Extra 3: Bestfriends

144K 3K 57
                                    

EXTRA 3: BESTFRIEND

            KASAMA ko ang mga barkada ko sa isang coffee shop. We actually have a meeting na nauwi sa kapehan just like the old time. They are my high school friends aside from Jaxon na kaibigan ko na talaga mula noon pa. Ako ang naunang makasal sa kanila, Landon is still busy with his girls and Aiden is still the most eligible bachelor in town may hinihintay daw eh parang ako lang. maswerte ako kasi may kapit ako sa loob kaya naging akin agad ang hinihintay ko, ito parang sira lang na naghihintay sa wala. Si Jaxon naman ay on the rocks pa rin ang panliligaw kay Ashley ang bestfriend ni misis. Akala ko pa naman sila na, liniligawan pa pala. Ang hinang dumiskarte, sinabi ko naman sa kanya na daanin sa santong paspasan.

            “ANg ganda talaga ng asawa mo Claude kahit buntis na.” nakangising turo ni Landon sa babaeng naka-upo sa mesa sa labas ng coffee shop. Nagtaka ako kasi hindi naman niya sinabi na lalabas siya. Delikado na ang lumabas ngayon dahil eight months na ang tiyan niya and yes, kahit na buntis ang asawa ko siya pa rin ang pinakamagandang babae sa mundo. Napangiti ako habang nakatanaw sa kanya.

            Wait! Anong ginagawa niya dito?

            Kinuha ko ang cellphone ko and called her. Nakita ko naman kung paano siya nataranta ng magring marahil ang phone nito. Nakita ko pa siyang napangiti ng Makita ang number ko.

            “Hello?” pati ang boses nito ang ganda.

            “Belle, saan ka ngayon?”

            “Ahm,.. magkikita kami ni Raj ngayon and some friends from London. Sorry hindi ako nakapagpaalam sa iyo dahil alam kong busy ka.”

            ”Bakit ka makikipagkita ka Rajeev?” ewan ko ba hindi ko maiwasan na magselos sa lalaking iyon. Kahit na bestfriend siya ng asawa ko still naging mag-fiance pa rin sila.

            “Remember the ring?”

            The engagement ring. “Yeah.”

            “Isasauli koi yon sa kanya, nasa akin pa. May dapat na siyang pagbigyan ng singsing, remember Sabrina?”

            “Yeah.”

            “Balak na niyang magpropose.” Halata sa mukha ni Belle na masaya ito sa sinabi nito. Doon lang ako nakampante.

            “Saan ka after?”

            “Magsa-shopping ng mga baby clothes.”

            “call me if magsa-shopping ka na sasamahan kita.”

            “Huh? Di ba busy ka?”

            “Not for you My Belle.” Nakita kong dumating na si Rajeev.

            “Naks naman, kaya nga labs na labs kita.”

            “I love you more.” Nakita kong nagblush ito.

            “Nandito na si Raj call you later.”

            Ibinaba ko na ang phone ko at ngingisi-ngising humarap sa mga kaibigan ko na halatang naiinggit sa akin. They might be bachelors and playboys pero alam kong handa na rin na lumagay sa tahimik ang mga lalaking iyan if they find the right woman.

            “Inggit?” tukso ko.

            “Asa.” In denial. Tumawa lang ako sa kanila at nagpatuloy sa biruan ng biglang napatayo si Aiden.

            “Lucille!” sabi nito at napatingin sa labas ng coffee shop. Nakatingin ito sa babae na kasama ni Raj at ni Ashley.

            ”Uy, si Ashley baby ko.” Si Jaxon.

            “Si Lucille ba iyan, Aiden. Iyong babaeng bestfriend mo noon?” si Landon.

            Si Lucille nga, pero bakit ganyan nalang ang reaction ni Aiden ng Makita ang ex-bestfriend nito. Bigla nalang kasing umalis si Lucille ng magtapat si Aiden sa babaeng nililigawan nito na si Anne ba iyon, hindi naman sila nagtagal ni Anne at naghiwalay agad. After noon ay hindi na nagkagirlfriend pa si Aiden fling-fling nalang.

            “Yeah.”

            “Chix.” Sinamaan ito ng tingin ni Aiden. “Bakit ba? Maganda naman talaga si Luci, ah.”

            “She is mine.” Iyon lang ang sinabi nito at iniwan sila.

            No way! Si Lucille ang babaeng hinihintay ni Aiden?

Royale Series 1: HATE THAT I LOVE YOU (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon