Stage 16: Bwisita number 2

4.8K 55 57
                                    

STAGE 16: Bwisita number 2 / Shungang level 88% 

"Tatay: Bakit bagsak ang grades mo?

ChieChan: How can I pass if my teachers hate me? Parang LOVE lang yan, kahit gaano ka man kaseryoso, kung ayaw sayo, hindi ka papasa.

Tatay: Naks! Nagdrama pa ang bobo! Hiyang hiya naman ako sa’yo!" #PUSHmoYan!

┏((= ̄(エ) ̄=))┛ ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ Ψ( ̄(エ) ̄)Ψ

"Ok, so.. Hindi kamo umuwi kagabi si Seiji pagka tapos ka niya sigawan?" Tanong sakin ni Tricia

"Uu T__T" sabi ko naman

"Shemay! bakit ka ba kasi naki sabat!?! yan tuloy! pero ha, nacucurious tuloy lalo ako kay Seiji sa mga kwento mo, anong malay naten, anak pala sya ng super yaman na businessman sa bansa? hahha! tiba tiba ka teh! wag mo nang pakawalan!" pang uusig ni Tricia

Lanya, lawak ng imagination neto eh!

Namomroblema na nga ako kung saan nag punta ang demonyong un!

Pauwi na kami at kanina pa ako nawawalan ng gana.

Hindi ko namataan ung demonyo sa School eh.

Ano kayang meron?

"Naku, imposible, sa ugali niang un, tsaka malamang, na-evict un sa bahay nila, siguro pinag sisigawan nia lahat ng tao dun -__- " sagot ko naman kay Tricia.

Walang konsensya sya! matapos nia akong sigawan kagabi! hindi sya uuwi?? Napuyat kaya ako kakahintay! >...<

"Alam mo teh, ikaw naman kase, wag ka nang mag deny deny pa! mamaya maagaw pa sayo yang si Seiji, ikaw rin!" sabi nia

"Wushu! para namang aamin ako, never! over my dead body!" pag dedeny ko

"Alam mo teh, next time, pag niyaya ka ng ate nia na makipag chikahan, alamin mo ung mga tungkol kay Seiji tas ichika mo sakin, ay! big scoop eto pag nagka taon !" sabi ulit ni Tricia

Grabe, bakit parang mas excited pa tong bff ko sakin? Paano nalang kaya kung ikwento ko sakanya ung mga pinag gagawa namin ng demonyong un? ung.. alam nio na... ung mga kilig moments..wahahahaha! Naku.. wag nalang! mamaya makalbo ako pag kinilig ang isang to.

"Oo na" sabi ko habang naka nguso

"Mabuti nalang at shunga ka teh, winsak mo talaga ung doorknob ha para lang makabalik sa unit mo si Seiji blah blah blah" salita ng salita si Tricia at lumilipad na ang utak ko.

Wala talaga akong ibang maisip ngaun kundi ang demonyong un.

Demon Meets Shunga GirlWhere stories live. Discover now