Fight III. "Ang Mahiwagang Shut Up Pills"

Start from the beginning
                                    

Kaya naman pala. Meron pa palang isang kwarto dito sa shop. Nasa gilid iyong pinto nito. Natakpan ng shelves na may mga paninda, kaya di ko napansin kanina. Niyaya niya ko dun.

May kadiliman ang kwarto na 'to. Dim light lang kasi iyong ilaw dito. At iyong bintana niya, natatakpan ng makapal at makulay na kurtina. Wala akong ibang napansin na gamit kung di isang bilog na wooden table lang at mga armchair.

"Iyan, dito ko ine-entertain ang mga special customer ko. At dahil alaga ka ng bff ko, special ka. Let's go, upo ka na."

Umupo na nga ko at umupo rin siya katapat ako.

"Ahmmm, bakit parang wala ho kayong crystal ball o kahit baraha man lang? Di ba lagi hong may ganun ang mga manghuhula?"

"Ah iyon ba? Well, masyado na kasing bulok iyong mga ganung style. 2016 na ngayon, kaya techie na ang lola mo."

May hinila siya mula sa ilalim, may drawer pala dun. May nilabas siya mula dun at pinatong ito sa table.

"Iyan, iyang ang ginagamit ko."

Tablet computer! Hmph, may pagkasosy din pala ang isang 'to.

"Ano? Gusto mong itry?"

"Ang sabi ho ni Yaya Gigi eh matutulungan niyo ko sa problema ko. So kung ito po iyong paraan niyo, bakit hindi."

Actually, nacucurious ako sa kung paano niya gagamitin itong tablet sa panghuhula, kaya pumayag na rin ako. Sinindi na niya iyong tablet. Pinanood ko naman kung ano ang next step na gagawin niya. May binuksan siyang app at may kung ano siyang sinet. Tapos may lumabas na life-size na grayish na print ng kamay sa screen.

"Ayan. Ngayon, ipatong mo iyong dormant hand mo diyan."

Dormant, pero nagets ko naman na dominant ang ibig niyang sabihin. Hindi na lang ako umangal, ginawa ko na lang iyong sinasabi niya. Pagpatong ko ng kamay ko, umilaw iyong screen. Hanggang sa bigla itong tumunog nang parang bell.

"Okay na, pwede mo na siyang alisin."

Pag-alis ako, iyong grayish na print ng kamay kanina, may iba't ibang kulay na ngayon. Sa pinakagitna nung palad may maliit na spot na naghalo ang kulay yellow at orange. Tapos nababalot ang paligid nun ng red. Iyong natitirang part ng palad hanggang sa ibabang bahagi ng mga daliri, parang light purple. Iyong gitna, dark na purple. At panghuli, iyong dulo ng mga daliri ay black naman.

Pinagmasdan niya 'to. Mukhang nag-iistart na siyang basahin 'to. Bale parang advanced style na palm reading ang peg niya.

"Omg! Siryoso ba 'to? Yummy papa ka pa naman, iyon pala papa rin ang hanap mo?"

At talagang iyon pa ang unang naungkat niya. Naging awkward tuloy ang feeling ko.

"Ah, diyan niyo ba nalaman iyon o sinabi rin sa inyo ni Yaya Gigi?"usisa ko, naninigurado lang.

"Of course dito noh! Legit ako, di ako fake."

Tinuloy na niya ang pagbabasa.

"Hmmm...Parang gusto kitang kantahan."

"Po?"

"Gusto kitang kantahan ng...Muling ibalik ang tamis ng pag-ibigggg! Muling pagbigyan ang puso nagmamahalllll!"

Shet! Parang di ko ata gusto ang tinutumbok nito ah.

"Kasi may nagbabalik mula sa nakaraan mo na may kinalaman sa pag-ibig."

Sabi na eh! Bwiset! Kailangan ba talaga kasama 'to sa topic?

"Ex-Men po,"inunahan ko na siya.

"Huh? Sino iyon? Kalaban ni Batman?"

Shut Up Ka Na Lang (Boyxboy)Where stories live. Discover now