Stage 24: [Calamba]

3K 56 30
                                    

Chapter 24: Calamba

#shungangLevel10000X

Sabi nga nila: "Magbiro kana sa lasing at sa bagong gising, wag lang sa babaeng naka WHISPER with WINGS!" #totooYanTeh 

 (≧▼≦;) --------------------------------------------------------------------------------------------------------θ\(;¬_¬)

“Chie! Chie! Gising na! andito na tayo” nagulat ako sa boses na gumising sa akin.

Iminulat ko ang mga mata ko at nakita kong ginigising ako nina Tricia, Annabelle, Ruth at si Baklang Lancer.

“Na-nasan na ba tayo?” sabi ko sabay kusot ng mga mata.

“Andito na tayo sa Calamba, bili!” sabi ni Bakla

Bakit nandito sa bus namin si bakla?

Tumayo ako at wala nang tao sa buong bus. Sumilip ako sa labas at nasa labas na lahat ang mga estudyante.

“Hoy, guys, tingnan nyo to” sabi ni Ruth at ipinakita ung picture sa digi cam nia.

Nanlaki mga mga mata ko sa nakita ko.

“OMG! FAK NA FAK! Baklaaaa! Bagay talaga kayo!!” pang aasar ni baklang lancer sakin habang niyuyugyug ung balikat ko.

“Oo nga teh! Ayy grabe! Sabi na nga ba eh! Dapat ako ang tumabi kay fafa Seiji >.<!” sabi ni Annabelle

Nakita kong may picture kami ni demonyo sa digicam ni Ruth na naka lean ung ulo ni demonyo sa balikat ko habang natutulog at ako naman ay nakatingin sa bintana.

“Tigilan nyo nga yan! Bakit nyo kinuhanan yan? Mamaya ma issue pa kami” sabi ko.

Tokwa naman oh! Sabi na eh! Pano kung Makita to ng fans ni demonyo edi nakuyog na ako? Haist! Oo nga pala, asan pala ang demonyong un?

“Arti mo teh! Di naman namin ipopost to sa fb! Bagay lang kasi kayo!~~ Ayyy~ ang gwapo talaga ni fafa Seiji! Naka suit pa sya <3 haha” sabi ni Tricia

“Tse! Tara na nga! “ sabi ko sa kanila.

Lanyang demonyo un! Nasaan na kaya un? Wala daw syang pagkaing dala ngayon!

Kinuha ko na ung mga bagaheng dala ko at saka sabay sabay kaming bumaba sa bus.

“Hoy Lancy! Bakit ganyan ang suot mo? Ang pokers ng dating, san ka ba rarampa?” tanong ko kay bakla, nak ng tinapa! naka high boots pa eh tapos skinny jeans tapos fitted na pink t-shirt at may belo pa! san kaya babalandra to at dinaig pa kaming lahat na naka simple attire lang?

Grabe hanggang ngayon nasasayangan pa rin ako sa pagkabading ng isang to.

“Wag kang magulo, trip ko to no, maraming guys out there dapat maganda ako” sabi nia

“Landi mo talaga” sabi ni Ruth

“Ganyan talaga” sabi ni bakla

“Basta wag mo lang a-aurahan si Seiji ah” sabi ni Annabelle

“hahaha! Oo nga! Kay Chie-chan na yon” sabi ni Tricia

“Char! Hati nalang tayo diba Chie?” sabi ni bakla

“Naku, wag niyo akong isali jan, sainyo na kung gusto nio” sabi ko habang naka nguso

“Wussshhhhuuuu~~ wehhh??” sabay sabay nilang sinabi at nakangisweng nakatingin sakin na may halong malisyosong tono. Mga baliw talaga, mangaasar pa eh!

Demon Meets Shunga GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon