Chapter 37: Too Painful

Magsimula sa umpisa
                                    

"Naaalala mo pa pala.." nagsmile lang ako sa kanya.

"Masarap kaya tuna spread." napatingin ako kay Aly tapos napansin kong puno yung bibig niya at ubos na yung tinapay na kinakain niya.

Napatingin din sila Gretch at Fille sakanya habang nakasubo pa sa bibig nila yung tinapay.

"Ha? Ah.. hinde lang kasi talaga ako kumakain nun.." napatingin naman yung dalawa kay Myco.

Nag smile si Aly kay Myco tapos uminom ng tubig saka umalis. Umalis din si Fille kaya naiwan na kaming tatlo.

"Oo nga pala anu-ano yung mga gagamitin na kwarto?"

"Ewan ko pa eh. Si Denden kasi nandun sa may pool. Wala pa siyang sinasabi sakin."

"Ah ganun ba. Sige maiwan ko muna kayo."

Iniwan ko na si Gretch at Myco para hanapin si Aly. Nakita ko sila ni Fille sa may living room nag uusap, nagtatawanan.

Hinde muna ako nagpakita sa kanilang dalawa baka kasi mabitin pag uusap nila, paalis na sana ako pero narinig ko yung pangalan ni Myco pero di ko na narinig yung iba.

Mahahalata mong seryoso na yung pinag uusapan nila. "So he isn't over Mika yet huh?... asdfgghjkl... asdfghjkl asdfghjkl.." hindi ko marinig kasi medyo mahina. "He must be very happy now since two girls care for him so much." medyo malungkot yung boses niya nung sinabi niya yun.

"Are you jealous?"

"No.. Why would I be jealous? There's no reason.. Well, maybe a little. He has Denden now.. he took her away from me.. and now he wants to take Mika too?"

Nagseselos siya..?

"..and now he wants to take Mika too?"

Hinde ko alam kung bakit parang sumaya ako dahil sa sinabi niya. Parang natuwa ako dun sa sinabi niya kahit na dapat hinde ako matuwa.. pero ang labo. Parang ayaw niya ako mawala yung iniisip kong meaning dun.. pero ayoko isa puso yun.. baka mapahiya pa ako.

Nagkwentuhan pa sila pero hindi ko na talaga marinig. May narinig akong 'Christmas' at 'Party' pati narin yung name ni Denden narinig kong binanggit ni Fille.

"Where are you going?"

"Gonna look for Mika."

Nung narinig ko yung mga yapak niya nag madali akong lumayo sa may living room.

Tumalikod ako tapos nag lakad pabalik sa may living room tapos nakasalubong ko si Aly, siyempre hinde ako nag pahalata na narinig ko yung mga pinag usapan nila. Halos wala rin naman akong naintindihan eh.

Lumapit siya sa akin tapos ngumiti. Hinde agad ako nakapag salita dahil naalala ko na naman yung sinabi niya kanina kay Fille.

Napangiti ako bigla tapos niyakap siya, "Wala lang. Gusto lang kitang yakapin.." sabi ko sa kanya.

Naramdaman ko yung kamay niya sa may balikat ko, "I needed this. Thanks."

"Fille! Tawagin mo na si..la.. Aly..ssa at.. Mika.."

Dahan dahan kaming bumitaw at nakita sila Bang, Gretch, Ella, Denden at Myco. Nakatingin lang sila sa amin.

I hate her because I love her (AlyDen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon