Natigilan naman ako sa sinabi niyang iyon. I suddenly remember my mother. Hindi kami malapit sa isa't isa, mas malapit ako kay Papa. She's too busy doing her duties as a wife of the heir of our family. Mas mahalaga pa sa kanya ang pagandahin pa lalo ang imahe niya sa halip na unahin ang responsibilidad niya bilang nanay ko. Para bang magiging nanay ko lang siya kapag may nakatingin o pumuna na sa aming dalawa. She wants the crowd to know that she's best in everything... kahit na ang totoo ay hindi. She's one of the great followers of our tradition. Kaya siya ang paborito ni Abuela. And they are expecting me to become like her? Lul. Asa pa sila.

Mapapasunod lang nila ako sa tradisyon na 'yan kapag nasa hukay na ako.

Kaya malayo ang loob ko kay Mommy. Kung tutuusin ay parang ayoko na siyang ituring na nanay ko. Sana sa ibang pamilya na lamang ako pinanganak. Sana hindi na lang siya ang naging nanay ko...

"Sab?" I was back on my sense when Jerome called me. "Ayos ka lang?" he asked in a worried tone. Bumaling ako sa kanya at nakita kong kumunot ang noo niya.

"Umiiyak ka..." mahinang sabi niya.

"Shit."

Doon lang ako natauhan. Kaagad kong pinalis ang luhang tumulo mula sa mata ko.

Why am I crying? Dahil sa gutom?

"Doon ka na lang sa dorm matulog. Nakakaawa ka kasi..." mataray na sabi ko sa kanya at iniwas ang tingin sa kanya. Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko.

"Talaga? Wow, maawain pala ang Sab ko..." masayang sambit niya.

Nanlilisik naman ang mata kong bumaling sa kanya. Tumawa lang siya at nagsimula na kaming maglakad papunta ng dorm. Tahimik na sa paligid dahil wala na gaanong tao ang nasa kalsada. May iilang establishments pa ang bukas at kaunti na lang ang mga customer nila.

"Umamin ka nga, Sab." pagbasag ni Jerome sa katahimikan.

Kunot-noo akong tumingin sa kanya. "Ano na naman 'yan?" inis na tanong ko.

"Buntis ka 'no? Paiba-iba kasi 'yung mood mo eh. Basta walang nangyari sa atin ah? Hindi pa ako handang maging ama- aray naman!" hindi na niya natapos ang mga salita niya ng pagsasapakin ko siya sa braso. Plano ko sana sa mukha pero sinasangga niya ang kamao ko ng kamay niya.

"Leche ka! Pamatay ka na! Sa kalsada ka matulog!" singhal ko sa kanya.

"Aray! Heto joke lang naman!" aniya.

"Your jokes are not funny, Jerome!" bulyaw ko sa kanya. Pinaghahampas ko siya.

"Aray! Masakit!"

Tumigil naman ako at matalim siyang tinignan. Nakangiwi siya ng bumaling sa akin. Bahagya niyang hinaplos 'yung parte ng braso niyang sinapak at hinampas ko. Inirapan ko lang siya at humalukipkip. He deserves that! Tama bang magbiro ng ganyan?

"Sadista ka talaga, Sab..." aniya at bakas pa rin 'yung sakit ng ginawa ko sa mukha niya.

"Sino bang nagsimula?"

Nagpatuloy ako sa paglakad at sumunod naman siya. Umirap ako sa kawalan. This guy is a fcking liar. Hindi pa daw siya handang maging ama pero ilang babae na siguro ang naikama niya. Thinking about that idea makes me want to punch the hell out of him until he dies.

"Bakit ba kasi ganyan ang mood mo, Sab? Paiba-iba..." tanong niya.

"Bakit? Ikaw rin naman ah? Mas mabilis magbago ang mood mo." I retorted.

Naging ganito lang naman ako mula ng dumating siya sa buhay ko.

My mood is so consistent... having a straight grumpy face almost everyday. But when he appeared in my life. I was shaken. Parang gumuho ang mga pader na nagtatago sa aking mga kahinaan. I suddenly feel so weak. I became vulnerable. Nakakatakot ito.

Sleeping BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon