Chapter 40: What should I do?

3.4K 85 22
                                    

Chapter 40: What should I do?


MIKA'S POV

"MYGOD! Bakit ba kailangan ako pa yung gumanap dun sa tragic story na yun?! AND F-Y-I what does it have to do with my forbidden love? Ako lang ba yung taong may ganung klaseng drama? Saka bakit si Denden pa? Pwede namang si Bang o Gretch o Laura o kung sino mang pwede sa room natin! BAKIT SIYA PA! BAKIT? GOD! OKAY NA KO EH.. OKAY NA EH. UGH!"

Eto nanaman si Aly. Simula nung araw na inassign siyang maging bida dun sa play lagi na siyang nag rereklamo. Kesyo daw bakit siya eh madami naman daw pwede, bakit pa daw siya pumayag, bakit daw si Ella yung gumagawa ng plot, bakit daw si Denden.

Hindi ko na nga alam kung matatawa ako o maiirita kasi paulit ulit siya. Pero siyempre pinili ko na lang ang matawa. Hinde ko rin siya masisise kung bakit sa akin na siya madalas mag vent, masyado na kasi kaming close.

Umaabot na kami sa point na nag kakatablahan na kami dahil sobrang close na at sanay na kami sa ugali namin. Of course alam naman namin yung limitations namin.

"MIKA! Are you still there? Hello?"

"Yep. Hay nako Aly. Siguro tadtad na ng wrinkles mukha mo ngayon no? Nasan ka ba?"

"HEY! I don't have wrinkles. Anyway, nasa bahay ako ngayon. Ngayon ako nagpaschedule mag pa grad pic remember?"

Oo nga pala, nakalimutan ko yung mahiwaga niyang schedule. Feb 9 - grad pic. Akala ko pa naman din isa siya sa mga katulad kong kunwari lang inaayos yung schedule.

Dahil kaming dalawa ni Alyssa yung last na magpapapicture sasabay na ako sa kanya kasi lahat sila tapos na.

Naisipan kong paiksian yung buhok ko.. as in maiksi, hanggang leeg lang. Hindi na siya lagpas balikat ngayon. Wala lang gusto ko lang i-surprise sila Aly. Para naman din maiba yung itsura ko. Mahaba rin halos buhok ko nung grade school pic eh.

Grade 7.. haha those were the days. Wahaha grade 8 sila Bang nun! Palibhasa mga oldies na eh. Haha yabang ba? Hanggang grade seven lang kasi yung sa school ko dati, eh dito sila sa Ateneo Academy nag simula eh, kaya ayan, late na nga nagaral naggrade 8 pa. Talo pa namin nila Aly at Fille.

"HEYYY! NANDYAN KA PABA?!" tinanggal ko sa tenga ko yung cellphone dahil sa lakas ng boses niya. Hay nako. Ayan na naman po siya. "Bakit hindi ka nag sasalita?!"

"Alyssa."

"Oh?" parang naiirita yung tono ng pag tanong niya.

"Gusto mo bang.. sunduin na kita dyan?"

"Hey... You don't have to.." biglang naging mahinhin naman ngayon yung tono.

Eto na naman ako. Bigla biglang humihirit! Minsan hindi ko mapigilan yung napakagaling kong bibig eh! Hindi ko naman pwedeng pabayaan na lang na ganito yung nangyayari kasi baka mabigla siya tapos layuan niya pa ako..

"Fine.. Oo nga pala, teacher's day ngayon so chill lang tayo after ng lunch break. Sa gym tayo nun." sabi ko ng maayos.

"Intayin mo na lang ako sa may lounge mamaya, is that ok with you?"

"Do I have a choice?"

"None. Oh. I have a surprise for you.. I'll see you later ok?"

I hate her because I love her (AlyDen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon