Simula

253 10 5
                                    

Watching the sea from a far was cooling my mind. The sea was like a rippling blanket of brochure-blue. Squabbling seagulls flew overhead, harassing the beachgoers in their endless hunger. Gannets were dive-bombing the stretched surface of the sea far out from shore.

The horizon was edged with a silver tint and a cormorant was flying into that place where sun and water meet. His wings were a blur of motion and he soon faded from sight.

"Yel!" Boses iyon galing sa aking kaibigan.

"Speaking of the devil," tumatawang sambit ni Joy nang makalapit ako sa cottage nila.

"What now?"
Nagtawanan lamang sila sa naging tanong at reaksiyon ko.

"Kanina pa kayo?"
"Kadarating lang din nila," sabay nguso ni Princess kay Joy at Neverlyn. Tumango ako at umupo na sa isang tabi.

Hindi nagtagal ay nagsitakbuhan na sila sa dalampasigan habang ako ay naiwang nakabantay sa cottage.
Almost after 2 months, ngayon lang ako ulit sumama sa mga lakad ng barkada. Minsan lang din ako kung pumasok sa coffee shop.

"Ayaw mong maligo?" Tanong ni Neverlyn at sumilip sa aking mukha habang nagpupunas ng kanyang buhok gamit ang dala niyang tuwalya.

"I don't want to," ngumiwi lang siya at hindi na muling nagsalita pa. Medyo maingay ang paligid sa dami ng taong nakikita ko. Ang katabi naming cottage ay puro lalaki ang naroon.

"So, aren't you going to share something to us?" Himutok ni Joy na kakaahon lang galing sa dagat kasama si Princess. Tumahimik ako at saglit na bumuntong-hininga.

"Simula nang ika'y mabuntis ay halos nangangapa na kami para lang makita ka," napalakas ang boses ng isa sa aking mga kaibigan, kaya tumingin ako sa katabi naming cottage, ang iilan sa lalaking naroon napatingin sa direksyon namin, lalo na iyong isang lalaki na titig na titig sa mukha ko. Mariin akong napapikit at binalingan ang aking kaibigan.

"Lower your voice, Joy," seryosong saway ni Neverlyn. Nagtakip ito ng bibig at tahimik na umupo sa tabi ko.

"I'm upset," malungkot kong usal at sinuklay ang buhok gamit ang aking mga daliri. All their eyes focused at me.

"For what?" Neverlyn asked like she doesn't have any idea.

"Masama 'yong loob ko sa aking sarili. I pitied myself, so much," mapakla akong ngumiti at tiningnan sila isa-isa. Ang mga mata ay nakatuon sa akin at naghihintay sa susunod kong sasabihin.

"Nabuntis ako... Nabuntis ako ng lalaking hindi ko kilala," umusbong ang galit sa aking sarili nang sambitin ko ang katagang iyon.

Bahagyang gumalaw sa pagkakaupo si Joy at hinawakan ang aking palad. Giving me a courage to tell them what's  bothering me the most.

"Ang lalong nagpapasama ng loob ko, iyong walang naging kibo ang aking pamilya tungkol sa aking pagbubuntis. Umasta silang parang hindi disgrasyada ang anak nila. I know to myself that they're disappointed. Disappointed din naman ako sa sarili ko. To think that I want to leave this world," puno ng paghihinagpis kong saad sa mga ito. Ramdam ko ang panunubig ng aking mata ngunit pinipigilan ko ang maluha sa harap nila, hanggat kaya ko.

Napatingala ako nang may biglang humampas ng malakas sa aming mesa.

"Are you insane?! Tingin mo, anong mararamdaman namin kung mawawala ka? Tingin mo, magiging masaya ba 'yong parents mo? Tama na 'yong nabigo sila sa'yo, huwag mo na silang dagdagan ng problema. Naisip mo bang may isang buhay na mawawala kapag ginawa mo 'yon?" Pulang-pula ang mukha ni Neverlyn dahil sa inis. I know, I've gone crazy. Napaiyak na lamang ako  ng tuluyan at walang masabi. Siguro nga nagpadala lang ako sa aking emosiyon kaya ko 'yon naiisip.

Euphoria Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon