Nine

1.7K 59 27
                                    


"I need more dreams and less life"
- Save Rock and Roll by Fall Out Boys

Vic's POV

(Yung setting and time, same kung san ko sila iniwan. Bale nakaupo padin si Vic and Cienne sa Haven)

*Phone Rings*
Please don't see just a girl caught up in dreams and fantasies
Please see me reaching out for someone I can't see

Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa at tinignan kung sino na naman ang natawag sakin. Sa peripheral view ko naman ay nakita kong tumingin sakin si Cienne.

Manong Rudy calling...

Hays. Bakit ba ayaw nila akong tantanan?!

"Oh Sino yun? bakit mo nireject?" Tanong ni Cienne.

"Si Manong Rudy... Kanina pa ako tinatawagan nun. Gusto daw ako makausap ni Dad."

"Bat di mo kausapin?"

"You know why, Cienne." Sagot ko sa kanya. Napabuntong hininga naman siya sa sagot ko.

"Don't worry. For sure hindi yun importante." Dagdag ko.

"At paano ka naman nakasiguro???"

"Kailan niya ba ako pinatawag na importante? It's either pagagalitan ako or may work para sakin na tauhan lang din naman niya kumakausap sakin."

"Hay nako Vic. Ang tigas ng ulo mo."

"Kailan ba hindi? Haha"

Magpapaalam na sana ako kay Cienne para umalis nang may biglang humawak sa balikat ko. Pagkatingin ko ay mga bodyguard ng tatay ko ang mga to.

"Pinapasundo daw po kayo ni Mr. Galang."

"Paano kung ayoko?" Matapang kong sagot.

"Vic..." Bulong ni Cienne. Pagkatingin ko sa kanya ay sumenyas siya na para bang sinasabing sumama nalang ako.

Tinapik ko yung kamay na nakahawak sakin at tumayo sa upuan. Paglingon ko sa mga guards ay apat pala sila.

Wow dinoble na bilang ngayon ah. Dating dalawa lang kasi yung pinadala, natakasan ko eh ahaha.

"Wala po kayong choice."

At bigla namang hinawakan ang dalawa kong kamay nung dalawa pang guards.

"Sasama po ba kayo ng payapa o kailangan namin kayo kaladkarin pasakay ng kotse?"

Hinigpitan naman nilang dalawa yung pagkakahawak sakin na parang nagbabanta.

Damn. Di ko sila kaya.

"Bitawan niyo ko. Sasama na ako."

Tumalikod muna ako kay Cienne.

"Cienne, sorry di kita mahahatid ngayon. Text me when you got home."

At naglakad na ako palabas ng bar.

-----

*Pak!*

Isang malakas na sampal ang bumungad sakin pagkapasok ko ng office niya.

"WHAT IS THE MEANING OF THIS?!"

sabay tapon sakin ng pictures... Pictures nung nasa Palawan. More specifically... Pictures nung hinalikan ako nung babae in public. Pinulot ko yung isang picture na magkahalikan kami.

Pota. Ito na nga bang sinasabi ko eh.

Why am I not a fan of PDA? Kasi may magagalit. Kasi pangit sa image. Sa image nya. Sa image ng company.

Folie A DeuxWhere stories live. Discover now