Stage 20: Part 1: Ang nakaraan #Shungang level 200%

4.1K 49 20
                                    

Stage 20: Part 1: Ang nakaraan #Shungang level 200%

"Tricia: ang love parang ngipin minsan duguan minsan masakit parang utot din yan minsan nalilihim,minsan bunyag pero higit sa lahat ang love ay parang kulangot di mo malalaman kung masarap kung hindi mo titikman!!!" #ewww #yak #natumbokMo! #MedyoBaboy

┏((= ̄(エ) ̄=))┛ ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ Ψ( ̄(エ) ̄)Ψ

 "From: Tita Zeny

Chie! goodnews! Uwi na ko jan bukas! Maaayos na natin problema dyan."

Ito ang unang problema ko ngayon. 

Kung tatanungin niyo kung problema ba ito ang sagot ko OO!

Kung dati gusto kong pauwiin si tita, ngayon ayoko na.

Ehhhhhhh!!!!!!!!!!!!

EWANNNN!!!!!!!!

Sapakin ko nalang kaya feelings ko? Kung pede lang eh!

"oi, anu bang ginagawa mo diyan? kumukulo na ung sinaing mo" sabi ni demonyo habang nakaupo sa tapat ng laptop niya. Kaltokan ko kaya tong lalaking to. Buset, palibasa mahilig lang syang mang asar. Parang wala naman syang paki kung makasama niya ko o hindi.. Magulo rin utak ng isang to eh, di ko maintindihan kung ano ako sakanya. Letsugas.

Pinuntahan ko na ung sinaing at hininaan ung apoy. Kanina pa ung demonyo sa tapat ng laptop niya at nung sumilip ako kung anong ginagawa niya, puro pie chart, graphic organizers, power point presentation ang nakikita ko, Walangjo! uso pala sa klase nila yan, grabehan, pang 200 level na yan eh! iba talaga pag matatalino. Nakasuot pa sya ng nerdy glass ngayon pati umiinom ng kape, nakuuuu kung naiimagine nyo lang, pede na ako lagutan ng hininga sa kagwapuhan niya, wahhahahahah! charrrr! pero syempre hindi dapat ganon, kalma lang dapat, maya maya kasi darating na si tita. Alam na rin ni demonyo dahil nabanggit ko sakanya kagabi. Wala namang syang reaksyon at parang wala lang sakanya. TSE! kakaines.

Yung pangalawa ko pang problema, yung unknown number na nag text sa akin kahapon. Letsugas! buong gabi ko un iniisip! Sino ba ung babaeng yon? at nakangiti ung demonyo? halatang masaya silang dalawa. Ang ganda pa nung babae. Sobrang puti at ang kinis, halata sa picture, Yung ngiti ni demonyo hindi pilit, makikita mo talaga sa picture na masaya sya. haaaay. Hindi ko papala nasasabi sakanya ung tungkol dun. At wala akong balak sabihin. Baka isipin lang nya na nakikielam ako sa buhay niya.

"oi, FC nag vavibrate cellphone mo" nagulat naman ako ng biglang tinawag ako ni demonyo. Ano daw? FC? Baka gusto niya nang mamatay at ipadala sa planetang nemic? Nakuuuu kung di lang dahil sa picture na yun masasapak ko sya ngaun!

Demon Meets Shunga GirlWhere stories live. Discover now