Stage 8: Inlove? Ako? weh? wag sana, Oo sana! <3 #UyKilig #DiNamanEh #:'))

5.5K 63 11
                                    

Stage 8: Inlove? Ako? weh? wag sana, Oo sana! <3

#UyKilig #DiNamanEh #:’)) 80% Kashunganess

“Classmate: Pare, liligawan ko yung magandang kausap mo. (Si Chiechan) Seiji: Hindi pwede kasi ka-BANDA ko siya Classmate: Ha? at bakit naman?Seiji: KAMI-KAZEE” #JokeUn? #UyyKiligSiChechan #Huh?KelanPaYan? #SaFuture? #TripLangYan #LUL

 (; ̄Д ̄)------------------------------------------------------------s(・`ヘ´・;)

[Chiechan’s POV]

“Ano plano mo sa Sabado?” tanong sa akin ni Tricia habang nag i-spacing out ako sa classroom.

“Waley naman, ikaw ba?” balik ko sakanya

“Ganun, akala ko naman meron” sabi ni Tricia habang nakanguso

“Bakit? May kaylangan bang mangyari?” sabi ko sakanya

“hmmm. Wala naman, akala ko lang kasi may progress na kayo” ngiting nakakaloko ni Tricia

“Huh? Sino naman tinutukoy mo?” pag mamaang maangan ko

“SOWS teh! Wag ka nang mag inaso, si Seiji tinutukoy ko!” sabay hampas sa balikat ko

“a-ano? Pake ko ba dun” biglang nag init ang pakiramdam ko at nararamdaman kong nag iinit din ang mga pisngi ko.

“Uyyy! Eh bakit namula ka?” pangaasar pa ni Tricia

“Tse! Nahihirapan na nga ako eh” sabi ko

“Bakit naman? May nangyari ba?”

Tumingin lang ako sakanya habang nakapalumbaba at umirap

“KWENTOOOO!!!” yug yug sakin ni Tricia.

Tssss! Mas mabuti nang ikwento ko sakanya para makahingi ng Advice.

 (; ̄Д ̄)------------------------------------------------------------s(・`ヘ´・;)

“Alam mo,,,, SAPATOS ka ba?” tanong sa akin ni Tricia matapos ko ikwento ung kababalaghan ni demonyo nung isang gabi.

“Ha? Bakit naman?” tanong ko

“SHOE-nga ka eh!” banat nia

“Wow ha? Thank you! Ang supportive mong kaibigan, sige nga, ano interpretation mo dun sa pinasasabi nia? Nang titrip nanaman un eh!”

“Buang ka talaga! Bakit ang manhid mo gurl? May gusto sayo si SEIJI hahahaha!”

“Imposibru! Alam mo namang demonyo ang ugali nun! Pinag titripan lang ako nun!” sabi ko

Pero, infairness, gusto ko ung idea ni Tricia, wahahahaha! Oh!! Oppsss!! Gusto ko lang linawing wala akong gusto sa demonyitong yun, type ko lang ung idea ni Tricia hahahaha!

“Ay nako teh, you’ll see wahahahaha, tsaka, malalaman naman natin yan in time hahahaha” halakhak nia

Naku.. porket may manliligaw lang to masayang Masaya, sana maka hanap na din ako ng loveydoves ko para sumaya na din ako. Imbyernabels ako sa demonyitong un sana manlang kahit papano may pambawi.

 (; ̄Д ̄)------------------------------------------------------------s(・`ヘ´・;)

Demon Meets Shunga GirlDove le storie prendono vita. Scoprilo ora