Two

1.9K 49 0
                                    

Two: Rag Doll

"You are not what you seem
You are a mystery to me"
- Ragdoll by Maroon5

Mika's POV

"Calling all passengers of flight 233 bound for Puerto Princesa, Palawan. Please proceed to the boarding gate immediately. I repeat..."

"You're here to relax. Forget about work muna. Pagbalik na yan ng manila. Ok?" bulong ko sa sarili ko.

Kasi I think my friend, Beth is right. Kailangan ko mag unwind since sumakto naman na natapos ko na ang dapat tapusin sa work at lately nga daw ay nagiging workaholic na ako.

(Flashback)

Nasa taxi na ako pauwi sa condo ko nang magtext si Beth.

"Girl. Kita tayo sa usual place natin. Emergency! Andito na ako. I'll wait for you."

"Manong dun nalang po pala tayo sa starbucks along taft din yun." sabi ko kay manong driver. Di naman hassle dahil nasa taft lang din ang condo ko.

Si Beth ay isa sa mga pinakaclose kong kaibigan simula nang lumipat ako dito sa manila 8 months ago. Nakilala ko sya sa starbucks, dahil nakiupo sya sa table ko at wala naman akong kasama. Madaldal po sya ahahah kaya minsan nahahawa na ako sa kadaldalan nya. At kahit loka loka at kakikilala palang namin, ang gaan na ng loob ko sa kanya.

Kaya ayun, lagi kami nag kikita sa usual place namin, sa starbucks sa taft. Tamang tama din. I need to treat myself some coffee for finishing that stressful paper WORKS -_-

Pagkarating ko sa coffee shop ay nakita ko agad si Beth.

"Gurl!" Sabay naming sigaw at nagbeso beso. Parang mga balikbayan lang noh ahahahaha

"Tagal nating di nagkita ah! Halos two months na akong walang kasama dito sa usual place" at sumimangot pa ang gaga haha

"Sorry na. Super busy sa work eh. Medyo lumuwag na ngayon since natapos ko na sya kanina... Order lang ako" sabi ko naman. Tumayo ako at nag order ng cappuccino frappe. All time favorite eh ahaha

"Oh ano ba tong emergency na sinasabi mo?" Tanong ko nang makabalik ako sa upuan namin.

"Ahaha OA lang ako. Di naman masyadong emergency" sabay tawa. Adik talaga to eh ahaha

"So ayun. Diba nga pupunta dapat akong palawan next next week? Eh di ako makakapunta. Bigla kasing ang daming ginagawa sa office :( tapos yung coupon hanggang next next week nalang valid..." Sabi nya.

Ahhhh... So... "Eh wala akong kilalang buyer." sabi ko agad.

"Gaga hindi naman kailangan ng buyer. Ikaw nalang. Ikaw pumunta sa palawan. "

"Magkano ba?"

"7k kasama na lahat... Since kaibigan kita 5k nalang"

"Huh? Busy ako -_-"

"Friend, kailangan mo to. Mag unwind ka naman. Tignan mo mukha ka nang matanda."

"Ehhhhh... Ayoko. Bawal ako mag absent"

"Pwede ka naman mag file ng vacation leave ah" sabay taas naman nya ng kilay. Ayaw nya ako patakasin -_-

"Ehhh. Mag isa lang ako. Ang loner"

"Meron kasamang tour to so di ka mabobored" mas lalo nya pang tinaasan ang kilay nya. Hala sya. nakakaamoy na to...

"Ehhhh... Ano... Ahmm... Ano... Wala akong pera HAHAHA"

"Oh eh di lumabas din ang totoo HAHA Osge. Libre ko na. Yung coupon lang ah. Bahala ka na sa pocket money mo -_- Sayang naman kasi yung coupon eh."

"Oh yun naman pala eh. sabihin mo agad... Madali naman ako kausap. Tamang tama pwede ako mag file ng vacation leave" sabay ngiti ko ng malawak. Haha. Dapat kasi inuuna na libre nya para mabilis ang usapan. It's always my dream naman kasi to travel ahaha

(End of Flashback)

"Shit... Sorry" Sabi ko. Dahil kasi sa pag space out ko ay may nabangga na pala ako papunta sa pila ng boarding gate. Take note nalaglag yung kinakain nyang sandwich. "Sorry... Sorry talaga. papalitan ko nalang..." sabi ko habang pupulutin sana yung sandwich nya.

"Hindi. Wag na." Sabi nya at mabilis na pinulot yung sandwich at shinoot sa malapit na trashcan. Saka sya lumingon sakin at ngumite ng unti.

Hindi ko alam. Pero nung ginawa nya yun, nalungkot ako. Di ko alam kung bakit. Siguro kasi parang nakita ko na yun... Parang tulad ng... Basta. Haha

Kaya di ko alam kung bakit pero bigla nalang akong nagtanong... "Ok ka lang?" Tanong ko. It's supposed to be about the thing about the sandwich tho. Pero parang iba naging meaning.

Kumunot noo nya pero bigla din naman binawi. Naging taylor swift na naman mukha nya haha blank space eh :)) bilis magbago ng mukha teh ah. Miliseconds lang yata yun ahahaha.

"Yung sandwich... Baka magutom ka" duktong ko.

"Ok lang yun. Di ko nadin naman gusto yun" sagot nya.

"Ah kaya pala ang bilis mo lang itapon." Sagot ko naman. Nasa pila padin kasi kami so we're kinda stuck with this conversation. And... Something in me wants to keep this conversation going. At mukhang tulad ko... Wala din syang kasama.

"Yun nalang naman ang sunod na dapat gawin. Madume na. Di ko na yun kakainin."

"Bakit ayaw mong palitan ko?"

Ewan ko ba. Sandwich padin ba pinag-uusapan namin?

Bigla namang turn na pala namin para magboard ng plane. Ibig sabihin, di na nya masasagot tanong ko. Binigay nya boarding pass sa staff ng plane bago lumingon sakin at ngumite. At saka nagpatuloy na umalis.

That smile again... That same smile...

"Ma'am pakilabas nalang po ng boarding pass"

Saka ako natauhan at binigay ang boarding pass na kanina ko pa pala hawak, di ko lang binibitawan. Matapos ko mapacheck ang boarding pass ay lumingon ako sa direction ng kanina kong kausap...

Di ko na sya makita. Now I'm left with my last question and more questions to follow. A mystery.

Folie A DeuxWhere stories live. Discover now