STAGE 5: Stupidity Level: 79% - #MedyoShunga #PedeNaRin

5.4K 61 14
                                    

STAGE 5: Stupidity Level: 79% - #MedyoShunga

#PedeNaRin

“Chiechan nanonood ng T.V - Nabalewala lahat ng pinag-aralan ko sa Araling Panlipunan nang malaman kong.... …. DIAPER lang pala ang pinag-awayan ni Lapu-lapu at Magellan!“

(≧▼≦;) --------------------------------------------------------------------------------------------------------θ\(;¬_¬)

[Seiji’s POV]

“haaay” isang matinding buntong hininga ko.

Nakatayo ako sa loob ng train at hinihintay ang pag sara ng pintuan.

Tsk. Tagal naman. Nagugutom nako eh. Ayoko sa lahat pinag hihintay ako.

Kakagaling ko lang ng school at wala masyadong magandang nangyari. Puro aral lang naman, at asual madaming babae at laging #1 ako sa mga quizzes. ako pa? matalino kaya ako. Hindi ko nakita si Flat chested. Wala tuloy maasar. Ang sarap pa naman asarin ng babaeng yun, nag mumukang kamatis yung mukha, haha! Ang cute, mukang aso. Sana nasa bahay na sya mamaya pag dating ko at nakapag luto na. haay, ewan ko ba, mukang napaganda pa ata ang pagka delay ng kuha ko sa kwarto ko. Plano ko pa naman mag instant noodles ng 1 week bago mag hire ng cook pero dahil sa medyo shunga si Ms. Zeny , masasarap na putahe ang ulam ko ngayon. Hahaha! At medyo nakaka alis din ng stress pag laruan ang babaeng flat chested na yun. Nagulat ako nung una na siya yung nakatira sa kwarto, pero natuwa ako sakanya nung nalaman kong ansarap nya palang asarin. Asar talo eh. Pero bilib ako sakanya, kaya niyang mabuhay at ipag luto ang sarili niya mag isa. Akala ko bobo at wala talaga syang alam, pero mukhang medyo sablay ako ng konti dun.

Tumingin ako sa labas ng train at nakita ko na medyo maraming pasahero na ang nag bababaan mula sa hagdan para mahabol ang train.

Tss. Ilang pasahero ba ang isasakay nito? Kakabagot.

Nagulat naman ako nung nakita kong tumatakbo pababa si flat chested at mukang nakikipag karerahan pa sa isang estudyante.

Haha! Kahit sa malayo mo tingnan, kilalang kilala mo sya dahil sa kilos niya, ang gaslaw! hindi pa pala sya nakakauwi.

Bigla namang nagsalita yung driver na aalis na daw yung train.

Ay sh*t! mukhang hindi makakaabot si flat chested!

Napatayo ako ng tuwid at tinitgan sya habang tumatakbo papunta sa train.

Tsk! Ano ba kasing ginagawa niya at nakikipag away pa ata sya sa isang mama dun! Palengkera talaga toh!

Napahawak ako ng mahigpit sa pole sa loob ng train at parang nanonood ako ng video karera na ang bet kong kabayo ay si flat chested,

“bilisan mo! Bilisan mo!” bulong ko sa sarili ko

“Ay! Ang gwapo naman niya!” narinig kong may nagsalita sa likuran ko

“Tara picturan natin, kyaaa!” sabi nung malanding babae

Tsss. Araw araw nalang may ganitong eksena, well, sanay na naman ako eh. Ganun talaga, wala akong magagawa, pogi ako eh. Pero sa totoo lang, ayoko talaga sa mga ganyang babae, ang lalande, malamang bobo pa yan. Tss. Sabihin niyo nang judge mental ako, pero kung matalino sila, mag sisilandi ba ng mga ganyan ang mga yan? Psshh

Naisalpak na ni flat chested ang card at naka pass na papuntang train,

Nanlaki ang mga mata ko at nakita kong pagod na pagod sya kakatakbo, haha, sagad talaga sa kashunga-an ang babaeng to. Salitang bakla diba? Nakakadiri man pero Ayun kasi yung salitang bagay sakanya, kasi shunga sya.

Magsasara na yung pinto nang nakapasok si flat chested at dahil nga shunga sya padapa sa sahig ang pasok niya.

Nakakahiya to!, dito pa sya pumasok, nakita nya kaya ko? Wag sana, nakakahiya eh.

“Oh yeahhh! Maabutan ko na ang ‘to the beautiful you!’ “ sabi niya habang masayang masayang sumisigaw. Nagtinginan yung mga tao sakanya. Wala ba talagang hiya tong babaeng to? Kelangan pa isigaw? Tsaka ang korni naman ng mga pinapanood nito, dapat national geographic ang pinapanood nito hindi yung mga love story na paulit ulit ang storya, korni.

Nag pagpag sya ng uniform at humawak sa pole sa tapat ko. Hindi masyadong puno yung train pero wala nang mauupuan.

“Ang korni mo talaga” alam kong narinig niya ako at humarap sya sa akin. Halatang nagulat ang skandalosa at nakita kong nag salubong ang kanyang mga kilay.

Hahaha! Heto nanaman ang pagka pilyo ko, nakakatawa talaga syang asarin, ultimong ‘korni’lang naburyong na.

“Pake mo. hmmp! Kung alam ko lang na nandito ka sana di nalang ako nakipag karerahan mahabol tong train na to!” nakanguso niyang sinabi.

Nakita ko naman yung mga babaeng malalandi kanina ay nakatingin sa amin. Mukang naiintriga sila kung bakit kami mag kausap ni flat chested at dahil demonyo ang tawag sakin ng flat chested na to, papanindigan ko na. haha!

“honey, bakit ka ba nagagalit sa akin? Bati na tayo?” nilapitan ko sya at niyakap sya mula sa likod.

Naramdaman kong pumipiglas sya.

“Ano bang problema ng mga kabataan ngayon? PDA sa loob ng train” narinig ko ang sinabi ng matandang nakaupo sa gilid namin at nahalata kong nakatingin yung mga tao sa amin. I’m loving this.

Sinisiko niya yung tiyan ko atsaka may binulong,

“gago ka! Btiwan mo ako kung ayaw mong masapak” nangangamatis nanaman ang mukha niya

“Wag ka na kasi magalit honeeyyy~~ pleassse?? Ipagluluto mo ako mamaya ha?” pang aasar ko sakanya. Tae! Gusto ko talaga tumawa sa reaksyon niya!

“Anak ng tinapa ka namang demonyo ka! Nasa train tayo! Pa honey honey ka pa jan! kadiri!!! At hindi kita typeee!!! Bitiwan mo nga ako!!” itinutulak niya ako palayo pero mahigpit ang hawak ko sakanya

“honey naman eh” sabi ko

“May girlfriend napala sya” sabi nung babaeng malandi

“Oo nga, pero you think na bagay sila? I don’t think so, mukang yaya yung girl, hindi sya maganda” tss. Sabi na eh! Bobo sila, nag bubulungan ba sila? Eh kasi rinig na rinig namin. For sure narinig din ni flat chested yun.

naramdaman kong parang nanlumo yung katawan ni flat chested

“Bitawan mo nga kasi ako! Demonyo ka talaga sa buhay ko!” galit niya, naku, mukhang seryoso na siya, pshh, pake ko ba? Haha, ang cute niya talaga pag galit, mukang German shepherd.

Nagulat ako nung nilapitan ni flat chested yung mga babae,

“Hoy! Kayong mga babae kayo! Hindi ba kayo tinuruan ng nanay niyo na kapag nag tsitsismisan kayo, huwag niong ipaparinig sa tsinitsismis niyo?! Mga epal kayo! At FYI! Hindi ko boyfriend ang demonyong yan, hindi ko sya type! Kung gusto nio, sainyo na! at kung mukang yaya pa ako, ano pa tawag sa mukha nio? Alipinng sagigilid?! Tsss!” aba, walang hiya talaga ang babaeng to, biruin mo? Nag skandalo sa train? Baka Ma-AMALAYER to ah.

Buti at wala namang nag vivideo sakanya at nakatulala lang ang mga tao sa eksena. Wala namang sinabi ang mga babae at saka naman humarurot paalis si flat chested at saka bumaba sa next station. Ibang klase din ang babaeng yon, haha!, sa lahat ng nakilala kong babae, sakanya ako pinaka nagka interes.

つづくTo Be Continued!  (*m)

Demon Meets Shunga GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon