Chapter 1

364 31 7
                                    

Nagsimula akong humakbang patungo sa altar. Pinasadahan ko ng tingin ang kabuuan ng lugar, malaki iyon at maganda ang pagkaka-disenyo ng wedding planner. Mga taong magiging saksi sa pag-iisang dibdib na magaganap ngayon ay makikita sa kanilang labi ang matatamis na ngiti maliban sa akin, na animo'y hindi mo mawari ang ekspresyon sa aking mukha.

Nagpatuloy pa rin ako sa paghakbang.

"The Bride is here!" Sigaw mula sa bukana ng simbahan. Bumukas iyon at lahat ng atensiyon ay nakatuon kay Jane. Agadan akong umupo nang aking marating ang pwesto ko sa harap.

The Bride slowly walked down in the aisle. Malayo man ay nababakas sa galaw nito ang saya. Lester is smiling too, he looks more handsome on his tuxedo.

Their wedding song played.
Matapos ang kanta ay siya ring pagdating ng Bride sa harap ng mapapangasawa.

"I love you," ani ni Lester at hinalikan ang kabiyak sa noo at kinuha ang kamay nito upang i-pwesto sa kanyang braso.
"I love you too," maluha-luhang wika ni Jane.

Bumagsak ang luhang pinipigilan ko simula pa kanina ng ako'y nagpunta rito.

"Ok lang 'yan, bunso," pag-aalo ni kuya sa'kin at hinimas ang aking likod. Hindi lingid sa kaalaman niya kung ano ang tunay kong nararamdaman para kay Lester.

Tahimik akong umiyak, siguro iniisip nang ibang taong nakakakita sa'kin na dulot lamang ito ng kasiyahan at nagkakamali sila doon.

"Shhh, please be happy for the sake of your bestfriend," inangat nito ang aking mukha at bahagyang ngumiti sa'kin bago nito pinunasan ang luhang nahulog mula sa aking mga mata.

"I am happy, kuya. Happy yet so sad. Kaya hindi ko mapigilang umiyak," tanging naisagot ko at umayos sa pagkakaupo.

How did this happened to me? The man I love the most ay ikakasal na. I wiped the tears on my cheeks one more time and watched them, eventhough my heart is broken into pieces. You think I'm a masochist? Maybe yes, ayaw ko lang biguin ang bestfriend ko. Special day ito para kay Lester--my childhood bestfriend.

Lester, the guy who taught me how to love. The guy who's beside me in a good and bad times. The guy who treated me like a princess way back time that he didn't meet his wife now. When he met Jane, I felt like I've got replaced in his life. We didn't bond like we used before. And suddenly I've realized that I love him and it was one sided love.

How could I tell Lester, that I love him when he was so happy with his girlfriend? Who would dare to do that? Yes, love is one of the most valuable feelings that we've been felt but, friendship is the most.

Magagawa mo pa bang umamin kahit alam mong may mahal na itong iba at hanggang kaibigan ka lang? Of course I'd choose not to and stayed at his side as a bestfriend.

"I pronounce you as a Husband and Wife!" The priest said. Hindi ko man lang namalayan na magtatapos na pala.

Nagsitayuan ang mga taong naroon, kasali na ako upang pumalakpak. Humarap ang bagong mag-asawa na may ngiti sa labi.

Masayang kumaway sa direksyon ko si Lester. I sighed and mouthed 'congrats' he just smiled at me.

Masaya akong masilayan kang nakangiti kahit puso ko'y puno ng pighati at gusto ng sumabog dahil sa sakit. Nasasaktan akong tumingin sapagkat ika'y papalayo na sa'kin at hindi na tayo magiging tulad pa ng dati. Ang mga ngiti mong matagal ng nakakubli, ngayo'y nasilayan kong muli kahit hindi ako ang iyong minahal.

Euphoria Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon