Stage 7: Kilig ba ito? Medyo Shungang level 55% #NaksBumaba #pedeYan

5.5K 67 20
                                    

Stage 7: Kilig ba ito? Medyo Shungang level 55% #NaksBumaba #pedeYan

“Tricia: Paano mo sasabihin na may kulangot ang katabi mo na di niya ikakahiya? ChieChan: Sabihin mo, "Ganda naman ng nunal mo." Kapag hinawakan niya yun at natanggal, sumigaw ka ng ... "Wow! Adjustable!" #FacePalm #BitchPlease #LOL

 (; ̄Д ̄)------------------------------------------------------------s(・`ヘ´・;)

[ChieChan’s POV]

“Friday ngayon at amboooringg!” sabi ni Tricia habang nag lulunch kami sa loob ng classroom.

“Kaya nga eh” dag dag ni Ruth

“Ano kaya kung mag movie marathon tayo mamaya?” sabi ulit ni Tricia

“Oo nga, san ba pede? Nakaka urat ngayon di ko kasi nakita si Seiji” sabi ni Ruth.

Hindi ako nag cocomment at nilalantakan ko lang ung lunch ko.

“Teh, punta tayo sainyo mamaya, movie marathon tayo” sabi saakin ni Annabelle.

Halos maibuga ko na ung kinakain ko nung sumag ayon ung mga impakta.

“A-ah, hehe! Alam nio kasi hindi ako pede mamaya eh” paliwanag ko

Syete naman oh! Ayoko ng mga ganitong usapan! Mamaya mabisto nila ako na magka sama kami ni demonyo sa iisang bubong.

“ha? Bakit naman?” tanong ni Tricia

“A-ah, ma-may importante kasi akong gagawin mamaya, may pinapaasikaso saakin si tita eh” wala talaga akong madukot na palusot -.-

“Talaga?” sabi ni Tricia.

Ugh! What’s with her? Napapansin ko na these past few days parang feeling ko pinag dududahan nia ako eh.

“O-Oo naman noh!” sabi ko sakanya.

“Hay, sayang naman!” sabi ni Annabelle at Ruth.

“Oh my God! Totoo ba ito?!” sigaw nung mga babae sa likod namin.

“Oh my goshh!! Ano ang gnagawa ni Seiji dito?” nanlaki tenga ko sa pagkakarinig sa pangalang S-E-I-J-I

Agad agad akong lumingon at nakita ko ung demonyo sa tapat ng pintuan ng classroom namin!

“Girls! Ang make up!” sabi ni Ruth atsaka nag si make-up-an . grabeee!! Ano naman ang ginagawa nia dito?!!

Sguro naman hindi ako ang pakay nian.

Ilalagay ko na sana ang baunan ko sa paper bag nang nanlaki ang mata ko dahil nadala kop ala ang lunch box nung demonyito.

Shit! Ako pakay nian!

Naramdaman kong nag kikikisay-kisay ung mga katabi ko at nung inangat ko ung ulo ko nakita kong nasa harap ko ang walang kamatayang expressionless na mukha ni Seiji.

“Hindi ka naman tumitngin sakin eh! Ninakaw mo pa yung baunan ko” sabi nia habang iniabot nia ang kamay nia sa akin.

HUTANG NA LOOB TEH! Pinagpapawisan ako ng bongga sa lalaking ito eh!

Nakatulala naman sa amin ung mga kaklase ko especially sina Annabelle, Ruth at si bff Tricia! Naku po! Baka ma-mis interpret nia!

Syet! Na malagket!

Agad agad akong tumayo at kinidnap si demonyo at agad agad na lumabas ng room.

 (; ̄Д ̄)------------------------------------------------------------s(・`ヘ´・;)

Demon Meets Shunga GirlOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz