Chapter 10

118 20 0
                                    

A night together.

Last night was one of the unexpected to me. Ang biglaang desisyon ni Papa na wala akong nagawa sa huli upang tumutol sa kanila.

Kulang ako sa tulog pero heto ako ngayon nag-aayos ng gamit ko. Balak kong huwag dalhin lahat ng damit ko dahil tiyak na matutulog ako dito paminsan-minsan.

Sumaglit ako sa banyo dahil nararamdaman ko ang hilab ng aking tiyan. Mom won't be there anymore kapag nasa bahay na ako ni Neil. Malungkot kong pinasadahan ang aking repleksiyon sa salamin. Nagmumog ako bago lumabas ng banyo.

Hinayaan kong hilain ng katulong namin ang maleta ko palabas ng aking silid.

Bitbit ang aking handbag ay muli kong nilingon ang silid ko. For almost 23 years kong ginamit ito. Dahan-dahan kong hinila ang pinto at sinara iyon. Deretso ako sa paglalakad ng walang lingon, dahil kapag ginawa ko iyon ay baka hindi ako makaalis ngayon at magkulong na lamang doon.

Mom and Kuya Kael was sitting in the couch.

"Nasa labas si Neil, hinihintay ka," salubong ni Mama sa'kin. Hinatid nila ako hanggang sa sasakyan ni Neil.

Habang pinapasok sa loob ng kotse ang maleta ko ay sinamantala ko iyon upang lapitan ang dalawa.

"Ma..." tanging nasabi ko at umiyak na. She hugged me tightly and telling me to stop crying, pero hindi ko magawa. I sobbed in her shoulder, I felt someone hugged me from my back. I'm sure it was Kuya. Mas lalo akong umiyak pilit na pinipigilan ang paghikbi.

"Shhhh dadalaw naman kami sa'yo lagi doon," pag-aalo ng aking Ina. Humiwalay sa yakap si kuya at ganoon din ako, Mom held my face and smiled at me.

"Nakapagdesisyon ang ama mo ng ganito dahil ayaw niyang may masabing masasakit na salita iyong ibang tao tungkol sa'yo at sa magiging anak mo. Papa loves you, tandaan mo 'yan. He wasn't there dahil ayaw ka niyang makitang paalis sa pamamahay na ito. Always take good care of yourself, okay?" Mahabang lintaya nito at pinunasan ang aking luha. Tumango-tango ako sa sinabi niya at pilit na ngumiti.

Humarap ako kay Kuya ngayon. Nakangiti ito pero batid namang hindi abot hanggang sa mata iyon. For these past years, isa siya sa kasama ko sa lahat ng aking kalokohan.

Yumakap ako sa kanya, bahagya naman siyang natawa sa'kin.

"Magkikita pa naman tayo, makayakap ka naman," mahina rin akong tumawa dahil sa naging wika niya.

Lumapit ako kay Neil na nakasandal sa kanyang sasakyan habang hinihintay na matapos akong magpaalam. Kinuha niya ang bitbit kong bag at pinagbuksan ng pinto sa front seat.

Lumingon sa kinatatayuan nina Mama, nakangiting kumakaway sila sa'kin. Ngumuso ako sa mga ito, hindi man lang talaga nila ako pipigilan.

Pumasok na ako sa loob, si Neil naman ang lumapit sa dalawa ngayon upang mag paalam. May sinabi pa sina Mama at kuya sa kanya ngunit hindi ko iyon marinig. Tumango-tango lamang si Neil bilang tugon sa mga ito.

Nang makapasok si Neil ay agad niyang binuhay ang makina ng sasakyan. Binaba ko ang bintana upang kawayan muli sina Mama, hanggang sa unti-unti ko nang hindi sila nakikita. Bumuntong-hininga ako habang tinataas ang windshield.

Tahimik ako habang nasa biyahe kami, sa labas ako ng bintana nakatingin.

"Hindi ako papasok sa trabaho ngayon para may kasama ka sa bahay, dahil mamaya pa darating iyong mga katulong," pambasag ni Neil ng katahimikan.

"Ayos lang naman ako kahit pumasok ka ng trabaho. Gusto ko ring pumasok sa cafe ngayon." Hindi makatinging sagot ko sa kanya.

Ni isa sa mga kaibigan ko ay walang nakakaalam na aalis ako ng bahay ngayon. Simula pa kagabi ay hindi ko nabubuksan ang mga mensahe sa aking cellphone, mamaya na lamang soguro kapag nakarating na kami.

Euphoria Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon