Chapter 9

120 24 0
                                    

Hindi ko lubos akalain na sa ganitong pagkakataon pa kaming magkakaharap lahat. Ini-expect to naman talagang mangyayari ito but not so soon, ni hindi ko pa nga nasasabi sa aking magulang ang tungkol kay Neil.

Natapos ang hapunan ng matiwasay at nakahinga ako ng malalim.

I excused myself at nagpunta sa bakuran ng aming bahay. Maliwanag iyon dahil maraming ilaw na nakapalibot. Umupo ako sa upuang gawang bato at pilit na iwinaksi ang pangyayari ngayon.

Hinagod ko ang aking mukha gamit ang aking palad. May iilang butil ng pawis ang naroon marahil sa tensyonado ako buong oras habang nasa harapan nila.

Malaya kong ipinikit ang aking mata upang kumalma.

"Gabi na ba't nandito ka pa sa labas?" Marahas kong minulat ang aking mata upang tingnan siya ng masama. He is standing in front of me with his dark eyes,  kanina lang ay tumatawa at ngumiti ito sa hapag.

"Gusto ko lang magpahangin," umiwas ako ng tingin dito. Rinig ko namang huminga ito ng malalim.

"Hindi mo pa nasasabi sa magulang mo?" Hindi niya na kailangang sabihin kung ano ang nais niyang ipahiwatig dahil nakuha ko kaagad kung ano ang nais niyang mangyari.

"Don't you dare to lay your finger in my business," banta ko dito at pinukulan siya ng matulis na tingin.

He gritted his teeth at mas lalo pang tumigas ang tingin nito sa'kin.

"Huwag mo lang masyadong patagalin, Yel,  if you don't want me to tell them," I was thinking aback because of what he say.

Saglit akong nag-isip. May pagrirebelde man akong nararamdaman at pinakalma kong muli ang sarili. There's no use to argued him. 

Humangin ng malakas kaya napayakap ako sa aking sarili. Namataan ko siyang hinuhubad ang itim niyang tuxedo coat at ipinatong iyon sa balikat ko. Inayos niya rin ang buhok kong nagkalat buhat sa ihip ng hangin.

"Hard headed." I heard him uttered that word. He let out a deep sighed and sat beside me.

Lihim akong napamura. Naroon ang kaba sa aking dibdib ng ako'y bumaling kay Neil. Simpleng nagtama ang aming mata. Malamlam ang titig nito ngayon saka ako bahagyang nginitian.

I can feel my heartbeat run so fast, para akong hihingalin sa lakas ng pintig nito. I suddenly felt the unusual feeling within me. 

It's a feeling that totally new.

"Call me kapag nakausap mo na magulang mo. I need to talk to them too," I glanced his face, he is looking far away like he was thinking of something.

"Why are you looking at me like that?" Nahuli niya akong nakatingin sa kanya. Patay malisya akong umiwas ng tingin dito.

"Nothing," maikli kong sagot. Is this really happening? Or am I just dreaming? Bahagya akong natulala sa kanya dahil na-amazed ako dito. He is somehow responsible that I didn't even imagine.

Ilang saglit pa kaming nanatili roon, tahimik at walang nagsasalita tila pinapakiramdaman ang isa't isa. For the second time, pinapasok niya na ako sa loob dahil lumalamig na talaga sa labas. Gustuhin ko man ang manatili muna roon saglit ay sinunod ko na lamang kung ano ang gusto niyang mangyari.

Nauna akong naglakad papasok ng bahay habang nakasunod naman siya sa'kin. Naabutan naming nag-uusap ang mga matatanda sa sala kasama si Kuya Kael. Saglit na napukol ang mata ni Kuya sa'kin at sa likod ko.

Naging seryoso siya, ngunit saglit lamang iyon dahil hiningi ni Papa ang opinyon niya tungkol sa anuman ang pinag-uusapan nila.

Nagpaalam ang mag-amang Dreydon sa'min. Malapad akong ngumiti sa matanda nang bumaling ito sa'kin. Si Neil naman ay ngumiti sa mga magulang ko.

Euphoria Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon