Chapter 4

151 26 0
                                    


"Joy, for Pete's sake, I'm tired. Aren't you?"
To my dismay ay tinawanan lamang ako nito. Lalo tuloy akong nayamot. Kahit kailan talaga may sayad ito kapag nagkataon.

Kasalukuyan kaming laman ng boutique ngayon. Sinamahan ko lamang si Joy upang mamili ng kanyang masusuot sa party na dadaluhan. Ewan ko ba marami naman itong damit na hindi pa sinusuot pero mas pinili niya talaga bumili ng bago.

"Punta lang ako sa restroom," hindi ko na hinintay ang sagot niya at lumipad na ako patungong restroom nitong boutique.

Pagpasok kong cubicle ay tumingin ako sa salamin.
Gosh! Mukha akong sinabunutan ng ilang bruha. Bahagya kong sinuklay ang nakalugay kong buhok gamit ang aking kamay at inayos saglit ang mukha kong bugnot na bugnot na.

Dali-dali akong lumabas roon matapos kong magbawas ng tubig. Alam kong nayayamot na ngayon 'yong babae sa kakahintay sa'kin.

Tumunog ang cellphone ko sa bag, kaya huminto ako saglit upang dukutin iyon.

Si Joy iyong tumatawag. Umirap ako sa hangin bago ko sinagot ang tawag niya.
"Yes, hello?"

"Where are you?" Naiiritang tanong nito sa kabilang linya. I can imagined that she rolled her eyes right now. My poor friend,.
I checked my wristwatch, 10 minutes pa lamang akong nawawala.

"Are you kidding me? 10 minutes pa lang akong nawawala! Besides pabalik na ako riyan."

"Bilisan mo!" Bulyaw niya sa kabilang linya. Ngumuso ako at bumuga ng hangin, dahilan upang humawi ang iilang buhok ko na naglandas sa aking mukha.

She's impatient! I used to be very impatient too but I mellowed over time.

My friend is so unbelievable!

"Oo na! Babaeng 'to,"
ibinalik ko sa bag ang cellphone at nagsimulang naglakad muli nang may nabunggo ako.

"Aray!" Daing ko nang ako'y napasubsob sa dibdib nito.

Humarap iyong nabunggo ko. Muntik na akong mapaatras nang makilala ko iyon, Lester!

"Yel!" Halatang nagulat din ito nang ako'y makita ngunit ang pagka-gulat na iyon ay agad napalitan ng ngiti. "Long time no see." Dugtong nito.

"Y-yeah," I cleared my throat.

"What are you doing here?" I asked and I managed myself not to stammered.

"May pinadaanan lamang si Jane. Ikaw? I thought you don't really like this kind of stuff?" He knew it that Shopping's not my style. Paminsan-minsan lamang ako napapadpad sa ganitong lugar.

"Yeah, sinamahan ko lamang si Joy," nakangiting sagot ko.
"And speaking of her, she's waiting for me. If you don't mind, mauna na ako."

"Is that so? Sayang naman, I haven't seen you for a while. I missed you but, since your friend is waiting, you go ahead,"  He sounded sad at disappointed. I composed myself and smiled.

"Sorry, Les, gonna catch up soon. Send my regards to your wife," as I turned around, I took a deep breath. Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano siya patutunguhan ngayon.

Oo, matalik kaming magkaibigan pero sa ngayon hindi ko pa siya kayang harapin ng matagalan.

I haven't fully recovered. I need  vanish all the pain I felt because of my love for him.

Aaminin ko, medyo may nagbago sa hitsura niya, mas lalo siyang naging matured. I saw his facial hair, his hair style changed a bit. He's definitely a married man now. I can't help to feel bad at myself. Aside of my personal insecurities, I am reassured that he's fine.

Euphoria Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon