Chapter 1. Bumped

8.3K 170 11
                                    

Allyza Jane Fernandez's POV

Nagmadali akong tumakbo papunta ng locker ko. My Gad! 5 minuto nalang late na ko! Naiwan ko kasi yung report ko sa locker ko dahil hindi tinanggap ng teacher ko kahapon.

Halos madapa ako sa kakatakbo dahil naka high heels ako! Argh!

Pagliko ko ng room ay---BUG! Argh! Sino ba tong nakabunggo sakin? Natapilok pa ko at anu pa nga ba edi nasaldak ako at tumilapon yung mga dala kong folders!

Dagdag pa to! May activity pa kame! Aah! Tumayo na ako at tiningnan yung nakabunggo sakin.

''ANU BA KUYA BAKIT BA HINDI KA TUMITINGIN SA DINADAANAN MO TINGNAN MO 'TONG GINAWA MO SA MGA FOLDERS KO!'' Tinuro ko yung mga nagkalaglagang folders habang sinisigawan ko siya.

Nakatitig lang siya sakin. Isang 'KUPAL' na naka-leather jacket ang nakabangga saken.

Tapos bigla nalang niya kong nilagpasan at TINAPAKAN YUNG MGA FOLDERS KO!

''ARRGH BA'T MO TINAPAKAN?! YUNG MGA PHOTOCOPIES KO!!!'' Sigaw ko sa kanya.

Pero nakapamulsa lang siya at walang imik na naglakad palayo! Hinayupak na lalaki ka!

Sinabutan ko ang sarili ko dahil sa pangigil sa galit at nagsimulang ayusin yung mga nagkalat sa sahig at dumiretso sa locker ko.

Humanda siya sakin pag nagkita kami ulet.
---
''Oh? Muntik ka na ma-late. Buti wala pa si Ma'am.'' Bungad ng bestfriend kong si Justine Myrr ng makapasok akong laboratory habang naghihingalo.

At naalala ko nanaman yung kupal na nakabunggo sakin!

''Panu kasing may isang kupal na lalaking nakabunggo sakin kanina nung papunta ko sa locker room. Tapos hindi manlang ako tinulungan pulutin nung nalaglag yung mga gamit ko. ARGH! Kumukulo yung blood ko pag-naaalala ko yung kupal na yun.''

Natahimik saglit si Justine. Tapos naglulundag siya at tuwang-tuwa.

''Ay girl! Alam mo ganyan yung mga nababasa kong story sa Wattpad! Hala ka nahanap mo na ang wattpad love story mu! Inggit na me!'' Para siyang baliw na nagtatalon.

Umirap nalang ako at sinuot ko na yung laboratory gown at yung mask.

''Puro ka kasi Wattpad! Sa wattpad lang may ganun! Hindi sa totoong buhay!'' Sabi ko habang sinusuot yung safety gloves.

Hindi ako scientist, isa kong 3rd year college at ang kinuha kong kurso ay Education. Major in Science. Kaya andito kami sa laboratory ay para sa activity namin about acids and bases.

''Hindi nga girl, tingnan mo magkikita ulit kayo. Tas mag-aasaran, then magkakadevelopan, then magiging kayo! Yiee! Me is so kinikilig!'' Baliw talaga si Justine.

''Ay teka teka, anu nga palang itsura? Baka mamaya eh chuckie pala.'' Biglang sabi niya.

Lumayo muna kami sa iba tapos di-nescribe ko sa kanya yung itsura. Nanlaki yung mga mata niya. Bakit kaya?

''Oh Em Jee! Naka leather jacket ba kamo at makintab yung buhok?!'' Gulat talaga siya.

''Oo.''

''Oh my guard! Baka si Adriel yung sinasabi mo!'' Ang o.a niya. At sinu naman si Adriel?

''Sino yun?''

''Waah! Allyza! Popular siya dito sa campus! Napaka dedma at tahimik nun! Bad boy, at alam mo yung kurso niya? Culinary! Yiee ang swerte mo! Ang gwapo kaya nun.'' Nagtatalon nanaman. Pinaglihi ba to sa palaka?

''Wala kong pake sa kanya! Tingnan mo nga yung attitude! At saka anung mapapala ko sa bad boy? Mas gugustuhin ko pa yung lalaki na nerd na matalino kesa sa ganun! Hm!''

''Grabe ka naman. Atleast gwapo.''

''Gwapo nga, bastos naman. At may brain ba siya?'' Teka parang ang sama ko naman.

''Wag ka, genius yun! Mala wattpad character talaga siya! Yie!'' Kinilig nanaman.

''Hm. Ayoko sa mga almost perfect. Nakakairita!'' Sabay irap ko.

''Ah basta. Magugustuhan mo din yun. Tapos in the end magkakatuluyan kayo. #wattpad ang peg.''

Pagkasabi niya nun ay dumating na si Ma'am.
---
Lunch...

Naglakad kami ni Justine papuntang canteen. Ah oo nga pala, before ko makalimutan, transfer ako dito sa university na 'to ngayong taon dahil bagong lipat kami. Si Justine ay matagal na dito pero magclassmate kami nung high-school.

Pumasok na kami sa napakalaking canteen. Pangmayamang university eh, well kami, hindi kami mayaman. Mayaman lang kami pag nagpapadala ang papa kong seaman. Pero minsan lang yun. Si Mama ay teacher sa high school kaya at only child lang ako. Kaya hindi kami ganun kayaman. Minsan lang naman magpadala si Papa pero ang dami niyang pinapadala.

Dumiretsyo kami sa counter.

''Liz, anu want mo?'' Tanung ni Justine sakin.

''Hmmm. Beef steak nalang, isang kanin saka isang large coke.'' Sabi ko at kumuha na yung babae. Kinuha ko yung tray at inantay si Justine.

''Saken ganun din, para partner.'' Ngumiti pa.

Kinuha na niya ang tray niya at naghanap kami ng table at kumain.

May napansin akong lalaki na kulay snow yung buhok. May foreigner dito? Ang ganda ng buhok niya, parang sa mga korean. Tapos gulo-gulo pero ang cute.

Tumatawa siya at nung lumihis yung katabi niya---ang wafu! Blue yung mata!

''Sino yun?'' Tanung ko kay Justine at tinuro yung boy sa kalapit na table.

''Ah, si Henry James De Guzman. 3rd year din, transfer siya last year. At parang narinig ko din dati sa mga kaibigan niya na kapatid niya si--'' ngumiti siya sakin ng pang-asar.

''Si?'' Tanung ko.

''Si Adriel.''

Muntik ko ng maibuga yung coke na iniinom ko.

''Ano?! Parang ang layo ng hitsura! Magkapatid? At bakit pareho silang 3rd year? Kambal?''

''Hmm, napaghahalata kang may gusto ka kay Adriel. In short gusto mung mas makilala siya noh?'' Ngiti ulit na pang-asar.

''Pinagsasasabi mo?''

''Hmm. Basta ang alam ko stepbrother parang ganun. Ang gwapo nilang dalawa nuh?'' Kinikilig nanaman si Justine.

''Hmm. Si Henry lang gwapo.'' Sabi ko at pinagmasdan yung Henry. Ang gwapo niya! Parang ang hyper. Kaso nakaakbay siya dun sa girl sa gilid niya.

''Sorry ka, may nililigawan na yan. Si Jessica Lane Francisco. Yung katabi niya.''

Awts. Sayang naman. Mukhang na love at first sight pa naman ako sa kanya. T.T pero siyempre aral muna. NBSB ako noh?

''Kay Adriel ka nalang kase. Single and available pa yun.''

Umirap nalang ako.

Yung bwisit nanaman na Adriel na yun. Tingnan lang natin kung anu ibubuga niya...
---
ⓝⓞⓣⓔ: Hullo, this is the edited version of this chapter. Cliche scene right? Na-late, nagkabunggo, first encounter? Haha. Don't worry guys, I'm aware of it. I have a purpose for this one though, as in every story I wrote.😄😄

- Jhaydee

The Wizard Of Fire (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon