maliban sa malabo ang aking paningin, nakayuko lang ako na mabilis na naglalakad patungo sana sa cafeteria.

Napaangat ako sa estranghero matapos nitong hilahin ang braso ko. Iwawaksi ko na sana ang hawak nito nang mamukhaan ko kung sino ang nagmamay-ari ng kamay na 'to.

"S-Sir Nathan." Tiningnan niya ako ng malalim at maselan na sinuri ang aking kabuuan dahilan ng pag-iwas ko sa mga titig nito.

"I was right when I said yesterday that you are not okay. Tell me what happened, Sandra."

Umiling ako. "I'm fine." I look at him once again. Of course, I denied.

"Eyes don't lie, Sandra. Kung makikita mo lang ang sarili mo sa salamin, it's so obvious that you have been crying. Tell me, pinagalitan ka ba ni Keith?"

"If I was really going through something, i think it is not your business anymore to worry about it, Sir."

"You can't throw reasons like that on me, smartypants. Look. Don't get me wrong, Sandra. I'm worried because you are my friend—-" Napatigil saglit si Nathan dahil sa mga empleyadong mabagal na naglakad sa tabi namin. Tinitingnan kami ng mga ito na halatang gusto lang maki-tsismis.

So Nathan decided to invite me over lunch, instead. We went inside the private vip area of the cafeteria— kung saan siya karaniwang kumakain ng tanghalian.

Hanggang dito, ginigiit niya pa rin sa akin kung ano raw ang problema ko, kung ano raw ang nangyayari sa akin, at wala akong sinagot sa mga 'yon. Iniiba ko nalang ang usapan at pilit na inaaliw nalang ang sarili na kausap ang isa sa mga respetadong tao dito sa kompanya.

Lihim naman akong natutuwa na nakikita ko ang ibang side ni Nathan slash Kuya Pogs sa tuwing nakakausap ko siya. Malayo sa mga nasasaksihan ng karamihan na working aura niya— seryoso, mysteryoso at matapang.

Patapos na kami sa pagkain nang inimbitahan niya akong sumama sa kanya mamaya rawng uwian. I asked him where and what was it for, but he refused to answer. Madali naman akong kausap. I accepted the invitation. Mapagkakatiwalaan ko naman siguro ang taong 'to, di ba? Kapatid naman ito ng asawa ko kahit hindi nito alam na asawa ako ng kapatid niya.

Pagkatapos mananghalian at magkwentuhan, napagdesisyonan naming bumalik na sa trabaho. Kaya ngayon, ang bigat ng mga hakbang ko pabalik sa opisina. Kung pwede lang talaga na umuwi nalang, kanina ko pa ginawa.

Napabalikwas ako sa gulat nang pagpasok ko, may narinig akong sigawan at kalabog mula sa loob ng opisina ni Keith. Pinilit ko nalang na balewalain ito dahil ganitong eksena naman ang naaabutan ko sa tuwing may pinapagalitan siyang mga palpak na empleyado. Pero grabe ha, mukhang malala yata ang atraso ng kung sino man ang taong ito ngayon. Dumoble yata ang init ng ulo ni Keith.

As usual, I just went back to my desk and decided to review the things that needs to be done this afternoon.

What the heck, Sandra?!

Lihim akong nataranta matapos kong matingnan ang oras. Napasarap kasi ang usapan namin ni Kuya pogs kaya hindi ko na namalayan ang oras. Trienta minutos nalang at magsisimula na ang meeting. Dapat nasa loob na kami ng conference room ng mga oras na 'to.

Fck.

Tatayo na sana ako para paalahanan si Keith tungkol sa gaganapin na meeting, nang bumukas ang pintuan ng kanyang opisina. Sumalubong sa akin ang mga nag-aapoy niyang mga tingin at inikutan ako nito ng mata.

Nakita ko namang nakasunod sa kanya ang mga kaibigan nitong si Gab at si Joseph. Si Joseph na umiiling-iling at nakapamulsa. Tapos si Gab—

"Ang init ng ulo ng asawa mo. Natitiis mo 'yon?" Na lumapit sa akin at nagpaiwan. Nakalabas na kasi sila Keith at Joseph, patungo na siguro sa conference room. Wait, So sino ang pinagalitan nito kanina sa loob? O baka naman galit pa rin ito sa ginawa ko kanina— grabe naman kung ganuon!

Nagkibit-balikat nalang ako bilang sagot kay Gab. Galit din ako sa ginawa niya. Bakit? Siya lang ba ang may karapatang magalit?

Sumunod naman kami kaagad ni Gab sa loob, nandito na rin ang iba pang corporates. Umupo ako sa kanang upuan sa gilid ng aking asawa at si Gab sa tabi ko. I was reviewing the files when everyone starts to murmur, pumasok pala si Sir Nathan na umupo sa kabilang dulo ng mesa. And right there, while he was busy entertaining those people he is back in his work mode aura.

Nakaramdam ako ng excitement at tensyon. Bakit parang ako ang kinakabahan para kay Keith?

Kinse minutos na ang lumipas, pumasok sa conference room si Keith at Joseph kasama ang mga bisita. Nagsimula agad siya sa kanyang presentasyon na naging maayos naman ang naging daloy.

Tiningnan ko ang reaksyon ng mga bisita na natutuwa naman sa naririnig nila. Mukhang positibo ang mga ito dahil panay ang kanilang pagtango tanda ng kanilang pagsang-ayon. Lihim naman akong natuwa at na proud sa asawa ko. Of course, he can do this!

Nagtama ang mga mata namin ni Sir Nathan matapos kong lingunin ang direksyon niya. Nacurious kasi ako sa reaksyon nito para sa kapatid. Hindi naman masama ang timpla ng mukha nito kaya ningitian ko siya. I didn't expect him to smile back, but he did.

"Ehem. So I guess, that's all!" Keith announced. Nagkaroon pa ng kaunting diskusyon sa pagitan nila Keith at ng mga investor, at sa huli gaya ng inaasahan, nakuha namin ang loob ng mga ito.

Ngiti ng tagumpay ang sumilaw sa mga mukha ng parehong partido. Habang abala ang lahat sa pakikipag-usap, nagkatinginan ulit kami ni Sir Nathan. And as if he was saying, "Let's go?"

Lumakas ang tibok ng puso sa hindi ko malaman na dahilan. Oo nga pala, pumayag pala akong sumama sa kanya mamaya. Tumango ako dito bilang sagot. Nagpaalam ito sa mga tao na naroon, bago umalis.

Hindi ko sinadyang mapatingin sa kinaroroonan ng aking asawa. Tumayo ang aking mga balahibo, nang mapagtantong kanina pa pala ito nakatingin sa akin. He was looking at me very intently while he was maybe pretending to be listening to the investor with Joseph and Gab.

I saw how he clenched his jaw and how his eyes rolled back at me to the person they're talking with. Hindi ko alam kung para saan 'yon. Pero ang alam ko, kanina pa ito galit at hindi ko alam kung bakit.

The Desperate WifeWhere stories live. Discover now