Chapter 29. New Start

2.8K 66 4
                                    

Allyza's POV

''Anak, may naghahana sayo sa baba!'' Narinig kong kumakatok si Mama sa pinto.

''O-opo...'' antok na sabi ko. Sinu nanaman kaya yan. Hmp. Ke aga aga eh...

Bumangon na ko at dumiretso sa banyo saka naghilamos. Dala dala ko yung twalya ng bumaba ako para harapin kung sinu yung nandun.

Pagbaba ko ay alam ko na agad kung sino. Leather jacket, makintab at neat na buhok na nakasuklay patalikod.

Lumapit ako sa kanya. Naka patong ang mga siko niya sa mga tuhod.

''Oh? Aga mo ah.'' sabi ko habang nagpupunas ng mukha. Narinig ko na si Mama na nagluluto.

''Magpapa-alam na ko sa Mama mo.''

O.O Seryoso ba siya? Holooo.

''H-hah?'' Baka nagkamali lang ako ng pandinig.

''Narinig mo ko, hay. Sige diyan ka muna.'' Tumayo na siya at nagpunta sa kusina. Tulala lang ako habang nag-aantay. O__O

Ilang minuto pa ay bumalik na siya at dumiretso sa pinto. Humarap siya ng nakangiti.

''Susunduin kita mamayang 1:00.'' At saka siya lumabas.
--
Henry's POV

''Nabasag na yung salamin, sige wag lubayan yang buhok.'' Sabi ko sa kanya habang nagge-games. Kanina pa siya dun sa harap ng salamin at walang tigil sa kaka-ayos. May date siguro to.

''Putek! Bakit ba kasi ayaw maiba ng posisyon nitong buhok ko.'' Asar na sabi niya.

''Eh panu ba naman kase nangalahati yung wax ko! Tingnan mo!'' Napakadami na niyang pinahid na wax. Ok na nga yung buhok niya eh, ngayun lang yan na conscious na hitsura.

''Harap ka lang.'' Utos ko. Humarap naman siya.

''Pft! AHAHAHAHA!'' Hindi ko mapigilang tumawa ng makitang tinaas niya lahat ng buhok niya at mukhang pugad ng manok na naglilihi, hahahaha.

''Tsk. Ulitin ko na nga.'' Nagpunta siya sa cr, maya maya ay bumabalik siya habang nagpupunas ng buhok. Nakakailang hugas na rin yan.

''Yung dati nalang kase.'' Sabi ko.
''Tsk, sige na nga.'' Oh di ganun din. Nagsayang lang siya ng wax at hair spray.

Maya maya ay nagtatanung nanaman siya.

''Alin ba isusuot ko dito?'' Inangat niya yung dalawang plain black na damit. Nyemas din to eh, magkatulad lang naman magtatanung pa.

''Hm, aha! Yung damit mu nalang na red na may mukha ni Spongebob!'' Saka ako humagalpak.

''Puta sasapakin kita!''

Nagtatakbo ako sa kwarto ko. Hahahaha.
---
Allyza's POV

12:50 na ng marinig ko ang busina sa may gate. Tumayo ako at pagbukas ko ng pinto ay nakita ko si Adriel. Naka itim na damit siya na may apoy apoy na design. Bagay na bagay ah. at wala siyang jacket ngayon! Himala!

Samantalang ako ay naka long sleeve na pink at jeans. Ganun lang, mamasyal lang naman ata eh...

''San ba tayo?'' Tanung ko.

''Sekreto. Tara na magpaalam ka na.''sabi naman niya.

''Kanina pa.''

''Ok.'' Nauna na siyang naglakad. Hmp, napaka gentleman talaga.

Sumunod nalang ako. Itim na kotse yung nakita ko at nakahinga ako ng maluwag, akala ko isasakay nanaman niya ko sa motor eh.

Hindi din niya ko pinagbuksan. Hoo ang gentleman. Grabe.

The Wizard Of Fire (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon