Chapter 38: "Game 2"

Start from the beginning
                                    

Pumunta kami ni mamy sa salas.

"hi boys" sabi ni mamy, tapos kiniss niya si kuya Jurmaine at si Justine.

"nag-bake ka ma?" masayang tanong ni kuya tapos kiniss niya ko sa forehead.

"oo, andun sa kitchen counter, mag merienda muna kayo tapos magpeprepare na ko ng dinner huh?" sabi ni mom.

pumunta naman si kuya tsaka si Justine sa kusina. sumunod ako.

dalawa yung bowls dun, yung isa, gawa ni mamy, tapos yung isa gawa ko.

kumuha si Justine dun sa gawa ko.

"try that anak, gawa ni Jusmine yan" sabi ni mamy.

napatigil siya tapos binalik niya yung coockies. "I'll pass ma, tawagin niyo nalang po ako pagkakain na tayo ng dinner" sabi niya tapos nagtago ako para hindi niya ko Makita kasi papunta siya sa way ko.

"galit pa din siya?" tanong ni mamy kay Kuya.

nagshrug lang si kuya.

bat ganon? ganon ba talaga siya ka galit sakin? para pati pagkain niya idamay niya? naiiyak ako. galit nga talaga siya saken.

[Justine's POV]

tumingin ako sa orasan ko.

"12:15"

YEEEES! tumayo na ko. Thank you at alas dose na. dinikit ko muna yung mga tenga ko sa pinto. tahimiiik naman. Clear!

binuksan ko ng onti yung pinto at tumingin sa kaliwa at sa kanan. madilim na, tulog na nga sila.

dahan dahan akong bumaba at nagpunta sa kusina. hinanap ko yung coockies, nasan na ba yun? yung gawa ni Jusmine?

tinignan ko sa counter. wala.

chineck ko din sa refrigerator. WALA.

asan na ba yun?

"looking for these?" biglang lumabas si momy dala dala yung coockies.

"n-no, I-I'm h-hungry... and I want to grab something to eat" sabi at tumalikod na ko. 

"look, i know you're still angry at Jusmine, kasi napagalitan ka ng dad mo, but she's really sorry anak" 

humarap ako kay mamy at umupo sa counter. "ma, hindi ako galit sakaniy a kasi napagalitan ako, galit ako sakaniya, kasi parang okay lang sakaniya na bumalik ulit si Allen, which is alam naman natin kung paano siya sinaktan nung gagong yon, ayoko lang naman na masaktan siya ee" I sighed. 

tumabi sakin si mamy. "i know, because she's your sister, pero sana anak, kung ano mang piliin ng kapatid mo, respetuhin natin, because I know whatever or whoever she chose. alam kong magiging masaya siya"" nilapag niya yung coockies sa harap ko. "so for now, I know your dying to taste this, kaya wag ka ng umarte at tikman mo na" sabi ni mamy. 

i smiled and taste it, it taste great. "she cooks better than you mom" I teased. 

"I know, because she's younger and she's like me" mom said. 

and we both laugh. 

"mom, I gotta tell you something" 

[Jusmine's POV] 

Its saturday. so its game 2, hopefully everything will be good. sana makapaglaro si Allen. 

lumabas ako ng kwarto at nakita ko si mamy at dady na kumakain na ng breakfast. 

"good morning po" I said and kissed both of them. 

"good morning baby, go and eat breakfast na" sabi ni mom. 

"ma, asan si kuya at si Justine?" 

"umalis sila ee. sabi nila we'll just met them their" sabi ni mamy. 

medyo nadisappoint naman ako, ayoko sanang maglaro si Justine na may sama ng loob saken, I want everything to be okay between us, kasi ramdam ko naman na hanggang ngayon ee mainit pa din yung ulo niya saken. 

mabilis lang naman yung oras, kaya maya maya, papunta na din kami sa araneta. siyempre court side kami sa side ng ateneo, nakita ko naman agad si Allen, he waved at me and smiled. ganun lang din yung ginawa ko, maybe by this time, alam na niyang kinausap ko si coach. napatingin naman ako kayla Justine, and he was looking at me, nung nagkatinginan kami, he look down. 

shets naman oh. I hope he'll play fine.

[Justine's POV]

pagkatingin ko sa court side nakita ko na sila mamy, kaya agad ko namang tinignan kung nasaan si Jusmine, I saw her wave and smile, agad kong sinundan kung para kanino yon.

para kay Allen.

Fuck, ansakit sa dibdib, bat ganon? bat parang ako lang yung nasasaktan? siguro tama nga yung disisyon na ginawa ko, na lumayo muna. halata naman na MU ako ee. Magisang umiibig, siguro hangga't hindi pa malala to, kasi alam kong sa dulo ako lang ang masasaktan, kasi alam ko namang mahal nila yung isa't isa ee.  

tumingin saken si Jusmine, agad kong iniwas yung tingin ko, ayokong makita niya kong nasasaktan. hayy.

"bro, okay ka lang?" tanong sakin ni kuya.

Nag nod lang ako. 

"this is not your 1st game okay? this is our last game for this season, so kaya na tin to okay?" sabi ni kuya with a relieving smile. 

"oo kuya last na natin to" 

[Jusmine's POV] 

"ano bang nangyayare kay Justine?" naiinis na tanong ni dad. 

"I know, this is different from his other games, bat siya nagkakaganito?" tanong din ni mamy. 

"don't worry ma, 1st half palang naman po ee" sabi ko. 

mom held my hand and squeeze it. "sana nga. I think something's bothering him" sabi ni mamy. 

I sighed. Justine ano bang nangyayari sayo? bakit hindi mo inaayos yung laro mo? ako ba? ako parin ba yung may kasalanan? 

36-22 yung score in favor of UST, highest pointer nila si Allen. sa team naman ng Ateneo si kuya yung highest pointer. nag buzzer na para sa Half time. tumayo agad ako. "ma, kausapin ko lang si Justine" sabi ko. 

momy smiled and nodded. 

pumunta akong dog out nila at nakita ko agad si Justine, siya yung pinaka huli na papasok. hinatak ko siya ng medyo malayo, buti nalang at nagpapahatak siya, dahil kung hindi, ang bigat nito. ng alam kong malayo na kami sa dog out huminto na ko. 

hindi ko napansin at bigla nalang tumulo yung luha ko. "ANO BA? ANO BANG GINAGAWA MO? BAKIT HINDI MO INAAYOS YUNG LARO MO?, DI BA NAGSSORY NA KO SAYO? BAT KASI ANG TIGAS TIGAS MO?, BAKIT HINDI MO KO MAGAWANG INTINDIHIN?" 

humarap ako sakaniya at nakita ko siyang nakangiti ng malungkot, lumapit siya sakin at pinatt niya yung ulo ko, "sorry aa, ito lang kasi yung nakita kong paraan para magalala ka saken, para ako naman, ako naman yung intindihin mo... hindi ko alam na masasaktan ka pala sa ginagawa ko" inangat niya yung ulo ko at nagkatingin kami sa mata. 

DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG

he held my face... and smiled bitterly. "last na to, promise..." he kissed me. 

DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG 

it was a quick kiss a romantic one I might say. 

tumalikod siya. "aayusin ko para sayo... for the last time" 

he walked away and left me there. 

that's when I found out... 

I love Justine. 

*End Of Chapter* 

Just Inlove [Slow Update & Editing]Where stories live. Discover now