Twelve

1.9K 86 63
                                    

"If you need a friend,
Don't look to a stranger
You know in the end,
I'll always be there"
- the Promise by When In Rome

Vic's POV

"Please meet Ms. Mika Reyes."

"Ikaw?!" Sabay naming sigaw.

"Great. So magkakilala na pala kayo? Mas madali kayong makakapag usap." Sabi ni Manong Rudy at akmang lalabas na.

Wait. Ayoko sa kanya... Oh correction, ayoko sa lahat. Damn it. I can't just take over our company.

"Whatever. I don't want this job. Asan ang magaling nyong boss? Gusto ko syang makausap." Tanong ko sa kanila.

"That boss is your dad. Nasa ibang bansa Daddy mo. He can't talk to you right now."

"But Manong Rudy... Di ko kaya magpalakad ng company."

He just smiled and sweetly said, "I know you can."

"Ugh. This is so messed up." Sabay umupo ako sa swivel chair at minasahe ang sintido ko. Ugh. Ang sakit kasi sa ulo ng mga to.

"Oh bagay naman pala eh." Nangangasar na sabi ni Dora. Nakita ko namang napangite si Manong Rudy. Dito kasi ako nakaupo sa main swivel chair ng office.

"Mika Reyes, right?" Seryoso kong tanong sa kanya. Tumango naman sya at ngumite.

"Replace her. I don't want her." Seryoso kong sabi naman kay Manong.

Napangite naman si Manong na medyo nagpipigil na ng tawa. Whut. Ano bang nakakatawa sa sinabi ko?

"I'm sorry but-" sagot sana ni Manong pero sumabat na agad tong epal.

"But you can't do that." She said smirking.

"Why can't I? I'm the boss around here."

"Ikaw ang boss?"

"Oo. Binge ka ba?"

"Oh Manong Rudy wala na palang problema. Sya na daw ang boss."

Natawa naman ng mahina si Manong dahil sa sinabi nito.
"Ms. Reyes ikaw nang bahala dito." Saka sya nag bow at umalis.

"Ikaw? Ano pang hinihintay mo? Umalis ka nadin. You're fired." Sabi ko sa kanya.

"I don't think you could do that. Sabi sa contract ko ang daddy mo lang ang makakapagpatalsik sakin."

"What?!"

Great. I am stuck in a situation where di ko gusto ang trabaho at hindi ko gusto ang tao. Just great.

"We really should work together you know."

Di ko sya pinansin. Napakakulit nya.

"Siguro mas maganda kung magsimula ulit tayo. I'm Mika Reyes" sabay alok nya ng kamay nya. Psh, di ko yan tatanggapin noh.

"And you are???" Tanong nya ulit.

Tinignan ko yung kamay nya sabay irap dito at sabi "Wala."

"And you are?" Ulit nya. Haha. Halata sa boses nya na inis na.

"Get lost."


"ARAY!!!" Sigaw ko.

"Bakit mo ko binatukan?!" Leche to. Binatukan ako!

"Umayos ka kasi kausap!" Ayan nagsisigawan na kami.

"Boss mo ko! Di mo ko pwedeng sigawan! What more batukan!"

"Fine!" Narealize naman nya ang sinabi ko at nag ayos ng sarili "ehem. Ehem. Ano po bang gusto mong itawag ko sa napakaayos kausap kong boss?"

I smirked

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 15, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Folie A DeuxWhere stories live. Discover now