Kapitel 37

2.1K 55 0
                                    

SIEBENUNDDREIßIG~~

Elie's POV

Nandito kami ngayon sa loob ng bahay habang nakaupo sa harap nila Auntie at Marie, pagkatapos kasi ng nakakagulat na rebelasyon ni Psycho ay seryoso kaming pinasunod ni Auntie sa loob at doon namin nakasalubong si Marie at sinabi ni Auntie kung ano ang sinabi sa kanya ni Psycho kaya nasa hot seat kami ngayon

Mga 10 minuto na atang walang nagsasalita sa amin at lalo lang yung nakakadagdag sa tensyon di ko tuloy mapigilang kabahan

'Humanda ka talaga sa akin mamaya' mindlink ko kay Psycho pero lumingon lang siya sa akin at ngumisi, naku! Masasakal talaga kitang lalaki ka!!!

"Well...pwede bang malaman kung kailan pa nag-umpisa to?" Basag ni Marie sa katahimikan, hindi ko naman alam ang isasagot ko dahil si Psycho naman ang gumawa ng gulo na to

"Ano!? May balak ba kayong sumagot o ano!?" Mukhang mainit talaga ang ulo ni Marie

"We've been dating for a month now" sagot ni Psycho kaya napalingon ako bigla sa kanya

"A month!? At ngayon mo lang sinabi sa amin to?!" Alangan naman kasi na basta-basta na lang akong lumapit sayo at sabihing kasal na ako sa lalaking di ko pa gaano kakilala! "Kaya naman pala kakaiba ang mga ikinikilos mo nitong mga nakaraang araw! May itinatago ka na pala!!" Well actually mula noon palang naman may itinatago na ako sa inyo...

"Siya kasi ang unang Boyfriend ko kaya hindi ko alam kong paano sasabihin sa inyo" sa ngayon sasakyan ko muna ang kalokohan ni Psycho

"Hmp!" Mukhang duda pa rin siya ah "Ikaw naman sino ka ba? Parang nakalimutan mo atang magpakilala sa akin?!" Masungit na tanong ni Marie

"Oh! Sorry about that, I'm Cyan Adalbert Diederich, sorry for the late introduction" pagpapakilala uli ni Psycho, sabay naman kami nagulat ni Auntie ng biglang mapahampas sa    coffee table si Marie at gulat na nakatingin kay Psycho

"D-Diederich?! As in 'That' Diederich?! The C.E.O of the world-wide known Diederich Corporation!?" Huh?! Kilala niya rin si Psycho?! Pareho pa sila ng reaksyon ni Zeke kanina, naku-curious tuloy ako kung gaano ba talaga kasikat to si Psycho?

"Yes it was me" confident na sagot ni Psycho na mukhang hindi rin na-bother sa reaksyon ni Marie, mukhang madalas niyang nakukuha ang ganitong reaksyon

"That's Unbelieveable!!! G-give me a proof then! Bigyan mo ako ng pruweba na ikaw talaga ang C.E.O ng Diederich corp." hindi pa rin talaga makapaniwala si Marie si Auntie naman ay hindi na maintindihan ang nangyayari

"I do have my Bussiness card here" inilabas ni Psycho ang wallet niya at bumunot doon ng isang card na inabot niya kay Marie na agad ding tinaggap nito "And If you would like to I can personally give you a tour to my company, if that can also prove my Identity" napasalampak na lang ng upo si Marie habang nakatingin sa bussiness card ni Psycho, hindi pa rin ata siya makapaniwala

"Ano bang nangyayari!? Anong ibig sabihin niyan Marie?" Hindi na yata matiis ni Auntie na manahimik at nagtanong na kay Marie

"Ibig sabihin lang nito Ma ay nasa harap natin ngayon ang isang multi-millionaire" sagot ni Marie kay Auntie, ok! Officially out of place na ako sa usapan na to...

"Kaya pala una palang iba na ang pakiramdam ko sa lalaking ito" bulong ni Auntie atsaka lumingon kay Psycho

"Maitatanong ko lang, paano mo ba nakilala ang pamangkin kong ito iho?" Tanong ni Auntie

"I first saw her in a bar,she instantly piqued my interest and at that moment I knew that she's someone I wouldn't want to lose so I decided to know everything about her and finally I got the courage to aproach her, it has been a long and hard courtship but still in the end she finally agreed to be with me" half lies, some truth...

The White Queen(On Going Major Editing)Where stories live. Discover now