Chapter Nine

180K 3K 44
                                    

Chapter Nine

            Naramdaman niya ang mainit na bagay na bumalot sa buong katawan niya na naging dahilan kung bakit siya nagbukas ng mga mata. Naka-idlip na pala siya sa paghihintay na matapos ang shoot. Napangiti siya ng makitang si Claude iyon na binabalot ang katawan niya ng isa pang jacket na sa tingin niya ay isa sa mga display jackets na nakahang lang doon.

            “Claude.” Ani niya.

            “Kung nilalamig ka dapat tinawag mo na ako.” bulong nito as he adjusted the jacket to warm her.

            “Okay lang ako Claude.” Hinawakan niya ang kamay nito to stop him from over wrapping her baka kasi hindi na siya makahinga.

            “I know you are not okay mas lalong tumaas ang lagnat mo.” dinama nito ang leeg at noo niya. Kanina pa rin siya nilalamig kaya nga sa pinakasulok siya pumunta, hindi niya akalain na mapapansin pala ni Claude ang bagay na iyon. Akala kasi niya sobrang busy ito sa pagtingin sa mga modelo nila.

            “I thought you are busy watching my models.” She joked.

            “My eyes will aways fine you without such effort Belle. I-uuwi na kita.”

            “Hindi pa tapos ang pictorial, iinom lang ako ng gamot.”

            ”Pwede mo namang iwanan ang mga staffs mo dito I think they are already capable of doing the right things magpahinga ka na. Choose, dadalhin kita sa hospital o uuwi na tayo?”

            “Ah, kasi-.”

            “Magpahinga ka na Belle kaya na namin dito.” Untag ni Amber na nakikinig pala sa usapan nila. Tsismosa lang ang peg?

            “Iuwi mo na iyan Claude hindi iyan uuwi at aalis dito kapag walang pipilit diyan.” Suggestion ni Ashley. Akala ba niya kaibigan niya ito? Bakit parang binubugaw siya ni Ash? Tiningnan niya ito ng masama pero inosenteng tumitig lang ito sa kanya.

Royale Series 1: HATE THAT I LOVE YOU (COMPLETED)Where stories live. Discover now