Chapter 17

67 7 0
                                    

I was talking to Neverlyn, letting her know that I can't go today. She understood, sa halip ay nagtanong pa ito kung ano ang nangyari sa lakad ko kahapon.

"Fine. Nag-usap lang kami ni Lester saglit and I had a dinner with Neil. Nothing happened so special," I played safe and I felt my cheeks are burning.

"Mabuti naman at nag-usap na kayo ni Lester. Oh, by the way, the girls want to meet us. Are you free tonight?" saglit akong napa-isip. Last night I was thinking about my friends and now they want a meet up . I want to say yes instantly, pero kailangan ko pang konsultahin si Neil tungkol dito. Baka lang kasi may balak siya para mamaya since nag-day off siya today.

"I dunno, yet. Tatanungin ko pa si Neil. Magsasabi ako sa inyo kapag tutuloy ako," pinal kong saad. Tumikhim sa kabilang linya si Neverlyn, hindi ko alam kung bakit, kung may naalala ba ito o sadyang mang-aasar lang.

"Oo nga pala, nasa iisang bubong kayo." I can imagined that she's smirking right now. "Text ka namin kung saan magkikita in case hindi ka busy, okay?" dugtong niya pa. Tumayo ako sa pagkakaupo sa kama at tinungo ang lagayan ng damit.

"Okay," tanging naisagot ko. Inilipat ko sa kabilang tainga ang cellphone at binuksan ang closet using my right hand para kumuha ng maisusuot kong damit. Pinauna kong pinaligo si Neil sa banyo kaya habang naghihintay na matapos siya ay nagawa kong tawagan ang aking kaibigan. And yes, dito ko siya mismo pinaligo sa kwarto.

"I gotta go, Yel. Basta later ha?"

"Oh yes. Ingat ka. Sorry kung lagi akong absent and thank you na din," I sometimes felt irresponsible sa business namin. Because of my issues ay napapabayaan kong mag-isa si Neverlyn sa cafe.

"Don't mentioned it. It's not a big deal for me tho. All you need to do is to take of yourself and the baby, that's it, so I can be at peace," napahinto ako sa paghahalungkat sa aking damitan. I'm touched and made my heart skip a bit.

"Sige na, masyado na kitang naabala. I love you," napangiti ako nang tumawa ito sa kabilang linya bago nagbitaw ng I love you too.

I sat at the edge of the king sized bed when Neil's phone rang. Nasa mesa iyon nakapatong. Pinabayaan ko iyon at hindi na lamang pinansin ngunit muli itong tumunog. Sa pag-aakalang importante ang tawag na iyon ay tumayo ako at lumapit upang matingnan kung sino iyong tumatawag. I've read the name flashed on the screen.

Shiela.....

Umikot ang mata ko bago iyon sinagot. Alam kong hindi tama ang mangialam ng gamit gayunpaman ay baka may sadya ito.

"Neil." I heard her said that in a sweet voice. Muli ay umikot ang mata ko. Hindi naman siya hipokrita ano? Two faced woman.

"He's in the bathroom. You can tell me kung ano iyong sadya mo, iyon ay kung gusto mo o kaya'y sasabihin ko na lamang sa kanya mamaya na tumawag ka kapag tapos na siya." Seryoso kong saad. Wala akong narinig na ingay mula sa kabilang linya ng ilang segundo. Akala ko ay naputol na ang tawag but I heard her cleared her throat.

"Just tell him that I called. There's something that you don't need to know. Bye!" Nagngingitngit ako sa galit nang binabaan ako nito ng tawag at hindi man lang ako pinagsalita pa.

Pabagsak kong binalik sa mesa ang cellphone at tumahimik na lamang. Gigil niya ako to the highest level.
And what? Something that I shouldn't know?

Tumunog ang pinto ng banyo, pinulot ko ang damit na kinuha ko kanina sa closet at naglakad papuntang banyo.

Kumunot ang noo ni Neil nang tahimik ko siyang nilagpasan ngunit binaliwala niya lang iyon. Bago tuluyang pumasok ay nilingon ko siya.

Euphoria Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon