“Uuwi na ako.” Sa wakas ay sumuko na siya pinagkakaisahan na siya ng mga kasamahan niya na kampi kay Claude kaya paano pa siya makakatanggi. She can see relief written over Claude’s face when she said that na para bang nag-aalala na talaga ito sa kanya. Hahayaan ba niya ang sarili niya na mapalapit at hayaang sumaya kahit minsan lang? Kahit alam niyang masasaktan siya sa bandang huli? Kung anuman ang mangyari sa kanya kagagawan din niya iyon. She made a decision and she decided to feel him, to feel how to be cared by him. Sige na... kahit minsan lang. Kahit isang beses lang. Pwede naman hindi ba?

            ”Bubuhatin na kita.” suhestiyon ni Claude. Narinig niyang tumikhim si Ash at si Amber na parang nanunudyo maging ang mga staffs doon ay sa kanila napatingin. Napatanga nalang siya at iniwas ang mukha dahil pakiramdam niya ay ang pula na ng pisngi niya. Walang hiyang lalaki naman kasing ito kung maka’bubuhatin’ kita ay parang may relasyon sila.

            “Ano ka ba Claude?” she hissed. “Nakakahiya.”

            “Ano naman ang nakakahiya sa pagbuhat sa iyo?” inosenting tanong nito.

            “Diyan ka na nga.” Susuray-suray na iniwanan niya si Claude sa loob ng studio at lumabas. Medyo umayos na ang pakiramdam niya kaya nakakalakad na siya ng maayos pero nandoon pa rin ang kaunting pagkahilo niya. She really hate it when she is sick, minsan lang siya magkasakit pero ang tindi naman ng epekto sa kanya.

            “Bakit mo ako iniwanan doon? Paano kung madisgrasya ka ditto?” habol nito sa kanya.

            “This is our building Claude at ano naman ang mangyayaring masama sa akin dito?”

            “May sakit ka paano kung mahilo ka dito at matumba ka? Maraming pwedeng mangyari sa iyong masama kahit saang lugar.”

            ”Hindi kita kapatid.”

            ”And how many times do i need to tell you na ayokong maging kapatid ka.”

            “Alam ko. Alam ko matagal ko ng alam na hindi ako pwedeng maging parte ng buhay mo, isinampal mo na sa akin iyan twelve years ago Claude.”

Royale Series 1: HATE THAT I LOVE YOU (COMPLETED)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin