Chapter 6: Program

3.5K 104 0
                                    

Allyza's POV

''Liz! Nabalitaan muna ba yung inaasikasong program ng mga USG?'' Bungad sakin ni Justine. Kakapasok ko palang ng classroom eh.

''Hindi pa. Anu daw ba yun?'' Tanung ko at naupo na.

''Pageant! At ang magrerepresent ng mga Educ ay si Troy!'' Nagtatalon siya.

''Hmm. Eh sa babae?''

''Si Vivian. Yung English Major.''

Ok di ko siya kilala pasensiya.

''Oh tapos? Anu gusto mong gawin ko?'' Tinaasan ko siya ng kilay.

''Sa biyernes na yun noh? 4 days nalang.'' Sabi pa niya.

''Di naman ako kasali. Bahala na sila.'' Sabi ko sabay cross leg.

''Well sorry ka nalang, nagprisinta kaya ako na tayong dalawa ang bahalang mag-ayos kay Troy. Bawal daw kasi kumuha ng mga pro.''

''ANO?! Nagprisinta ka?'' Napatayo ako.

''Oo. Hihihi.'' Nag-peace sign pa siya.

''JUSTINE MYRR!! NAKAKAASAR KA!!'' Napalakas ata ang pagkakasabi ko.
---
Buong morning session ako na badtrip. Dahil yon sa kagagahan ni Jaz. Nakakaasar nagprisinta pa siya. Ayoko pa naman ng ganun dahil kapag pumalpak ay kami ang sisisihin.

Umalis na yung teacher na dada ng dada na wala naman akong pake. Walang kamatayang discussion nanaman kase.

Naupo si Troy sa harap ko. Di ko pinansin.

''Oy,''

''Oy youre face. Shoo away ka nga dito!'' Tinaboy ko siya palayo pero di nagpatinag.

''Tatanda ka agad niyan.'' Sabi pa niya at isinandal ang chin sa may itaas ng likuran ng chair at tumitig pa.

Pumunit ako ng papel at itinakip yun sa mukha niya.

''Wow ang gwapo mo naman pag ganito.'' Pang-aasar ko pa.

Tinanggal niya yung papel at tumingin sakin.

''Alis na nga ako.''

Mabuti pa nga.
---
Jess' POV

Nakatambay kaming lahat sa may paborito naming tambayan, yung sa may ilalim ng puno ng neem tree sa park ng campus.

Kumpleto ulit kami: Si Genevieve, Karen, Kaye, Cedric, Chris, Adriel, Henry at ako.

Nga pala. Kung nakalimutan niyo na yung mga course namin, eto: Gen, Chris, Henry at ako ay I.T. Si Ced, Karen at Ad ay Culinary, si Kaye ay mass com.

Nabalitaan na namin yung tungkol sa pageant at iyon naman na siguro yung topic ng buong campus ngayon.

Nakaupo kami sa damuhan at nakapaikot. Maliban kay Ad na nakasandal sa may puno at nakapikit.

''Sino representative niyo?'' Tanung ni Karen samin. Ang tinutukoy niya ay ang buong I.T.

''Si Henry ang request nila.'' Sabi naman ni Gen.

Napatingin kami kay Henry. Magkatabi sila ni Chris at ngumangata ng V-cut.

''Ako?'' tanung pa niya.

''Oo. Malaki chance nating manalo pag ikaw.'' Sabi ni Gen.

''Edi shing.'' Sabi naman ni Chris. Tumawa sila ni Henry. Yang dalawang yan, si Henry at Chris, kapag nagsama eh panay kabugukan ang mangyayari. Parehas silang isip bata at hyper eh. Tumino lang ng mga 2 percent si Henry kumpara kay Chris.

''Baliw talaga kayong dalawa,'' sabi ko.

''Eh sa inyo ba Karen?'' Tanung ko sa kanya.

''Ayaw nga ni Adriel eh.'' Sagot ni Karen.

The Wizard Of Fire (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon