Chapter 3: Inside the Jungle

2.3K 68 3
                                    

Third Person

They walked deeper in the forest. The dry leaves and twigs crunched beneath their shoes.

Natatakpan ng makakapal na sanga at dahon ang malaking porsyento ng liwanag at halos nagmumukhang magtatakipsilim na sa loob ng kagubatan.

Walang kumibo at maririnig ang mga tunog ng iba't-ibang huni ng mga hayop sa di kalayuan.

Maingat sila sa bawat kilos nila dahil wala silang kaalam-alam kung ano ang pwedeng mangyari.

''Nakakatakot naman dito.'' Bulong ni Karen habang lumilinga-linga sa paligid.

''Just be careful.'' Sagot ni Henry. He was still weak. At kaylangan pa niya ng tulong ni Jessica para makapaglakad ng tuwid.

Wala ng kumibo. Nagpatuloy lang sila sa paglalakad, when something happened...
--
''Nasa forest na sila master.'' Sabi ng isang crew. Robotic ang tunog ng kanyang boses.

Na-momonitor nila ang bawat paggalaw ng mga biktima nila gamit ang mga hologram devices.

''Set the traps!'' Utos ng master nila.

''Death traps set. One victim captured!''
---
''Whoa! Whoa! Whoa!'' Napatingin silang lahat ng sumigaw si Chris.

Umangat ang tinatapakan niya, at ilang segundo lang ay nakabitin na siya sa loob ng isang net! He was caught on a trap.

''Walang gagalaw!'' Pero pagkasabi ni Adriel non ay si Gen naman ang nakuha ng isa pang net!

''Aaah!'' Si Allyza! Tatlo na ang nahuli sa trap.

Si Ced! Si Karen! Si Axel! Si Oliver! Naging maingat na at halos hindi gumalaw si Henry, Ad at Jess ng sila nalang ang naiwan sa baba. Lahat ng kasama nila ay nakabitin na sa mga puno at nakakulong sa mga net.

Wrong move! Nakatapak si Adriel ng isang trap, and he was caught instantly. Hindi pa man din nakakagalaw si Henry at Jess ng makulong din silang dalawa sa loob ng isang net!

And they were all caught. The nets dangling on the trees' branches.

''Wala bang nakasaktan?'' Tanung ni Ad habang pilit na inayos ang posisyon niya para makita ang mga kasama.

''Ayos lang kami. Pero medyo nakakangawit.'' Sagot ni Chris.

''Panu tayo makakalayas sa mga toh?'' Asar na tanong ni Karen.

''Henry!'' Tawag ni Adriel.

''Oh?'' Sagot niya. Magkasama sila ni Jess sa isang net at hirap na hirap silang kumilos.

''Lagyan mo nga ng snow yung babagsakan ko!'' Utos ni Ad.

''Gagawin ko.'' Pagkasabi nun ay kiniskis ni Henry ang index finger at thumb niya. Umusok iyon ng puti, pagkatapos ay tinutok niya ang palad niya sa lupa sa ilalim ni Ad. May puting streak na lumabas sa palad niya at ng tumama iyon sa lupa ay isang tumpok ng puting snow ang nasa ilalim ni Adriel.

Gumawa si Ad ng maliit na apoy sa dulo ng hintuturo niya. Hirap siyang kumilos para abutin at sunuging ang lubid na nakatali sa puno.

Unti-unti niyang dinikit ang apoy sa lubid at nasunog ito. Natanggal ang lubid at bumagsak siya sa snow sa ibaba.

Ilang segundo rin bago siya kumawala sa net at tumayo.

''Lagyan mo lahat ng babagsakan nila.''

Gaya ng sabi ni Ad, nilagyan ni Henry ng mga tumpok ng snow ang lugar na babagsakan ng mga kasama nila.

Pinaapoy ni Ad ang mga braso niya, at isa-isa niyang pinatamaan ang mga lubid na nakatali sa mga net. Nalaglag silang lahat at bumagsak sa snow.

''Bwisit! Can someone help me please?'' Hirap na hirap si Gen na kumawala sa net dahil nagkabuhol-buhol na iyon.

Si Axel ang mabilis na lumapit para tulungan si Gen. Luckily nakawala si Gen sa buhol-buhol na net. Inilahad ni Axel ang kamay niya para tulungang makatayo si Gen.

''You okay?'' Tanung niya.

''Ngayon pa lang.'' Sagot ni Gen at tumayo na. Tinulungan na rin ni Chris na makalabas si Karen.

''Sorry guys. Hindi ko kasi alam na may trap.'' Pag-aapologize ni Chris.

''You don't have to apologize.'' Tipid na sabi ni Adriel. Tumango lang si Henry.

''Mag-iingat nalang kayo.'' dagdag ni Henry. Nagsimula na ulit silang maglakad ng okay na silang lahat.

''I guess dito muna tayo.'' Biglang sabi ni Adriel ng makarating sila sa isang clearing na napapalibutan ng matataas na puno.

''Hay. Pahinga.'' Bumuntong hininga si Chris at naupo sa isang malaking bato.

''Pwede tayong mag-camp dito.'' Sabi ni Henry. Punong-puno ng mga tuyong dahon ang clearing, at may ilang malalaking bato.

''Nga pala. Henry, bantayan mo sila, titingnan ko lang kung ano ang nakapalibot satin.'' Utos ni Adriel.

''Sigurado kang aalis kang mag-isa?'' tanong ni Henry.

''I can handle myself.'' Saka siya umalis.

Nagkanya-kanya na sila sa paghanap ng mauupuan.

''So, isa kang wizard Henry, what about that?'' Tanong ni Karen.

''Ako na ang mag-eexplain.'' Sabi ni Jess at tumingin sa kanya ang lahat.

''Si Henry ang ice wizard. Siya ang pinakamalakas sa lahat ng nabubuhay sa lugar na 'to. Isa lang ang ice wizard na nabubuhay kada 100 libong taon. Napunta siya sa Earth at tinulungan ko siyang mabuhay, nung una ay hindi ko rin alam na wizard siya, pero umamin siya sakin. At nakilala niyo siya. Isang araw ay aksidente kaming napunta sa mundong ito. Yun ang time na gustong sakupin ng mga Elves ang mundo nila. Nalaman namin na napunta rin dito si Ad, at magkasama nilang nilabanan ang mga Elves bago ako nakabalik. That's when I told you na umalis silang dalawa, pero ang totoo ay naiwan sila dito. But they came back to Earth.''

Gulat silang lahat sa narinig at hindi nakakibo agad.

''Unbelievable but it's true. And before you say something tungkol kay Henry, he was a prince. Ang prinsipe ng bansa nila.'' Dagdag pa ni Jess.

Lalo pa silang nagulat sa narinig.

''Pinakamalakas na wizard at prinsipe...'' nakatulalang sabi ni Chris.

''Ganun din si Adriel,'' sabi ni Henry, ''siya ang pinakamalakas ng fire wizard sa buong mundong ito.''

''Right,'' dagdag pa ni Jessica, ''as long as kasama natin silang dalawa, ligtas tayo.''
----
''Ligtas sila master.'' nag-eecho ang robotic na boses ng isang crew habang tina-tap ang mga hologram sa harap niya.

''Walang duda. Ang Ice Master at ang Fladran Scorcher Phoenix, malamang makakayan nila ang mga simpleng mga atake natin. Hmm, interesting.'' Sagot ng kanilang master habang pinagmamasdan ang buong crew.

''Ano na ang gagawin namin master?''

''Maghanda kayo sa gagawin natin para bukas...''

The Wizard Of Fire (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon