Chapter 50: Coline's Day

Start from the beginning
                                    

"Hahaha. Kawawa ka naman pala" -tatawa-tawang sabi ni Daryl habang may dalang Juice 

nagpapahinga narin pala kami dahil tapos na lahat ng gagawin. si tita Mycka nalang ang nasa kusina at nagluluto pa ata. Ayaw na niya kasi kaming patulungin. kasi kung yung mga lalaki daw? ang awkward naman daw kasi nga majority girl thing ang pagluluto. e kapag kaming mga babae naman daw, baka daw masira pa yung niluluto niya. 

"Nga pala kuya Kris? Dadating ba sila tita Krisa ngayon?" -tanong ko kay kuya Kris

umiling lang siya

"Hindi daw muna sila uuwi. Sa birthday nalang daw ni Nicka dun sila magpapakita at isasama na daw si Daddy." -medyo malungkot na sabi niya

"Ang kaso? Parang ayoko nalang na magpakita pa ulit si daddy samin. parang ayoko na malaman pa ni Nicka na nagtago lang si Daddy. Natatakot kasi akong baka magalit pa si Nicka at bumalik na naman sa dati" -patuloy ni kuya Kris

"Alam mo kuya? In the first place di naman natin kasalanan kung magka-ganun ulit si Nicka, kasi what's the reason of hiding the truth from you?" -explain ko naman.

yung anim naman nakikinig lang samin ni kuya Kris.

"Sila mommy kasi ang may gusto ng mga nangyari. Sabihin na nating hindi dapat pero wala, nangyari na e. wala narin tayong magagawa. Kung ano man ang dahilan kung bakit nila ginawa to? yun ang hindi ko alam." -biglang labas ni tita Mycka mula sa kitchen.

"Umayos na kayo dyan at nandito na sila, Kanina pa nga nag-door bell e. Ayusin niyo rin yang mga itsura niyo at mukha kayong mga problemado. Birthday ni Coline to and let's give her a happy birthday. sknya ang atensyon at hindi dapat kay Nicka kahit ngayon lang." -dagdag pa ni tita Mycka sabay lapit sa pinto at binuksan yun.

Oo nga, mukhang ang lungkot ng atmosphere ngayon dito. Haay. Ewan hayaan na nga lang.

(Coline's POV)

Nasa mall lang kami ngayon. sa V-Mall to be exact. Bakit kami nandito? Ewan ko dito sa tatlong to. Sabi kasi nila malling daw. E ang plano ko tutulong nalang ako kay tita na magluto ng ihahanda para mamaya kasi dun lang kami sa bahay mag-celebrate ng birthday ko. Haha. yung pinadala kasi ni daddy na pang-outing sana namin nila Kuya Kris e ayun. nasa bulsa ko na at siyang pinang-malling namin nito nila Nicka.

"Huy ano ba? Kanina pa tayo dito. Wala kayong balak umuwi? 6pm na kaya" -aya ko sknila

"Hahaha. Osge tara na. Hahaha. Masyadong ata to miss mo na si Luke no?" -pang-aasar ni Angel sakin.

"So ano kung miss ko? Bawal ba? maghapon kaya kayo kasama ko. ang ingay niyo" -sabi skanila habang naglalakad na palabas ng mall at sila naka-sunod pa.

"Tss. Buti nga sumama yang si Nicka, di gaya dati. kill joy yan e" -si Rose naman ngayon ang nagsalita.

teka? tahimik pa kanina to si Nicka e. ano na naman kayang nagyari dito?

"Pst! napano ka?" -tanong ko sknya nung nagkapantay kami

"Ha-ha-ha. Wala naman" -pilit na tawa niya

"lokohin mo na lahat wag lang ako. Spill it" -sabi ko ulit

hindi kami naririnig nung kambal kasi nauuna naman na sila which is better para makausap ko to.

"Hahaha. Di kasi nagrereply si Jaycee e. Alam mo bang ang cold niya mula nung after nung pagbalik niyo dito?" -nag-fake smile pa siya

"Sus. Baka naman may inaayos lang?" -yan nalang yung sabi ko.

"Tss. sige sabihin mo, ano yung pwede niyang ayusin na tatagal ng halos isang buwan?" -malungkot siya alam ko.

Changing a Heart Breaker's LifeWhere stories live. Discover now