Five

1.6K 62 3
                                    

"Wake me up, say enough is enough
I'm dying to live. Something's gotta give"
- Somethings Gotta Give by All Time Low

Mika's POV

Nakasakay na kami sa loob ng bangka at papasok na kami sa loob ng underground river.

Nakaka excite!!

"Ma'am isa po sa inyo maghawak ng flashlight natin. Madilim po kasi sa loob. Di po kayo makakakita pag wala nyan." Sabi ni Kuya bangkero habang inaabot ang flashlight.

Tumingin naman ako sa katabi ko at parang wala syang balak kunin. Inaayos nya kasi yung hawak nyang DSLR. Eh di sya na. Kinuha ko na ang flashlight at baka mangalay pa si Kuya.

Nagsimula na kaming pumasok sa cave. Pagpasok na pagpasok namin ay puro puro tunog ng paniki ang maririnig mo plus yung echoes pa. May mga ilan ding lumilipad.

"Wooooow... Uy Batman, mga kalahi mo kausapin oh haha"

"Gusto mo bang maging si Dora dito sa cave habang nagswiswimming?" Mataray nyang sagot sakin.

Hala sya. Ano na naman nagawa ko at super taray na naman nito sakin? Ahaha

"Ahh Kuya ano yung mga tumutulo?" Tanong niya kay Kuya.

"Ah Ma'am dalawa lang ho yan. Isang mainit, isang malamig. Pag malamig moist lang po yun ng kweba pag mainit, nako po madami pong paniki dito at wala silang CR ahaha"

"Ahahahaha" sabay naming tawa ni Kuya. Benta kasi ng mukha ni Batman haha

"Haha ok lang yan Batman, di yan nakamamatay HAHAHAHA"

"Tsk. Babaw." Sabay irap sakin.

May galit talaga to sakin eh. Si Kuya naman pasimuno tas sakin lang galit tong isang to ahaha.

Nagsimula naman syang mag picture picture ng kung ano anong makita nya.

"Photographer ka ba or hobby mo lang?" Tanong ko.

"No personal questions."

"Eh di wow." Napakadamot. As if namang malaking reveal sa katauhan nya kung icoconfirm nya ang pagiging photographer nya.

Nagpatuloy lang kami sa pagtotour at paminsan minsan nagjojoke or nagkwekwento si Kuya.

"Yung mga bato ho dito bawal natin hawakan. Kasi mga buhay na bato po yan. Mamamatay po sila pag hinawakan natin. Acidic po kasi balat natin."

"Bawal din naman pong sulatan. Pero tulad po nito may mga pasaway pading tourista na nagsusulat. Pinapatay nila tong kweba..."

"Dami pong nafoform ng mga rock na to. Tulad nito tignan nyo po. Diba parang nagform ng mukha ni Jesus... Ito po elepante..."

"At isa sa pinakamaganda po at pinakamalaki. Ito po ang giant candle. Dati po hindi yan ganyan kalaki. Talagang nalaki po talaga sya."

Manghang mangha naman kami sa mga nakikita at nalalaman namin. This underground river really deserves to be one of the 7 wonders of the world.

At akala ko nakikita ko na ang pinakanakakamangha dito...

Hininto ni Kuya ang pagsasagwan...

"Alam nyo po ba ang moral lesson na tinuturo nitong kweba?" Sabay tanong samin ni Kuya.

"Ano po yun?" Tanong ko.

"Sa harap nyo lang ho itutok yung flashlight, sabay tingin po kayo sa likod."

Ginawa namin namin.

Paglingon namin, wala kaming nakita.

"Ganyan po feeling pag bulag..."

Folie A DeuxWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu