Chapter 18

73 9 0
                                    

Tanghali na nga nang dumating si Neil. He seems fine. Nasa usual self naman siya. Naging maayos siguro ang nilakad nito.

He's wearing his black t-shirt and faded blue jeans. Sa simpleng damitan nito ay lumulutang pa rin ang taglay nitong kagwapuhan.

I prepared the question I would refer to him earlier pero ngayong magkaharap kami sa mesa ay nanahimik na lamang ako.

I don't want to ask him in front of the foods. Besides, why do I care so much kung saan siya galing? I was being paranoid again. At naiinis ako sa aking sarili.

After we ate lunch I went to the room. Sumunod din naman si Neil sa'kin.

"Nag-ayang lumabas 'yong mga kaibigan ko," sabi ko dito at umupo sa dulo ng kama.

"Saan daw? Anong oras?" Tanong pa nito sabay sarado ng pinto.

"I dunno where, maybe sa bar?" Hindi sigurado kong sagot. Wala pa kasi akong natanggap na text galing sa  mga kaibigan ko kung saan ang lakad mamaya. Kumunot ang noo ni Neil at bahagyang naglakad, ngayon ay nasa harapan ko na siya. Tumingala ako upang matingnan ang kanyang reaksiyon. There's a part of me na tanungin siya kung saan ito galing kanina pero mas nangingibabaw sa'kin ang pag-asim ng mukha niya. It means, hindi siya natuwa sa naging sagot ko.

"Bar? Not healthy for you." Umirap ako sa kanya samantalang siya ay sobrang seryosong nakatitig sa'kin.

"They might book a VIP room, Neil. Do you think they'll allow me to join them if it's dangerous for me and for my health? No way."
He sighed because of frustrations. He must really be frustrated.

"Ok. I'll go with you. Para siguraduhing hindi ka iinom doon." Napaawang ang aking labi. I surely won't drink unless it's juice.

"Akala naman nito iinom ako," I murmured.

"Baka hindi mo alam, nakita kitang umiinom sa birthday ng kaibigan ko,"  walang bahid ng kung anong tuwa ang boses nito. Of course he might be not happy of what I did.

Hindi naman 100% contents of alcohol 'yong ininom ko sa birthday ni Yuan. Pero mabuti na rin talaga't naawat ako ni Frank sa gabing iyon. Kung hindi, baka si Neil pa mismo lalapit sa'kin at awatin ako sa pag-inom. Well, hindi na mauulit iyon.

"By the way, saan ka nagpunta kanina?" Patay malisya kong tanong dito. I've tried my best not to clench my jaw. Stay calm, I take note that at my brain.

"May pinag-usapan lang kami ni Shiela. Bakit?" Halos mag-abot na ang kilay nito at ang noo ay nakakunot. Akala ko pa naman magsisinungaling ito but suddenly I feel at ease. Slightly contented of his answer.

"Nothing. Just asking." Hindi na sko muli pang nagsalita at ganoon din siya pero may sumilay na ngiti sa labi nito nang lingunin ko. Prente itong nakaupo na sa kama, sa tabi ko. Umirap na lamang akong muli sa kanya upang maibsan ang pagkahiya. He might think that I'm jealous but I am really, actually.

"I'm bored. Ikaw kasi, dapat nasa cafe ako ngayon tumutulong kay Neverlyn," ngumuso ako dito. Natawa naman ng bahagya si Neil. Sinisisisi ko na nga siya, nagawa niya pang tumaya ngayon. Huwag naman sana masyadong ipahalatang good mood siya dahil alam kong may kinalaman iyong tanong ko sa kanya kanina kung ba't ito masaya ngayon.

Tumayo ako at naglakad papuntang bintana.

"You want to go somewhere?" Napalingon ako sa puwesto ni Neil.  Where is that somewhere? Sa mall? Nah, I'm not really into shopping. Sa bahay? Sigurado namang wala roon ang pamilya ko dahil ordinaryong araw ngayon at tiyak na may trabaho at lakad sila.

Ayaw ko din namang manggulo sa bahay nina kuya Sam. So, I have nowhere to go. Better to be here at home, I guess.

"Wala akong mapuntahan." Maikli kong sagot dito. Kung nasa Paradise lang ako ngayon tiyak na nasa dalampasigan na ako naglalalad-lakad kahit mainit.

Euphoria Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon