Three

1.8K 49 2
                                    

"How you feelin?
The day has had its weigh on both of us
And oh, I've got out of my way
But I'm not free
From this pain I'm feeling"
-Ragdoll by Maroon5

Mika's POV

Ugh. Gusto ko magtravel pero takot akong sumakay ng plane -___- buti at halos isang oras lang ang byahe. Halos isang oras din akong nanigas sa upuan ko.

Anyway, sinundo na ako ng isa sa mga van para makapunta sa hotel na pag i-stayan ko. Madaming tao sa van dahil pinagsama sama ang mga tourists na nag avail din ng promo nila. And since wala naman akong kilala, andito lang ako sa isang sulok at walang humpay na nakikinig ng music.

Halos 5pm na nang makarating kami sa hotel at mukhang yung van namin ang last na nakarating. Inaassign na kami sa rooms namin ng biglang walang inassign saking room. Umalis na ang mga nakasama ko sa van para pumunta sa mga naka assign na room sa kanila.

So kahit ako lang walang kasama, di na ko kailangan bigyan ng puwang sa mundo? I mean sa hotel? Ahaha

Lumapit sakin yung crew n nag aassign ng room at pinasunod ako sa counter.

"Ma'am may unting problema po kasi tayo" sabi ng crew na nagpakunot naman ng kilay ko na parang nagtatanong kung anong problema.

Ugh. Wag nyong sabihing wala ng room -_- san naman ako pupulutin nito -_-

"Kasi Ma'am yung natitirang room... Double bed nalang po. Wala na pong separate na single bedroom..." Pagpapatuloy naman nito.

"Ahh eh paano? Bawal ba ako dun? Magbabayad nalang ako ng additional kung kailangan" may matulugan lang, Wag nang pairalin ang pagiging kuripot -_-

"Wala naman pong problema... Actually wala pong kailangan dagdagan ng bayad. Free breakfast eat-all-you can nalang po dito sa restaurant namin for your whole stay and may additional tour po kayo as compensation po... Samin po kasi yung error eh."

Oh yun naman pala eh. Libre na may libre pa... Yehay :)) "ahh sige okay lang ahaha maliit na bagay" sagot ko naman.

"Ang kaso po may makakasama po kayong isa pang solo tourist sa kwarto." Biglang sabi naman nya. Napatigil ako sa pagngiti ko.

"Huh? Eh wala na bang ibang hotel malapit dito? Palipatin nyo nalang sya."

"Di po pwede Ma'am. Malayo na po sunod na hotel dito. Tinawagan na kasi namin yung malalapit. Fully booked nadin sila. Peak season po kasi."

Magsasalita pa sana ako ng bigla ulit syang nagsalita.

"Ma'am ito na po pala yung makakasama nyo sa kwarto." Turo nya sa likod ko.

Lumingon ako at nakita ko... sya. Sya. Si sandwich girl. Ang gwapo at nakashades pa sya ngayon ah. Pero di ko sya crush ah. Eh kahit sino naman yata magsasabi na gwapo sya. Honest kaya ako. At isa pa... Straight kaya ako...

Di nya ako napansin at nagdirediretso lang sya sa counter at nagsalita.

"Miss. Bakit may kashare ako sa room? Ang sabi sa details ng tour..." Di na sya pinatapos ng crew at nagsalita din to.

"Ma'am. Wala na nga po kasing available room. Magkahiwalay naman po yung bed eh."

"Eh kahit na. Dapat inaayos nyo yan! Wala na bang ibang hotel na available?! Dapat responsibility nyo yan ah?"

Woah. Medyo tumataas na po boses nya. Mananapak na yata to eh ahaha.

"Meron po available... Try nyo po. Yung pinakamalapit is 1 hour byahe na from here. Peak season po kasi. Punuan po talaga mga hotels." Medyo inis na sabi din ng staff.

Folie A DeuxWhere stories live. Discover now