Stage 3: Shunganess Level: 65% #MedyoBadGirl

6.2K 73 5
                                    

Stage 3: Shunganess Level: 65% #MedyoBadGirl

ENGLISH Teacher: Ms. Reyes, translate this in tagalong “ I’m the happiest person when I saw your face.” Maam eto po- “Ako ang pinakamasayang tao kapag nilagari ko yang pagmumukha mo. #haha #ihandaMoNaLibinganMo #ShungaEh

 ┏((= ̄(エ) ̄=))┛ ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ Ψ( ̄(エ) ̄)Ψ

“Anong ginagawa mo?” Tanong sa akin nung demonyo habang feel na feel ang pag higa sa kutson ko.

“Di pa ba obvious? Edi nilalagyan ko ng harang ang tutulugan naten!” sabi ko sakanya habang kinakabit ko yung malaking kurtina sa gitna ng espasyo kung saan kami natutulog.

“Hindi mo naman kailangan gawin yan sus” sabi nya

“Mabuti nang nakakasigurado noh!” sabi ko

“Haha! Ano bang akala mo? Pag sasamantalahan kita? Hahaha! Hindi ko type ang mga babaeng cap-b mahiya ka nga” Sabi nung mokong

Tapos ko nang ikabit yung kurtina.

“H-Hoy! Ang kapal mo! Hindi ako CAP B! Boset! Kaaaa! Nakuuu!” hinila ko yung kumot ko mula sakanya pati kinuha ko yung mga unan ko. Since hinihigaan niya ung kutson ko, maglalatag nalang ako ng comforter sa kabilang side ng kurtina, wala eh, makapal mukha neto eh!

“teka anong gagamitin kong unan?” sabi niya

“Aba! Problema mo na yun noh! Lilipat lipat ka nang bahay tapos wala kang dala!” pinag iinit talaga niya ulo ko. Tsss! Tita! Bumalik ka na kaseeee!! >.<

“Eh ang sabi ng land lady kumpleto na daw ang gamit sa lilipatan kaya hindi na ako nag dala” sabi niya

“Ewan ko sayo! hanggang dyan ka lang ! wag kang lalampas sa kurtina! Kung hindi makakatikim ka ng flying kick!” sabi ko . naku subukan niya lang!

“Hahaha!mas lalo kang pumapanget pag galit ka” pang aasar niya.

“TSE!” sabi ko.

Nag latag na ako at pinatay ang ilaw.

Letse feeling close!. Nakuu! Malaking problema to, kaylangan ko nang paalisin yung boarder sa kabila >.< Si tita naman kase eh!!

Mukang di ako makakatulog ng maayos nito!

Kaines! Mukang mag kakilala pa ata sila nung demonyong yun. Badtrip!

Tiningnan ko yung orasan ko at 1:30am na hindi pa ako nakakatulog.

Inangat ko yung kurtina at nakita kong naka sideview sa kabila yung demonyo.

Seriously bakit ba ang daming naiinlove dito? Eh ugaling demonyo naman at halos lahat ng babae sa school ay napaiyak nito dahil sa panlalait! Bolshet!

Mukang tulog na sya.

Ayoko ko mag alaga ng eyebags kaya matutulog na ako!

┏((= ̄(エ) ̄=))┛ ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ Ψ( ̄(エ) ̄)Ψ

“Papatayin na kita! HAHAHAHAHAHAHAHA!” mahigpit akong hinawakan sa braso ni Seiji habang may hawak na kutsilyong naka amba sa akin.

“HUWAAAAAGGG!!! Maawa ka! Gusto ko pang mag tapos! Gusto ko pang mainlove! Gusto ko pang mag asawa! Gusto ko pang magka anak! Gusto ko pang tumanda! Gusto ko pang mama-  ay! Gusto ko pang mabuhay ng matagaaaaallll!” Sigaw ko sakanya

“hahahahahahaha! Walang puwang sa mundong ito ang mga bobong babaeng katulad mo!!! Hahaha” isasaksak na ni Seiji ang kutsilyo nang..

*Buti nalang tanga! Buti nalang tanga! Buti nalang tanga!* naihagis ko ung unan na nakatabon sa mukha ko sa sobrang intense ng panaginip ko. Buweset na alarm tone to! ---.----

Demon Meets Shunga GirlWhere stories live. Discover now